Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 28
  • Bakit Dapat Manalangin sa Pangalan ni Jesus?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Dapat Manalangin sa Pangalan ni Jesus?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Juan 14:6—“Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
  • Dapat Ba Tayong Manalangin kay Jesus?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Nararapat Ka Bang Manalangin kay Jesus?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Bakit Dapat Manalangin sa Pangalan ni Jesus?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 28

Bakit Dapat Manalangin sa Pangalan ni Jesus?

Ang sagot ng Bibliya

Dapat tayong manalangin sa Diyos sa pangalan ni Jesus dahil ito lang ang paraan ng paglapit sa Diyos na sinasang-ayunan Niya. Sinabi ni Jesus: “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6) Sinabi rin ni Jesus sa kaniyang tapat na mga apostol: “Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung hihingi kayo sa Ama ng anumang bagay ay ibibigay niya ito sa inyo sa pangalan ko.”—Juan 16:23.

Bukod diyan, dapat tayong manalangin sa pangalan ni Jesus dahil . . .

  • Pinararangalan natin si Jesus at ang kaniyang Ama, ang Diyos na Jehova.—Filipos 2:9-11.

  • Ipinakikita natin ang ating pagpapahalaga sa kamatayan ni Jesus, na siyang inilaan ng Diyos para iligtas tayo.—Mateo 20:28; Gawa 4:12.

  • Kinikilala natin ang pantanging papel ni Jesus bilang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao.—Hebreo 7:25.

  • Kinikilala natin si Jesus bilang ang Mataas na Saserdote na tumutulong sa ating magkaroon ng mabuting katayuan sa harap ng Diyos.—Hebreo 4:14-16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share