Iskedyul Para sa Linggo ng Enero 27
LINGGO NG ENERO 27
Awit 106 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 2 ¶1-11 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 17-20 (10 min.)
Blg. 1: Genesis 17:18–18:8 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Si Jesus ay Hindi Umakyat sa Langit na May Pisikal na Katawan—rs p. 273 ¶2-4 (5 min.)
Blg. 3: Abba—Paano Ginamit sa Kasulatan ang Terminong “Abba,” at Paano Ito Ginamit ng mga Tao sa Maling Paraan?—it-1 p. 14 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Magpasimula ng Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado. Pahayag. Banggitin ang lokal na kaayusan sa paglilingkod para sa unang Sabado ng Pebrero, at pasiglahin ang lahat na makibahagi. Magkaroon ng maikling pagtatanghal gamit ang sampol na presentasyon sa pahina 4.
15 min: Anu-ano ang Iyong Espirituwal na mga Tunguhin? Pagtalakay batay sa aklat na Organisado, pahina 117, parapo 1, hanggang sa dulo ng kabanata. Interbyuhin ang isa o dalawang mamamahayag na nakaabót sa kanilang tunguhing maglingkod nang buong-panahon. Anong mga pampatibay ang tinanggap nila mula sa iba? Anong mga problema ang napagtagumpayan nila? Anong mga pagpapala ang tinatamasa nila?
10 min: “Ruta ng Magasin—Tulong sa Pagpapasimula ng Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot. Tanungin ang mga tagapakinig kung paano nila napasimulan ng pag-aaral sa Bibliya ang isang ruta ng magasin.
Awit 103 at Panalangin