Iskedyul Para sa Linggo ng Hulyo 14
LINGGO NG HULYO 14
Awit 1 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 10 ¶1-7 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Levitico 21-24 (10 min.)
Blg. 1: Levitico 23:1-14 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Ang Pangkalahatang Kaligtasan ay Hindi Maka-Kasulatan—rs p. 95 ¶4 (5 min.)
Blg. 3: Kaayaayang Panahon—Gamitin Nang May Katalinuhan ang Naaangkop na Panahon Para sa Pagsang-ayon ng Diyos—it-1 p. 1294-1295 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Maghanda Para sa Espesyal na Kampanya sa Agosto. Bigyan ng bagong tract na Saan Makikita ang Sagot sa Mahahalagang Tanong sa Buhay? ang sinumang walang kopya nito. Magkaroon ng dalawang pagtatanghal gamit ang sampol na presentasyon sa pahina 4. Ipakita muna kung paano iaalok ang tract sa karamihan ng may-bahay. Pagkatapos, ipatanghal kung paano ito maaaring ialok kapag ang may-bahay ay nagpakita ng interes o gustong makipag-usap. Pasiglahin ang lahat na lubusang makibahagi sa kampanya.
5 min: Makinabang Mula sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw. Pagtalakay. Tanungin ang mga tagapakinig kung kailan nila isinasaalang-alang ang teksto sa bawat araw at kung paano sila nakikinabang sa paggamit ng Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw.
15 min: “Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapasimula ng Pag-uusap Para Makapagpatotoo Nang Di-pormal.” Pagtalakay. Magkaroon ng isang pagtatanghal.
Awit 107 at Panalangin