Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwtstg
  • Eusebius ng Cesarea

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Eusebius ng Cesarea
  • Glosari
  • Kaparehong Materyal
  • Eusebius—“Ang Ama ng Kasaysayan ng Simbahan”?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Enon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Natatandaan Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Constantinong Dakila—Isa Bang Tagapagtanggol ng Kristiyanismo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Iba Pa
Glosari
nwtstg

Eusebius ng Cesarea

(mga 260–mga 340 C.E.) Istoryador, iskolar, at teologo, na malamang na ipinanganak sa Cesarea, Israel. Nakilala si Eusebius bilang ama ng kasaysayan ng simbahan.

Tinatawag din siyang Eusebius ng Cesarea at Eusebius Pamphili, isinunod sa pangalang Pamphilus, isang pinuno ng simbahan sa Cesarea. Naging obispo si Eusebius sa Cesarea noong mga 313 C.E.

Ang mga akda ni Eusebius ay nakakatulong sa mga estudyante ng Bibliya na matukoy ang ilang lugar na binanggit sa Bibliya. Nagbibigay rin ang mga ito ng karagdagang impormasyon tungkol sa ilang aklat sa Bibliya. Ang Ecclesiastical History ni Eusebius, na inilathala noong mga 324 C.E., ay itinuturing na pinakamahalagang akda sa kasaysayan ng simbahan mula pa noon. Dito, iniulat niya ayon sa pagkakasunod-sunod ang kasaysayan ng mga Kristiyano mula noong panahon ng mga apostol hanggang sa panahon niya. Sa Ecclesiastical History (III, V, 3), sinabi ni Eusebius na bago mawasak ang Jerusalem noong 70 C.E., ang mga Kristiyano sa Jerusalem at sa Judea ay tumakas sa isang lunsod sa Perea (na nasa kabilang panig ng Jordan) na tinatawag na Pela. Pinapatunayan ng ulat niya na nakinig ang mga Kristiyano sa babala ni Jesus na tumakas kapag nakita nilang napapalibutan ang Jerusalem ng mga hukbong Romano.—Luc 21:20-22.

Itiniwalag si Eusebius dahil pinanghahawakan niyang mas mababa ang Kristo kaysa sa Ama. Pero sa harap ng Konsilyo ng Nicaea noong 325 C.E., binawi niya ito kaya ibinalik siya sa simbahan. Naglingkod siya noon bilang tagapayo ni Constantino I, at sinuportahan niya ang pagsisikap nito na pagkaisahin ang doktrinang Kristiyano. Pagkamatay ni Constantino, isinulat ni Eusebius ang Life of Constantine para magbigay-pugay sa emperador.

Nang ikompromiso ni Eusebius ang paninindigan niya sa Nicaea, lumilitaw na mas mahalaga sa kaniya ang posisyon kaysa sa katotohanan sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share