Bunga ng Algarroba
Bunga ito ng puno ng algarroba (Ceratonia siliqua), isang magandang puno na nananatiling berde ang dahon sa buong taon at makikita sa buong Israel at iba pang bahagi ng Mediteraneo. Tumataas ito nang hanggang 9 m (30 ft). Ang bunga nito ay may haba na 15 hanggang 25 cm (6 hanggang 10 in) at lapad na mga 2.5 cm (1 in). Habang nahihinog ang berdeng bunga ng algarroba, nagiging makintab ito na parang katad, na ang kulay ay mas maitim nang kaunti sa talong. Sa loob nito, may maliliit na buto na pinaghihiwalay ng laman na matamis, malagkit, at puwedeng kainin. Hanggang ngayon, ipinapakain pa rin ang bunga ng algarroba sa mga kabayo, baka, at baboy.
Kaugnay na (mga) Teksto: