Iskedyul Para sa Linggo ng Abril 18
LINGGO NG ABRIL 18
Awit 17 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 2 ¶16-23 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Job 28-32 (10 min.)
Blg. 1: Job 30:1-23 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Kung May Magsasabi: “Hindi Kayo Naniniwala kay Jesus”—rs p. 208 ¶1-3 (5 min.)
Blg. 3: Kung Bakit Dapat Mag-isip Muna Bago Magsalita (Kaw. 16:23) (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga patalastas.
10 min: Kapag ang Iba ay Humihingi ng Paliwanag. Pahayag batay sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 177, parapo 2, hanggang sa dulo ng pahina 178. Magkaroon ng maikling pagtatanghal kung saan ang isang di-sumasampalatayang katrabaho ay nagtanong sa isang mamamahayag tungkol sa paniniwala natin. Tatalikod nang bahagya ang mamamahayag sa kaniyang katrabaho at makikipag-usap sa sarili—bubuuin niya sa kaniyang isip kung ano ang sasabihin niya—at saka haharap sa kaniyang kausap para sumagot.
10 min: “Tanong.” Pagtalakay ng isang elder.
10 min: Mga Paraan ng Pangangaral ng Mabuting Balita—Sa Bahay-bahay. Pagtalakay sa aklat na Organisado, pahina 92, parapo 3, hanggang pahina 95, parapo 2. Interbyuhin ang isa o dalawang mamamahayag na nagbabahay-bahay sa kabila ng mga hadlang, gaya ng kapansanan o pagkamahiyain. Paano pinagpala ang kanilang mga pagsisikap?
Awit 26 at Panalangin