Iskedyul Para sa Linggo ng Hunyo 27
LINGGO NG HUNYO 27
Awit 123 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 5 ¶17-22 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Awit 52-59 (10 min.)
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo (20 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga patalastas. “Gaano Karaming Oras ang Iuulat Ko?” Pahayag ng isang elder. Pagkatapos ng pahayag, gamitin ang sampol na presentasyon sa pahina 4 para maitanghal kung paano makapagpapasimula ng pag-aaral sa unang Sabado ng Hulyo. Anyayahan ang lahat na makibahagi.
10 min: Maghanda Para sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Hulyo. Pagtalakay. Repasuhin sa loob ng isa o dalawang minuto ang ilang nilalaman ng mga magasin. Pagkatapos, pumili ng dalawa o tatlong artikulo, at anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng mga tanong at tekstong maaaring gamitin. Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat isyu.
15 min: Maging Mataktika sa Pangangaral. Pagtalakay batay sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 197-199. Magkaroon ng dalawang pagtatanghal. Una, hindi mataktikang sasagutin ng mamamahayag ang isang karaniwang pagtutol. Ikalawa, mataktika niyang sasagutin ang gayunding pagtutol.
Awit 92 at Panalangin