Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 12/22 p. 9-11
  • Mga Patubò—Ang Hindi Mapigil na “Roller Coaster”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patubò—Ang Hindi Mapigil na “Roller Coaster”
  • Gumising!—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Patubò at Pagkakautang​—Ang Indibiduwal
  • Patubò at Pagkakautang​—Mga Pamahalaan
  • Patubò at Pagkakautang​—Ang Pangmalas ng Bibliya
  • Kung Paano Haharapin ang Pagkakautang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Utang! Pangungutang—Pagbabayad
    Gumising!—1990
  • Sulit ba ang Mangutang?
    Gumising!—1995
  • Patubo, Interes
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 12/22 p. 9-11

Mga Patubò​—Ang Hindi Mapigil na “Roller Coaster”

PATAAS, nang pataas, nang pataas ang roller coaster. At, sa isang hagibis, ito ay bumababa​—upang muli lamang tumaas. Ito ba’y hindi na mapigil? Bababang muli, tataas na muli. Sa wari, ang bawat bagong pagtaas ay mas matindi kaysa dati. Nakasakay ka ba rito? Kung ikaw ay nasa roller coaster ng patubò, ikaw ay nakasakay rito.

Ang pagsakay ay nagsimula libu-libong taon na ang nakalipas. Ang Deuteronomio 23:19, 20 ay bumabanggit sa isang pagsakay sa patubò 34 na mga siglo na ang nakalipas. Pagkaraan ng siyam na siglo, ang mga Griego ay sumakay sa patubong 10 porsiyento hanggang 12 porsiyento. Ang Romanong roller coaster noong unang siglo ay humagibis sa patubong mula 4 na porsiyento hanggang 50 porsiyento, depende kung saan sa lipunan nakatira ang tao. At, oo, ang pagsakay ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon.

Patubò at Pagkakautang​—Ang Indibiduwal

Sa buong daigdig, ang mga tao ay nakasakay sa mga patubò. Halimbawa, ang katamtamang patong sa isang bagong kotse na inutang sa mga bangkong pangkomersiyo sa Estados Unidos noong 1973 ay 10.21 porsiyento. Noong 1982, ang katamtamang patong ay 16.83 porsiyento, upang bumaba lamang sa 12.96-porsiyentong antas sa 1985.

Ang pagbili ng bagong bahay sa Estados Unidos ay pabagu-bago rin. Ang karaniwang patubò sa hinuhulugang bagong bahay ay tumaas mula 7.66 porsiyento noong 1971 tungo sa 16.71 porsiyento noong 1981. Noong Disyembre 1984, ang ating pagsakay sa roller coaster na mga patubò sa hinuhulugang bahay ay bumaba sa 13.20 porsiyento. Subalit papaano naaapektuhan ng mabilis na pagsakay na ito ang mangungutang? Halimbawa, ang pagbabayad ng $50,000 na hinuhulugang bahay sa 8 porsiyentong interes ay magkakahalaga ng $132,080 sa 30 taon. Gayunman, ang halaga ring ito na $50,000 sa 15 porsiyentong patubò ay magkakahalaga ng nakalilitong $227,602. Ang ating pagsakay ay lubhang magastos, hindi ba?

Ang kawalang-katiyakan ba ng ating pagsakay ay nagpabagal sa pangungutang? Maliwanag na hindi. Ang Federal Reserve Bulletin ay nag-uulat na, sa Estados Unidos, ang pagkakautang na hinuhulugan ng mga indibiduwal noong 1970 ay umabot ng $105.5 bilyon. Noong 1980, tatlong ulit ang itinaas nito tungo sa $313.5 bilyon. At sang-ayon sa The Wall Street Journal, ang pagkakautang na hinuhulugan ay dumami tungo sa mga $418 bilyon noong Mayo 1984. Sa mabilis na pagdami ng pangungutang, ligtas ba ang ating pagsakay sa patubò?

Nagkaroon ng nakatatakot na kalakaran. Noong 1973, ang mga pagkabangkarote na iniulat sa Estados Unidos ay umabot ng mahigit sa 173,000. Noong 1982, ang mga pagkabangkarote ay tumaas tungo sa 527,811. Kapansin-pansin sa panahong ito ng maraming pagkabangkarote, nagkaroon ng malaking pagsulong sa mga patubò.

Patubò at Pagkakautang​—Mga Pamahalaan

Ang mga Israelita ay inutusan na huwag magpapatubò sa kanilang kapuwa Israelita na nangangailangan ng tulong. (Exodo 22:25) Ang mga bansang nagpapaunlad, o Third World, ay totoong nangangailangan ng tulong upang patibayin ang kanilang ekonomiya. Ang mas mayamang mga bansa sa buong daigdig ay tumulong sa pamamagitan ng pagpapautang.

Subalit ang lahat ba ng salaping ito ay ginamit upang matugunan ang pangangailangan? Sinisipi ng magasing Time ng Hulyo 2, 1984, ang presidente ng Argentina, si Raúl Alfonsín, habang tinatalakay niya ang tungkol sa bilyun-bilyong dolyar na ipinautang sa kaniyang bansa. Sabi niya: “Ang pinakanakaiinis na bahagi ng pagkakautang ng mga taga-Argentina sa ibang bansa ay na ang salapi ay hindi ginamit sa pagpapalawak ng kabuhayan at paglikha ng kapital. Lubhang kabaligtaran.”

Iniulat pa na ang mga bansang Brazil at Paraguay ay nagtulungan sa pagtatayo ng pinakamalaking prinsa o dam sa daigdig, ang Itaipu.a Ang dam ay gagawa ng elektrisidad para sa dalawang nagpapaunlad na mga bansang ito. Lumipas ang siyam na taon sa konstruksiyon; at pagkatapos gumugol ng $18 bilyon sa Itaipu, ang Paraguay lamang ang tumatanggap ng koryente. Ang Brazil ay walang natanggap na anuman.

Ang ministro sa industriya at komersiyo ng Brazil, si Mr. João Camilo Penna, ay nagsabi kamakailan: “Mayroon tayong $50 bilyong na halaga ng di natapos na mga proyekto at sero digri na kapakinabangan.”

Ang pinakamalakas na mga mangungutang sa Latin Amerika noong kalagitnaan ng 1984 ay ang Brazil na $93.1 bilyon at ang Mexico na $89.8 bilyon. Karagdagan pa, ang Argentina, na may di-mapigil na implasyon na 568 porsiyento, ay nagsusumikap upang mabayaran ang mga pagkakautang nito. Napaharap sa 29 milyong mga tao ng Argentina ang internasyonal na pagkakautang ng pamahalaan nito na $45 bilyon. Ang patubong roller coaster ay inaasahang magkakahalaga sa mga taga-Argentina ng mga $5.5 bilyon noong 1984.

Noong Hulyo 2, 1984, ang magasing Time ay gumawa ng ganitong obserbasyon: “Binabanggit ng mga lider sa Latin Amerika na dahilan sa pagbabayad ng patubò, ang kanilang pinansiyal na mga kayamanan ay inuubos ng mga bansang gaya ng E.U. sa halagang mga $30 bilyon isang taon. Ito ay naging isang uri ng baligtad na pagtulong na ang mahirap ang nagbibigay sa mayaman.”

Apektado rin ng roller coaster ang mas mayamang mga bansa sa daigdig. Sang-ayon sa Statistical Abstract of the United States, 1984, ang halaga ng salaping inutang ng pamahalaan ng Estados Unidos ay patuloy na dumarami. Ang salaping inutang, o pagkakautang ng publiko ay sumulong mula $43 bilyon noong 1940 sa nakalilitong $1.1 trilyon noong 1982. Ang patubò lamang sa pagkakautang na ito ay sumulong mula $1 bilyon noong 1940 tungo sa $117 bilyon noong 1982.

Patubò at Pagkakautang​—Ang Pangmalas ng Bibliya

Ang bansang Israel ng sinaunang panahon ay nanatiling matatag sa kabuhayan, kung sinusunod nila ang mga batas ng Diyos. Nang ang mga batas na ito ay suwayin, ang mga Israelita nga ay nagdusa. Binanggit ng ika-5 kabanata ng Nehemias ang pagpapatubò. Gayunman, dahilan sa kalagayan, ito ay hindi tama sa kasong ito. Ang mga tahanan, ubasan, at pati na ang mga bata ay ginamit bilang patubò sa hiniram na salapi upang mapanatili ang pagkain sa panahon ng kakapusan ng pagkain.

Nangangahulugan ba ito na ang isang tao ay hindi dapat magpautang o mangutang ng pera? Hindi! Ang Awit 37:21 ay nagsasabi sa atin, “Ang balakyot ay humihiram at hindi nagbabayad.” Hindi nito hinahatulan ang pagpapautang ng pera kundi inilalagay ang pananagutan sa nangungutang na bayaran ang kaniyang utang. Maaari pa ngang ipagbili ng isang Israelita ang kaniyang sarili sa paglilingkod bilang kabayaran sa isang pagkakautang. (Levitico 25:39, 40) Sa isa sa kaniyang mga ilustrasyon, ipinahiwatig mismo ni Jesus na ang pagkuha ng patubò sa idinipositong pera sa mga bangko ay angkop.​—Mateo 25:26, 27.

Ang nasusulat na mga batas ng Diyos sa bansang Israel ay hindi laging hinahatulan ang pagpapatubò. Kadalasan ang dayuhang mga mangangalakal ay nasa Israel. Ang layunin ng mangangalakal ay personal na pakinabang. Tiyak na siya ay maaasahang magbayad ng patubò. (Deuteronomio 23:20) Gayunman, walang patubò sa isang kapatid na Israelita na nangangailangan. Ang mga pagbaligtad sa kabuhayan ay maaaring magpangyari ng pansamantalang mga pangangailangan sa pananamit o pagkain. Ang Levitico 25:37 ay nagsasabi, “Ang iyong salapi ay huwag mong ibibigay sa kaniya na may patubò, ni ibibigay mo man sa kaniya na may malaking patubò ang iyong pagkain.”

Ang pagsakay ngayon sa roller coaster ng patubò ay lumilikha ng maraming kahirapan. Habang tumitindi ang mga kahirapang ito, ikinakapit ba ng mga nagpapautang ang mga simulain ng Bibliya tungkol sa patubò? Naaapektuhan ka ba ng mga patubò? Babagsak kaya ang mga kabuhayan ng daigdig dahilan sa di mapigil na pagsakay sa roller coaster ng patubò? Ang paalaala ng Bibliya ay, “Anuman ang inihahasik ng tao, ito rin ang kaniyang aanihin.”​—Galacia 6:7.

[Talababa]

a Tingnan ang Gumising! ng Agosto 8, 1984, mga pahina 20-3.

[Graph/Larawan sa pahina 9]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Kasaysayan ng Halaga ng Hinuhulugang Bahay

1958-83

Porsiyento

18

17

16

15

14

13

12

11

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

0

1960’s

1970’s

1980’s

[Graph/Larawan sa pahina 10]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Halaga ng Hinuhulugang Bahay $50,000 sa 30 Taon

$ Sa lilibuhin

250

200

150

100

50

0

Patubò

Patubò

Utang

Utang

8 porsiyento

15 porsiyento

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share