Iskedyul Para sa Linggo ng Disyembre 15
LINGGO NG DISYEMBRE 15
Awit 1 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 17 ¶9-16 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Josue 6-8 (10 min.)
Blg. 1: Josue 8:18-29 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Ano ang Patotoo na Taglay ng Isang Tao ang Banal na Espiritu?—rs p. 159 ¶3–p. 160 ¶2 (5 min.)
Blg. 3: Kalaban—Ang Pinakamasamang Kalaban sa Lahat ay si Satanas na Diyablo—it-1 p. 1347-1348 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
Tema: Maglabas ng “mabubuting bagay” mula sa mabuting kayamanang ipinagkatiwala sa atin.—Mat. 12:35a.
15 min: “Epektibong Paraan ng Pagtuturo sa Bibliya.” Tanong-sagot. Matapos talakayin ang parapo 3, magkaroon ng pagtatanghal na may dalawang bahagi. Tatalakayin ng isang mamamahayag at ng isang estudyante sa Bibliya ang parapo 8 sa kabanata 15 ng aklat na Itinuturo ng Bibliya. Sa unang pagtatanghal, ang mamamahayag lang ang salita nang salita. Sa ikalawa, gagamit ang mamamahayag ng punto de vistang mga tanong para malaman ang nasa isip ng estudyante.
15 min: Pantulong Para Makapaghanda sa Pagdaraos ng Pag-aaral sa Bibliya. Pagtalakay. Itawag-pansin sa mga tagapakinig ang seksiyon sa jw.org na “Ano Ba ang Itinuturo ng Bibliya?” (Tingnan sa TURO NG BIBLIYA > TIN-EDYER.) Talakayin kung paano magagamit ang materyal na ito para epektibo tayong makapagturo ng Bibliya sa mga kabataan pati na sa nakatatanda. Paano makakatulong ang mga tanong sa mga worksheet para maabot ang puso ng estudyante? Magkaroon ng isinadulang pakikipag-usap sa sarili. Gagamit ng isang worksheet ang mamamahayag para pag-isipan ang pangangailangan ng estudyante niya sa Bibliya at para makapaghanda ng epektibong mga tanong. Sa pagtatapos, pasiglahin ang mga tagapakinig na maging mas mahusay na guro at sikaping abutin ang puso ng kanilang mga estudyante gamit ang mabubuting bagay na mayroon tayo.—Kaw. 20:5.
Awit 99 at Panalangin