Pagsulong sa Paglilingkod sa Larangan
Natutuwa kaming iulat ang dalawang peak noong Agosto: (1) 171,910 mamamahayag at (2) 183,257 mga pag-aaral sa Bibliya. Ang bilang ng mamamahayag ay mas marami nang 865 kaysa sa nakaraang peak noong Hulyo at ito ang ika-32 sa sunud-sunod nating peak. Ang bilang ng mga pag-aaral sa Bibliya ay mas marami nang 3,465 kaysa sa nakaraang buwan.