KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 38-39
Hindi Kailanman Iniwan ni Jehova si Jose
Kahit maraming nararanasang pagsubok si Jose, “pinagtatagumpay ni Jehova ang lahat ng ginagawa niya” at “pinagpapala niya ito para matuwa rito ang punong opisyal ng bilangguan.” (Gen 39:2, 3, 21-23) Ano ang matututuhan natin sa ulat na ito?
Kapag may pagsubok, hindi ibig sabihing wala na ang pagsang-ayon ni Jehova sa atin.—Aw 34:19
Dapat nating isipin ang mga pagpapala ni Jehova sa atin at maging mapagpasalamat.—Fil 4:6, 7
Kailangan nating magtiwala na tutulungan tayo ni Jehova.—Aw 55:22