PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
“Huwag Kayong Mag-alala”
Tinulungan ni Jehova ang mahihirap sa Israel noon. Paano naman niya tinutulungan ang mahihirap na lingkod niya sa ngayon?
Tinuturuan niya silang magkaroon ng balanseng pananaw sa pera.—Luc 12:15; 1Ti 6:6-8
Tinutulungan niya silang magkaroon ng paggalang sa sarili.—Job 34:19
Tinuturuan niya silang maging masipag at umiwas sa nakakasamang gawain.—Kaw 14:23; 20:1; 2Co 7:1
Binigyan niya sila ng mapagmahal na mga kapatid.—Ju 13:35; 1Ju 3:17, 18
Binibigyan niya sila ng pag-asa.—Aw 9:18; Isa 65:21-23
Gaano man kahirap ang sitwasyon natin, hindi tayo dapat mag-alala. (Isa 30:15) Ilalaan ni Jehova ang materyal na pangangailangan natin hangga’t inuuna natin ang Kaharian niya.—Mat 6:31-33.
PANOORIN ANG VIDEO NA ANG PAG-IBIG AY HINDI KAILANMAN NABIBIGO KAHIT . . . MAHIRAP TAYO—CONGO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Paano naging mapagpatuloy sa mga kapatid na nakatira sa malayo ang mga kapatid na nakatira malapit sa lugar ng kombensiyon?
Paano ipinakita sa video ang pagmamahal ni Jehova sa mahihirap?
Paano natin matutularan si Jehova kahit mahirap tayo?