Tanong
◼ Kailan angkop na itigil ang pagdaraos ng Bible study?
Kapag huminto na sa espirituwal na pagsulong ang estudyante mo, maaari mo nang itigil ang pagdaraos ng Bible study sa mataktikang paraan. (Mat. 10:11) Pag-isipan: Lagi ba siyang tumutupad sa iskedyul ninyo ng pag-aaral? Patiuna ba siyang naghahanda para sa pag-aaral ninyo? Nakadalo na ba siya sa ilang pagpupulong? Ibinabahagi ba niya sa iba ang kaniyang natututuhan? Gumagawa ba siya ng mga pagbabago kaayon ng mga simulain sa Bibliya? Siyempre pa, isaalang-alang ang edad at kakayahan ng estudyante, at tandaang hindi pare-pareho ang bilis ng pagsulong ng bawat isa. Gayundin, kung ititigil mo ang pakikipag-aral sa kaniya, panatilihing bukás ang pinto para muli siyang makapag-aral ng Bibliya sa hinaharap.—1 Tim. 2:4.