Iskedyul Para sa Linggo ng Enero 26
LINGGO NG ENERO 26
Awit 99 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 19 ¶9-17 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Hukom 5-7 (8 min.)
Blg. 1: Hukom 7:12-25 (3 min. o mas maikli)
Blg. 2: Amnon—Tema: Ang Makasariling Erotikong Pag-ibig ay Kapaha-pahamak—it-1 p. 115 (5 min.)
Blg. 3: Mga Paraan Kung Paano Tayo Matututo Tungkol kay Jehova—nwt-E p. 9 ¶1-4 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
Tema: ‘Magpaalipin para sa Panginoon taglay ang buong kababaan ng pag-iisip.’—Gawa 20:19.
10 min: Ang Alok sa Enero at Pebrero. Pagtalakay. Ipalahad sa mga tagapakinig ang kanilang magagandang karanasan sa pag-aalok ng brosyur na Magandang Balita. Magkaroon ng maikling pagtatanghal kung paano maaaring ialok ang brosyur. Pagkatapos, talakayin ang artikulong “Bakit Kailangang Pumunta Agad sa Teritoryo?”
10 min: Mga Elder na Nagpapaalipin Para sa Panginoon—Ang Konduktor sa Pag-aaral sa Bantayan. Interbyuhin ang konduktor sa Pag-aaral sa Bantayan gamit ang sumusunod na tanong: Ano ang mga ginagawa ninyo bilang konduktor sa Pag-aaral sa Bantayan? Paano kayo naghahanda para sa Pag-aaral sa Bantayan? Bakit hindi ninyo matatawag ang lahat ng nagtataas ng kamay? Paano makakatulong ang tagabasa, mga nagkokomento, at mga tagaabot ng mikropono para maging kapaki-pakinabang at kasiya-siya ang Pag-aaral sa Bantayan? Paano nakatulong ang Kingdom Ministry School para maging mas mahusay kayo sa pagganap ng mahalagang atas na ito?
10 min: “Gamitin ang jw.org sa Ministeryo—‘Maging Kaibigan ni Jehova.’ ” Pagtalakay. Repasuhin ang ilan sa mga feature ng seksiyong ito ng ating website, at mag-play ng isang sampol para sa mga tagapakinig. Anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi kung paano gagamitin ang “Maging Kaibigan ni Jehova” sa pagbabahay-bahay, pampublikong pagpapatotoo, o sa di-pormal na pagpapatotoo.
Awit 135 at Panalangin