Iskedyul Para sa Linggo ng Oktubre 7
LINGGO NG OKTUBRE 7
Awit 92 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
jr kab. 15 ¶1-6, kahon sa p. 184 (30 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Efeso 1-6 (10 min.)
Blg. 1: Efeso 4:1-16 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Kung Ano ang Ibig Sabihin ng Hanapin Muna ang Katuwiran ng Diyos—Mat. 6:33 (5 min.)
Blg. 3: Totoo ba na May Mabuti sa Lahat ng mga Relihiyon?—rs p. 360 ¶4–p. 361 ¶1 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga Mungkahi sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Oktubre. Pagtalakay. Sa loob ng 30 hanggang 60 segundo, banggitin kung bakit magugustuhan ang mga magasin sa inyong teritoryo. Pagkatapos, gamit ang tampok na paksa sa Ang Bantayan, anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng tanong na kukuha ng interes ng may-bahay. Pagkatapos, anyayahan naman silang magmungkahi ng tekstong ipababasa. Gayundin ang gawin sa Gumising! at, kung may oras pa, sa isa pang artikulo ng alinmang magasin. Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat isyu.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
10 min: Yaong mga Nagpapagal. (1 Tes. 5:12, 13) Interbyuhin ang dalawang elder. Ano ang kanilang mga gawain sa kongregasyon at iba pang teokratikong atas? Paano nila nagagampanan ang mga ito bukod pa sa mga pananagutan nila sa trabaho at pamilya? Paano nila inuuna ang ministeryo? Paano sila sinusuportahan ng kanilang mga kapamilya?
Awit 123 at Panalangin