Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Algarroba, Bunga ng”
  • Algarroba, Bunga ng

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Algarroba, Bunga ng
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Bunga ng Algarroba
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Ang Kuwento Tungkol sa Isang Alibughang Anak
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Crossword Puzzle
    Gumising!—1994
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Algarroba, Bunga ng”

ALGARROBA, BUNGA NG

[sa Gr., ke·raʹti·on; sa Ingles, carob pod].

Sa ilustrasyon tungkol sa alibughang anak, sinabi ni Jesus na ninasang kainin ng nagugutom na binatilyo ang mga bunga ng algarroba na ipinakakain sa mga baboy. (Luc 15:16) Ang mga bungang ito ay mula sa punong algarroba (Ceratonia siliqua), isang kaakit-akit na evergreen na tumutubo sa buong Palestina at sa iba pang lugar sa Mediteraneo. Ang puno ay tumataas nang hanggang 9 na m (30 piye), at ang maliliit at makikinang na dahon nito ay kahawig ng mga dahon ng fresno. Ang mga bunga, o pod, ay may balat na makintab at tulad-katad, kulay kayumangging malapurpura at, kasuwato ng pangalan ng mga ito sa Griego (ke·raʹti·on, “maliit na sungay”), hugis-sungay na pakurba. Ang mga ito ay may haba na mula 15 hanggang 25 sentimetro (6 hanggang 10 pulgada) at may lapad na mga 2.5 sentimetro (1 pulgada). Sa loob nito ay may ilang tulad-gisantes na mga buto na pinaghihiwa-hiwalay ng mga lamukot na matamis, malagkit, at nakakain. Hanggang sa ngayon ang mga buto ng algarroba ay ginagamit pa rin sa maraming lugar bilang pagkain ng mga kabayo, baka, at baboy. Ginagawa ang paghuhugpong sa mga punungkahoy na ito upang makalikha ng isang uri ng algarroba na makakain din ng tao.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share