Iskedyul Para sa Linggo ng Pebrero 3
LINGGO NG PEBRERO 3
Awit 22 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 2 ¶12-20 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 21-24 (10 min.)
Blg. 1: Genesis 23:1-20 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Bakit Nagpakita si Jesus Taglay ang Iba’t Ibang Katawang Laman?—rs p. 274 ¶1-4 (5 min.)
Blg. 3: Abel—Magsagawa ng Pananampalatayang Nakalulugod sa Diyos—it-1 p. 16-17, Abel Blg. 1 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Ialok ang mga Magasin sa Pebrero. Pagtalakay. Magsimula sa pamamagitan ng pagtatanghal kung paano maiaalok ang mga magasin gamit ang sampol na mga presentasyon sa pahinang ito. Pagkatapos, talakayin ang kabuuan ng dalawang sampol na presentasyon. Basahin nang paisa-isa o padala-dalawa ang mga pangungusap, at saka tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang layunin nito. Ipaalaala sa mga mamamahayag na dapat silang gumamit ng sariling pananalita, at puwede nilang baguhin ang sampol na presentasyon o puwede silang maghanda ng ibang presentasyon. Bilang pagtatapos, himukin ang lahat na maging pamilyar sa mga magasin at lubusang makibahagi sa pag-aalok ng mga ito.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
10 min: Sa Kanilang mga Bunga ay Makikilala Ninyo Sila. (Mat. 7:16) Pagtalakay batay sa 2013 Taunang Aklat, pahina 47, parapo 2-3; at pahina 52, parapo 1, hanggang pahina 53, parapo 1. Tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang natutuhan nila.
Awit 25 at Panalangin