Iskedyul Para sa Linggo ng Nobyembre 28
LINGGO NG NOBYEMBRE 28
Awit 26 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 13 ¶8-16, kahon sa p. 105 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Awit ni Solomon 1-8 (10 min.)
Blg. 1: Awit ni Solomon 1:1-17 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Bakit Sinasabi ng mga Saksi ni Jehova na Nagsimula Noong 1914 ang mga Huling Araw?—rs p. 174 ¶1-4 (5 min.)
Blg. 3: Paano Natin Makakamit ang Paggalang ng Iba? (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga patalastas. Gamit ang sampol na presentasyon sa pahina 4, itanghal kung paano makapagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Disyembre. Anyayahan ang lahat na makibahagi.
15 min: “Ang Pinakamahalagang Katangian ng Mabuting Guro.” Tanong-sagot. Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad kung paano nakatulong sa kanilang espirituwal na pagsulong ang pag-ibig na ipinakita ng nagtuturo sa kanila ng Bibliya.
10 min: Mga Ideya sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Disyembre. Pagtalakay. Sa loob ng isa hanggang dalawang minuto, banggitin ang ilan sa mga artikulong posibleng magustuhan sa inyong teritoryo. Pagkatapos, gamit ang seryeng itinatampok sa pabalat ng Ang Bantayan, hingan ng mungkahi ang mga tagapakinig kung anong nakapupukaw-interes na tanong at teksto ang puwedeng gamitin. Gawin din ito para sa seryeng itinatampok sa pabalat ng Gumising! at para sa isa pang artikulo mula sa alinmang magasin kung may panahon pa. Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat isyu.
Awit 63 at Panalangin