PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Tularan si Jose—Tumakas Mula sa Imoralidad
Makakatulong sa atin ang halimbawa ni Jose kapag natutukso tayong gumawa ng imoralidad. Kapag inaakit siya ng asawa ng panginoon niya, tumatanggi siya. (Gen 39:7-10) Ang sagot niyang “Paano ko magagawa ang napakasamang bagay na ito at magkasala nga laban sa Diyos?” ay nagpapakitang alam niya ang pananaw ni Jehova sa katapatan ng mag-asawa sa isa’t isa. At nang mas lumala ang sitwasyon, tumakas siya imbes na bigyan ng pagkakataon ang babae na pahinain ang paninindigan niya.—Gen 39:12; 1Co 6:18.
PANOORIN ANG VIDEO NA TUMAKAS MULA SA IMORALIDAD. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Anong sitwasyon ang napaharap kay Jin?
Ano ang itinanong ni Jin sa kaniyang sarili nang magpatulong sa math si Mee-Kyong?
Ano ang nadama ni Jin sa hiling ni Mee-Kyong?
Ano ang nakatulong kay Jin?
Ano ang ginawa ni Jin para makatakas mula sa imoralidad?
Anong mga aral ang matututuhan natin sa video?