Iskedyul Para sa Linggo ng Marso 10
LINGGO NG MARSO 10
Awit 1 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 4 ¶1-9 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 40-42 (10 min.)
Blg. 1: Genesis 41:1-16 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Paano Mabubuhay sa Lupa ang Iba Pa sa mga Patay?—rs p. 277 ¶4–p. 278 ¶3 (5 min.)
Blg. 3: Abihu—Hindi Dahil Prominente ang Isa ay Puwede na Siyang Sumuway—it-1 p. 24-25 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
15 min: Nakagiginhawang Pampamilyang Pagsamba. Interbyuhin ang isang pamilya tungkol sa kanilang pampamilyang pagsamba. Ano-ano ang ginagawa nila sa kanilang pampamilyang pagsamba? Paano sila pumipili ng materyal na gagamitin? Anong mga pantulong mula sa jw.org ang nagamit na nila? Paano nakatulong sa ministeryo nila ang kanilang pampamilyang pagsamba? Paano nila tinitiyak na hindi maaagaw ng ibang gawain ang kanilang iskedyul ng pampamilyang pagsamba? Paano sila nakinabang sa kanilang pampamilyang pagsamba?
15 min: “Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagtugon sa mga Pagtutol.” Pagtalakay. Isaalang-alang ang dalawa o tatlong pagtutol na posibleng mapaharap sa mga mamamahayag at tanungin sila kung paano sila puwedeng tumugon. Ipaalaala sa mga mamamahayag na puwede silang maglahad ng karanasan sa linggo ng Abril 7.
Awit 97 at Panalangin