Iskedyul Para sa Linggo ng Pebrero 16
LINGGO NG PEBRERO 16
Awit 80 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 20 ¶8-15 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Hukom 15-18 (8 min.)
Blg. 1: Hukom 16:13-24 (3 min. o mas maikli)
Blg. 2: Ano ang Mensahe ng Bibliya?—nwt-E p. 12 ¶1-4 (5 min.)
Blg. 3: Apolos—Tema: Lalaking Mapagpakumbaba, Mahusay Magsalita, at Masigasig—it-1 p. 157 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
Tema: Maging “Masigasig sa Maiinam na Gawa”!—Tito 2:14.
15 min: Maghanda Para Ihayag ang Mabuting Balita Nang May Sigasig. Pagtalakay. Bakit ang pananalangin kay Jehova ang unang hakbang sa paghahanda para sa ministeryo? (Awit 143:10; Gawa 4:31) Bukod sa pananalangin, ano pa ang kailangan? (Ezra 7:10) Matapos manalangin at maihanda ang ating puso, anong praktikal na mga hakbang ang kailangang gawin para maiayos ang ating mga literatura at bag na gagamitin sa ministeryo? Paano makatutulong sa atin ang pagiging handa? (Tingnan ang Bantayan, Hulyo 15, 2008, p. 10, par. 9.) Paano ka naghahanda sa ministeryo? Ipatanghal sa isang mamamahayag kung paano niya pinaghahandaan ang ministeryo sa pamamagitan ng pagrerepaso ng mga tract, magasin, o brosyur na gagamitin niya. Pagkatapos, aayusin niya ang kaniyang bag at titiyaking nakahanda na ang gadyet niya. Idiin na ang lahat ay dapat na handang-handa bago pumunta sa ministeryo. (2 Tim. 3:17)
15 min: “Sa Panahong Ito ng Memoryal, Tutularan Mo Ba ang Sigasig ni Jehova at ni Jesus?” Tanong-sagot. Bigyan ng isang kopya ng imbitasyon ang bawat isa, at talakayin ang nilalaman nito. Magkaroon ng maikling pagtatanghal gamit ang sampol na presentasyon sa pahina 4.
Awit 30 at Panalangin