Kaliwa: Bagyong Ian, Florida, USA, Setyembre 2022 (Sean Rayford/Getty Images); gitna: Mag-ina na lumilikas, Donetsk, Ukraine, Hulyo 2022 (Alex Chan Tsz Yuk/SOPA Images/LightRocket via Getty Images); kanan: Mass COVID testing, Beijing, China, Abril 2022 (Kevin Frayer/Getty Images)
PATULOY NA MAGBANTAY!
2022: Taon na Punong-puno ng Problema—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Nitong 2022, tungkol sa digmaan, problema sa ekonomiya, at mga sakuna ang laman ng mga balita. Pero Bibliya lang ang nakapagpaliwanag kung bakit nangyayari ang mga ito.
Kung Bakit Magulo ang Taóng 2022
Mas naging malinaw sa mga nangyari nitong taon na nabubuhay na tayo sa panahon na tinatawag ng Bibliya na “mga huling araw.” (2 Timoteo 3:1) Nagsimula ang panahong iyon noong 1914. Pansinin ang pagkakatulad ng mga pangyayari ngayon sa inihula ng Bibliya:
“Digmaan.”—Mateo 24:6.
“Muling Naramdaman ng Europe ang Digmaan Nitong 2022.”a
Tingnan ang artikulong “Pag-atake ng Russia sa Ukraine.”
“Taggutom.”—Mateo 24:7.
“2022: Isang Taon ng Matinding Taggutom.”b
Tingnan ang artikulong “Kakapusan ng Pagkain sa Mundo, Pinalala ng Digmaan sa Ukraine.”
“Epidemya.”—Lucas 21:11.
“Kitang-kita na napakadelikado ng nakakahawang mga sakit at walang laban ang mga tao dito dahil sa muling pagdami ng kaso ng polio, at patuloy na pagtaas ng may monkeypox at COVID-19.”c
Tingnan ang artikulong “6 na Milyon ang Namatay sa COVID.”
“Nakakatakot na mga bagay.”—Lucas 21:11.
“Mga heatwave, tagtuyot, wildfire, at mga pagbaha. Hindi makakalimutan ang summer ng taóng 2022 dahil sa napakaraming matitinding pagbabago sa panahon. Libo-libo ang namatay at milyon-milyong tao sa buong mundo ang lumikas dahil sa mga ito.”d
Tingnan ang artikulong “Hindi Normal na Pagtaas ng Temperatura sa Buong Mundo.”
“Kaguluhan.”—Lucas 21:9.
“Dahil galít ang mga tao sa hirap ng buhay at pagtaas ng bilihin, napakaraming nagpoprotesta sa kani-kanilang gobyerno nitong 2022.”e
Tingnan ang artikulong “Pagtaas ng mga Bilihin sa Buong Mundo.”
Ano kaya ang mangyayari sa susunod na taon?
Hindi natin alam. Pero alam natin na malapit nang baguhin ng Kaharian ng Diyos, isang gobyerno sa langit, ang kalagayan dito sa mundo. (Daniel 2:44) Aalisin nito ang lahat ng dahilan ng paghihirap ng tao, at sisiguraduhing mangyayari ang kalooban ng Diyos.—Mateo 6:9, 10.
Gusto namin na sundin ninyo ang payo ni Jesu-Kristo: “Patuloy kayong magbantay.” (Marcos 13:37) Tinutupad na kasi ng mga nangyayari ngayon sa mundo ang mga hula sa Bibliya. Kontakin ninyo kami para malaman kung paano kayo matutulungan ng Bibliya ngayon at kung paano kayo mabibigyan nito ng tunay na pag-asa sa hinaharap.
a AP News, “2022 Was Year the Horror of War Returned to Europe,” ni Jill Lawless, Disyembre 8, 2022.
b World Food Programme, “A Global Food Crises.”
c JAMA Health Forum, “Living in an Age of Pandemics—From COVID-19 to Monkeypox, Polio, and Disease X,” ni Lawrence O. Gostin, JD, Setyembre 22, 2022.
d Earth.Org, “What’s Behind the Record-Breaking Extreme Weather Events of Summer 2022?” ni Martina Igini, Oktubre 24, 2022.
e Carnegie Endowment for International Peace, “Economic Anger Dominated Global Protests in 2022,” nina Thomas Carothers at Benjamin Feldman, Disyembre 8, 2022.