Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Disyembre 1
“Sasang-ayon ka ba na mas hirap ang nagsosolong magulang kaysa sa may katuwang na asawa? [Hayaang sumagot.] Hinihimok tayo ng Bibliya na maging makonsiderasyon sa mga may problema. [Basahin ang Awit 41:1.] Tinatalakay ng artikulo sa pahina 22 kung paano natin matutulungan ang mga nagsosolong magulang.”
Gumising! Disyembre
“Marami ang nagtatanong, ‘Kung may Diyos, bakit hindi pa niya pinupuksa ang Diyablo?’ Naitanong mo na rin ba ito? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng artikulo sa pahina 10 at 11 ang sagot ng Bibliya sa tanong na iyan. Sinasabi rin nito kung ano ang magiging kalagayan ng daigdig kapag wala na ang Diyablo.” Basahin ang Apocalipsis 21:3, 4.
Ang Bantayan Enero 1
“Marami ang nagsasabi na alamat lang daw ang hardin ng Eden. Pero alam mo ba na binanggit ni Jesus na sina Adan at Eva ay talagang nabuhay noon? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Mateo 19:4-6.] Sinasagot ng magasing ito ang ilang karaniwang tanong tungkol sa hardin ng Eden.”
Gumising! Enero
Ipakita ang cover ng magasin at itanong, “Ano ang sagot mo sa tanong na ito? [Hayaang sumagot.] Hinihimok ng Bibliya ang mga tao na maging mapagpayapa. [Basahin ang Santiago 3:17.] Pero bakit hindi mapagkaisa ng relihiyon ang mga tao? Maitataguyod ba ng relihiyon ang kapayapaan? Tatalakayin sa magasing ito ang mga sagot.”