Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Disyembre 28, 2015. Isinama ang petsa kung kailan tatalakayin sa paaralan ang bawat punto upang magamit sa pagsasaliksik kapag naghahanda bawat linggo.
Naging sobrang malupit ba si David sa kaniyang mga bihag, gaya ng ipinalalagay ng ilan batay sa 1 Cronica 20:3? [Nob. 2, w05 2/15 p. 27]
Ano ang nagpakilos kay David para magpakita ng espiritu ng pagkabukas-palad, at ano ang tutulong sa atin na tularan ang kaniyang halimbawa? (1 Cro. 22:5) [Nob. 9, w05 10/1 p. 11 par. 7]
Ano ang ibig sabihin ni David nang banggitin niya kay Solomon: “Kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama”? (1 Cro. 28:9) [Nob. 16, w10 11/1 p. 30 par. 3, 7]
Ano ang isiniwalat tungkol kay Solomon ng kaniyang kahilingan sa 2 Cronica 1:10, at ano ang maaari nating matutuhan kung susuriin natin ang ating mga panalangin kay Jehova? (2 Cro. 1:11, 12) [Nob. 23, w05 12/1 p. 19 par. 6]
Ayon sa 2 Cronica 6:29, 30, anong pambihirang kakayahan ang taglay ni Jehova, at bakit dapat nating buksan sa kaniya ang ating puso sa panalangin? (Awit 55:22) [Nob. 30, w10 12/1 p. 11 par. 7]
Bakit ipinanalangin ni Asa na magtagumpay sila laban sa napakalaking hukbong militar, at sa ano tayo makatitiyak may kinalaman sa ating espirituwal na pakikidigma? (2 Cro. 14:11) [Dis. 7, w12 8/15 p. 8 par. 6–p. 9 par. 1]
Paanong ang paraan ng pakikitungo ni Jehova sa mga pagkakamali ni Haring Jehosapat ay tumitiyak sa atin ng pag-ibig ng Diyos, at paano ito dapat makaapekto sa pangmalas natin sa iba? (2 Cro. 19:3) [Dis. 14, w03 7/1 p. 17 par. 13; cl p. 244 par. 12]
Bakit at paano tayo dapat ‘lumagay sa ating dako’ at ‘manatiling nakatayo’ sa ngayon? (2 Cro. 20:17) [Dis. 21, w05 12/1 p. 21 par. 1; w03 6/1 p. 21 par. 15-16]
Anong seryosong paalaala ang makikita natin sa 2 Cronica 21:20 may kaugnayan sa kamatayan ni Jehoram? [Dis. 21, w98 11/15 p. 32 par. 4]
Ayon sa 2 Cronica 26:5, sino ang naging mabuting impluwensiya sa batang si Uzias, at paano makikinabang ang mga kabataan ngayon mula sa may-gulang na mga Kristiyano sa kongregasyon? [Dis. 28, w07 12/15 p. 10 pars. 2, 4]