Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 10/22 p. 6-7
  • Kung Ano ang Nadarama ng Isang Magulang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Ano ang Nadarama ng Isang Magulang
  • Gumising!—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kapag Namatay ang Isang Sanggol
  • Normal Bang Makadama Nang Ganito?
    Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
  • Kung Paano Makatutulong ang Iba
    Gumising!—1985
  • Papaano Makatutulong ang Iba?
    Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
  • Papaano Ko Mapagtitiisan ang Aking Pagdadalamhati?
    Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 10/22 p. 6-7

Kung Ano ang Nadarama ng Isang Magulang

ISINAMA ni Geneal ang kaniyang anim na mga anak​—limang babae at isang lalaki​—sa isang bakasyon upang dalawin ang ilang mga kaibigan sa gawing hilaga ng New York. Isang araw ang mga batang babae ay nagpasiyang magtungo sa bayan. Ang anak na lalaki na si Jimmy at ang isa pang batang lalaki ay humingi ng pahintulot na sila ay payagang maglakad nang mahaba. Ang mga batang lalaki ay sinabihan na maging maingat at magbalik sa hapon.

Gumagabi na subalit hindi pa nagbabalik ang mga batang lalaki. “Habang gumagabi, lalo akong nababalisa,” alaala ni Geneal. “Naisip ko na baka ang isa sa kanila ay nasaktan at ayaw namang iwan ng isa.” Ang paghahanap ay nagpatuloy sa buong magdamag. Maaga kinabukasan sila ay nasumpungan at ang kinatatakutan ng lahat ay napatunayan​—ang mga batang lalaki ay nahulog sa kanilang kamatayan. Bagaman sampung taon na ang lumipas, paliwanag ni Geneal: “Hinding-hindi ko malilimot nang dumating ang opisyal ng pulis sa aming bahay. Putlang-putla ang kaniyang mukha. Alam ko na kung ano ang kaniyang sasabihin sa akin bago pa man siya magsalita.”

At ang mga damdamin? Higit pa kaysa pangkaraniwang mga damdamin na dahil sa ibang kawalan. Gaya ng paliwanag ni Geneal: “Ipinanganak ko si Jimmy. Siya ay 12 taóng gulang lamang nang siya’y mamatay. Nasa harapan niya ang buong buhay niya. Nagkaroon na ako ng ibang mga kawalan sa aking buhay. Ngunit kakaiba ang damdamin kapag ikaw ay isang magulang at mamatay ang iyong anak.”

Ang kamatayan ng isang anak ay inilarawan bilang “ang sukdulang kawalan,” “ang pinakamapangwasak na kamatayan.” Bakit? Ganito ang paliwanag ng aklat na Death and Grief in the Family: “Ang kamatayan ng isang bata ay lubhang di inaasahan. Hindi ito tama, hindi likas. . . . Inaasahan ng mga magulang na pangangalagaan ang kanilang mga anak,iingatan silang ligtas, at palalakihin sila upang maging normal, malusog na mga may sapat na gulang. Kapag namatay ang isang bata, para bang ang mga plano mo ay nasira.”

Sa ibang kalagayan lalo nang mahirap ito para sa ina. Tutal, gaya ng paliwanag ni Geneal, isang bagay na lumabas sa kaniya ay namatay. Kaya kinikilala ng Bibliya ang mapait na pagdadalamhati na maaaring madama ng isang ina. (2 Hari 4:27) Mangyari pa, mahirap din ito para sa naulilang ama. Nakadarama rin siya ng kirot, ng sakit. (Ihambing ang Genesis 42:36-38 at 2 Samuel 18:33.) Ngunit kadalasan nang pinipigil ng lalaki ang pagbubulalas ng kaniyang mga damdamin sa takot na magtinging hindi lalaki. Maaaring makasakit din sa kaniya, kapag ang iba ay higit na nababahala sa mga damdamin ng kaniyang asawang babae kaysa sa kaniya.

Kung minsan ang naulilang magulang ay nagkakaroon ng pantanging pagkadama ng pagkakasala. Maaaring may mga kaisipan na gaya ng, ‘Maaari kayang minahal ko siya nang higit?’ ‘Madalas ko bang nasabi sa kaniya na mahal ko siya?’ at ‘Sana’y nayapos ko siya nang madalas.’ O, gaya ng pagkakasabi rito ni Geneal: “Sana’y gumugol ako ng higit na panahon na kasama ni Jimmy.”

Natural lamang para sa mga magulang na makadama ng pananagutan sa kanilang anak. Ngunit kung minsan sinisisi ng naulilang mga magulang ang kanilang sarili, inaakala na hindi nila nagawa ang isang bagay na maaari sanang nakahadlang sa kamatayan. Halimbawa, inilalarawan ng Bibliya ang reaksiyon ng patriarkang si Jacob nang papaniwalain siya na ang kaniyang anak na si Jose ay pinatay ng isang mabangis na hayop. Si Jacob mismo ang nagsugo kay Jose na tingnan ang kalagayan ng kaniyang mga kapatid na lalaki. Kaya marahil siya ay binabagabag ng mga damdamin ng pagkakasala na gaya ng, ‘Bakit ko sinugong mag-isa si Jose? Bakit ko siya sinugo sa isang lugar na nananagana sa mga mabangis na hayop?’ Kaya, “patuloy na nagtindig ang lahat ng mga anak na lalaki at babae [ni Jacob] upang siya’y aliwin, datapuwat tumanggi siyang maaliw.”​—Genesis 37:33-35.

Para bang hindi pa sapat ang pagkamatay ng kanilang anak, iniulat ng iba ang isa pang kawalan​—ang kawalan ng mga kaibigan. Ang mga kaibigan ay maaaring aktuwal na lumayo. Bakit? Ganito ang sabi ni Geneal: “Marami ang lumalayo sapagkat hindi nila alam kung ano ang sasabihin sa iyo.”

Kapag Namatay ang Isang Sanggol

Alam ni Juanita kung ano ang nadarama kapag namatay ang isang sanggol. Nang siya ay mga edad 20, siya ay limang beses na nakunan. Ngayon siya’y nagdadalang-taong muli. Kaya nang siya ay maospital dahilan sa isang aksidente sa kotse, siya ay lubhang nabalisa. Pagkaraan ng dalawang linggo siya ay nagdamdam sa panganganak​—nang wala sa panahon. Pagkaraan ng ilang sandali isinilang ang munting si Vanessa​—mahigit lamang dalawang libra (0.9 kg). “Tuwang-tuwa ako,” nagugunita niya. “Sa wakas isa na akong ina!”

Ngunit ang kaniyang kaligayahan ay panandalian. Pagkalipas ng apat na araw si Vanessa ay namatay. Ganito ang nagugunita ni Juanita: “Para bang ako’y walang halaga. Ang pagiging ina ay inalis sa akin. Para akong hindi ganap. Kay sakit na umuwi ng bahay sa silid na inihanda namin para kay Vanessa at tingnan ang mumunting mga baro ng bata na binili ko sa kaniya. Sa sumunod na mga ilang buwan, ginugunita ko ang araw ng kaniyang pagsilang. Nais kong mag-isa.”

Isang labis na reaksiyon? Maaaring mahirap para sa iba na maunawaan ito, subalit ipinaliliwanag niyaong, gaya ni Juanita, ay nakaranas nito na sila ay nagdalamhati sa kanilang sanggol gaya ng kanilang pagdadalamhati sa isa na nabuhay nang matagal-tagal. Bago pa isilang ang isang sanggol, paliwanag nila, minahal na ito ng mga magulang nito. Kapag namatay ang sanggol na iyon, isang tunay na persona ang namatay. Naglaho na ang mga pag-asa ng mga magulang na pangalagaan ang isa na gumagalaw sa loob ng bahay-bata ng ina nito.

Kasunod ng gayong kawalan, maliwanag na ang bagong naulilang magulang ay maaaring hindi mapalagay o asiwa kapag kasama ng ibang mga babaing nagdadalang-tao at mga ina na kasama ang kanilang mga anak. Ganito ang sabi ni Juanita: “Hindi ko matiis na makakita ng isang babaing nagdadalang-tao. Aba, may panahon nga na talagang lumabas ako ng tindahan sa kalagitnaan ng pamimili ko dahilan sa nakakita ako ng isang babaing nagdadalang-tao.”

Saka nariyan din ang iba pang mga damdamin​—gaya ng takot (‘Magkakaroon pa kaya ako ng isang normal na anak?’) o pagkapahiya (‘Ano ang sasabihin ko sa aking mga kaibigan at mga kamag-anak?’) o galit. Ganito ang nagugunita ni Bonnie na ang anak na babae ay namatay dalawa at kalahating araw pagkasilang nito: “May mga panahon na ako ay nag-iisip, ‘Bakit ako pa? Bakit ang aking munting sanggol?’” At kung minsan nariyan ang pagkapahiya. Paliwanag ni Juanita: “Nariyan ang mga ina na lumalabas ng ospital na kasama ang kanilang mga sanggol, at ang taglay ko lamang ay isang laruang hayop na binili ng aking asawa. Ako’y napahiya.”

Kung ikaw ay namatayan ng isang mahal sa buhay, makatutulong na malaman na ang nadaranasan mo ay normal, nararanasan din ito ng iba at gayundin ang kanilang nadama.

[Larawan sa pahina 7]

Sa marami, ang kamatayan ng isang sanggol ay “ang sukdulang kawalan”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share