Iskedyul Para sa Linggo ng Hulyo 26
LINGGO NG HULYO 26
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 1 Hari 15-17
Blg. 1: 1 Hari 15:1-15
Blg. 2: Sino ang Humikayat sa mga Tao Upang Makadama ng Kalayaan na Gawin ang Sarili Nilang mga Pasiya Nang Hindi na Isinasaalang-alang ang mga Utos ng Diyos? (rs p. 305 ¶1-2)
Blg. 3: Kung Bakit Kailangan ang Armagedon
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga Patalastas.
10 min: Mga Paraan Upang Mapalawak ang Iyong Ministeryo—Bahagi 3. Pahayag salig sa aklat na Organisado, pahina 114, parapo 2, hanggang pahina 115, parapo 4. Kapanayamin ang ulirang mga mamamahayag sa kongregasyon na nakadalo sa Ministerial Training School o sa Paaralang Gilead, at tanungin kung paano sila nakinabang. Kung walang makakapanayam, maglahad ng mga karanasan mula sa publikasyon.
10 min: Maghanda Upang Ialok ang mga Magasin sa Agosto. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Repasuhin sa loob ng isa o dalawang minuto ang nilalaman ng mga magasin. Saka pumili ng dalawa o tatlong artikulo, at anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng mga tanong at tekstong puwedeng gamitin. Ipatanghal kung paano iaalok ang bawat isyu.
10 min: “Ang Karunungan ay Pinatutunayang Matuwid ng mga Gawa Nito.” Tanong-sagot.