Iskedyul Para sa Linggo ng Agosto 10
LINGGO NG AGOSTO 10
Awit 61 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 28 ¶18-21, kahon sa p. 289 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 1 Hari 21-22 (8 min.)
Blg. 1: 1 Hari 22:13-23 (3 min. o mas maikli)
Blg. 2: Paano Ka Mapapalapít sa Diyos?—igw p. 28 ¶1-4 [nwt-E p. 32 ¶1-4] (5 min.)
Blg. 3: Delaila—Tema: Ang Pag-ibig sa Salapi ay Maaaring Humantong sa Pagtatraidor—it-1 p. 575 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
Tema: “Kung para sa akin at sa aking sambahayan, maglilingkod kami kay Jehova.”—Jos. 24:15.
10 min: “Kung Para sa Akin at sa Aking Sambahayan, Maglilingkod Kami kay Jehova.” Pahayag batay sa tema sa buwang ito. Basahin at ipaliwanag ang Deuteronomio 6:6, 7; Josue 24:15; at Kawikaan 22:6. Idiin na ang mga asawang lalaki at ama ang dapat manguna sa espirituwal na mga bagay. Itampok ang maraming kasangkapang inilalaan ng organisasyon para tulungan ang mga pamilya. Banggitin ang ilan sa mga bahagi ng Pulong sa Paglilingkod para sa buwang ito, at talakayin ang kaugnayan nito sa tema.
20 min: “Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Sanayin ang mga Baguhan.” Pagtalakay. Tanungin ang mga tagapakinig kung paano maikakapit ng mga magulang ang mga simulain sa artikulo kapag tinutulungan nila ang kanilang mga anak na sumulong sa espirituwal. Magkaroon ng pagtatanghal ng isang amang naghahanda ng presentasyon kasama ang kaniyang batang anak.
Awit 93 at Panalangin