Iskedyul Para sa Linggo ng Pebrero 23
LINGGO NG PEBRERO 23
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
lv kab. 1 ¶1-9, paunang salita
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 32-35
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga Patalastas. Banggitin ang alok na literatura para sa Marso.
10 min: Maghanda Upang Ialok ang Marso 1 ng Bantayan at ang Marso ng Gumising! Matapos magbigay ng maikling sumaryo ng mga magasin, tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo ang makatatawag-pansin sa mga tao sa teritoryo at bakit. Anyayahan ang mga tagapakinig na magbigay ng tanong na gagamitin nila upang simulan ang pag-uusap at ng teksto na babasahin nila bago ialok ang mga magasin. Bilang pagtatapos, itanghal kung paano iaalok ang bawat magasin.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
10 min: Ginagamit Mo ba ang Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw? Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa paunang salita ng Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2009. Talakayin ang kahalagahan ng paglalaan ng panahon araw-araw para repasuhin ang teksto at komento sa Kasulatan. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento tungkol sa kanilang rutin sa pagsasaalang-alang ng teksto at kung paano sila nakikinabang dito.