Iskedyul Para sa Linggo ng Oktubre 26
LINGGO NG OKTUBRE 26
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 11-13
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga Patalastas.
10 min: Maghanda Para Ialok Ang Bantayan at Gumising! Pahayag. Repasuhin ang nilalaman ng mga bagong magasin, at ipakita ang mga artikulong magugustuhan sa inyong teritoryo. Sa isang pagtatanghal, tuturuan ng isang magulang ang kaniyang anak kung paano iaalok ang magasin. Pipili sila ng artikulo, saka mag-iisip ng angkop na tanong at teksto. Pagkatapos, papraktisin ng anak ang kaniyang presentasyon, na binabanggit ang tungkol sa kaayusan sa donasyon.
10 min: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Tanungin sila kung aling kabanata ang nakita nilang pinakamabisa sa inyong teritoryo. Aling tanong, larawan, o teksto ang ginamit nila? Magkaroon ng isang pagtatanghal.
10 min: Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig sa “Tanong” sa pahina 7. Basahin at talakayin ang mga teksto.