Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Oktubre 26, 2009.
1. Yamang si Jehova ang nagsabi kay Balaam na sumama siya sa mga tauhan ni Balak, bakit lumagablab ang galit ni Jehova laban kay Balaam? (Bil. 22:20-22) [w04 8/1 p. 27 par. 2]
2. Paano tumutulong sa atin ang ‘hindi pagpapahintulot ni Pinehas na magkaroon ng kaagaw’ si Jehova upang mabulay-bulay natin ang kahulugan ng ating pag-aalay sa Diyos? (Bil. 25:11) [w95 3/1 p. 16 par. 13]
3. Bakit si Josue ang piniling maging kahalili ni Moises? (Bil. 27:15-19) [w02 12/1 p. 12 par. 1]
4. Bakit isang pampatibay-loob sa mga Kristiyano sa ngayon ang Bilang 31:27? [w05 3/15 p. 24]
5. Paano nakinabang ang mga Israelita sa kaayusan ng pagkakaroon ng mga kanlungang lunsod? (Bil. 35:11, 12) [w95 11/15 p. 14 par. 17]
6. Bakit isang mahalagang katangiang Kristiyano ang pagiging maingat? (Deut. 1:13) [w03 1/15 p. 30 par. 4; w00 10/1 p. 32 par. 1-3]
7. Sa anong mga paraan ipinakita ng Kautusang Mosaiko ang katuwiran ng Diyos? (Deut. 4:8) [w02 6/1 p. 14 par. 8-10]
8. Ipaliwanag ang tama at maling paraan ng paglalagay kay Jehova sa pagsubok, gaya ng binabanggit sa Deuteronomio 6:16-18. [w04 9/15 p. 27 par. 1]
9. Paano nasapatan ng mga pananalita ni Jehova ang mga pangangailangan ng mga Israelita, at paano tayo napalalakas ng mga pananalitang ito sa ngayon? (Deut. 8:3) [w99 8/15 p. 25-26]
10. Paano naiimpluwensiyahan ng Deuteronomio 12:16, 24 ang ating pangmalas sa paggamot na ginagamitan ng sariling dugo ng isa? [w00 10/15 p. 30 par. 7]