Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 12/22 p. 12-14
  • Dalagang-Ina—Mangyari Kaya Ito sa Akin?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dalagang-Ina—Mangyari Kaya Ito sa Akin?
  • Gumising!—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Dumarami ang mga Dalagang-Ina​—Bakit?
  • Naghahasik nang Hindi Umaani?
  • Walang Garantiya
  • ‘Inaani Mo ang Iyong Inihahasik’
  • Tama Kaya ang Pakikipagtalik Muna Bago ang Kasal?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Pagbubuntis ng mga Tin-edyer—Ano ang Dapat Gawin ng Isang Batang Babae?
    Gumising!—1990
  • Paano Magagawa ng mga Dalagang-Ina ang Pinakamainam sa Kanilang Kalagayan?
    Gumising!—1994
  • Mga Amang Tumatakas—Makatatakas Nga ba Sila?
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 12/22 p. 12-14

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Dalagang-Ina​—Mangyari Kaya Ito sa Akin?

Akala ni Robin ito’y apendisitis. At nang ayaw pa ring maalis ang kirot, ipinasiya niyang makabubuting magpatingin sa isang doktor. Gayunman, hindi niya inaasahan ang isang pregnancy test.

Ni inaasahan man niyang siya’y sasabihan na ang resulta ng pagsubok ay positibo.

“Nablangko ang aking isipan sa balita,” alaala ni Robin. “Nahiga ako sa mesa na para bang wala ako sa aking sarili. Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa akin. Hindi ko maisip kung papaano ko sasabihin ito sa aking ina at ama. Saka lamang ako natauhan nang tawagan ko sa telepono ang aking nobyo at sabihin sa kaniya na ako ay nagdadalang-tao.”

TAUN-TAON sa Estados Unidos, mahigit sa isang milyona ng walang asawang mga tin-edyer na babae ang tumatanggap ng nakatatakot na balita na sila ay nagdadalang-tao. Ganito ang sabi ng Teenage Pregnancy: The Problem That Hasn’t Gone Away: “Mahigit sa isa sa 10 mga tin-edyer ang nagdadalang-tao taun-taon, at ang kasukat ay tumataas. Kung ang mga huwaran ay hindi magbabago, apat sa 10 mga dalaga ang magdadalang-tao nang minsan samantalang sila’y mga tin-edyer pa.”

‘Mangyari kaya ito sa akin?’ malamang na itanong ng isang kabataang babae.

Dumarami ang mga Dalagang-Ina​—Bakit?

Waring nakalilito sa isipan na napakaraming kabataang babae ay nagiging mga dalagang-ina. Ang maluwag na mga batas sa aborsiyon at ang madaling makuhang mga kontraseptibo ay nag-udyok sa tinatawag na seksuwal na pagbabago. ‘Sa wakas,’ katuwiran ng marami, ‘maaaring tamasahin ng mga kabataan ang seksuwal na pagtatalik nang walang mga konsikuwensiya.’ Gayunman, ang mga pagdadalang-tao ng mga tin-edyer ay patuloy na nagaganap sa nakatatakot na dami. Ano ang dahilan nito? Maaari kayang ang dalagang-ina ay naaangkop sa isang uri ng kakatwang personalidad?

Ang iba ay gumawa ng teoriya sa mga puntong ito. Halimbawa, maraming dalagang-ina ang mula sa mahihirap na pamilya. Ang ilan kung gayon ay naghihinuha na ang gayong mga babae ay talagang may mababang mga pamantayan sa moral. Gayunman, ipinalalagay naman ng iba ang pagiging dalagang-ina sa hindi mabuting mga kaugnayan sa pagitan ng ina at ng anak na babae o kaigtingan pa nga. At, ang nakagigitla sa lahat, ay ang pangangatuwiran na aktuwal na gusto ng mga dalagang-ina na magdalang-tao, na ang pagkakaroon ng sanggol ay pumupunô sa masidhing pangangailangan ng pagmamahal, o na ginagamit nila ang pagdadalang-tao upang pikutin ang isang lalaki sa pag-aasawa.

Gayunman, tinatawanan lamang ni Robin ang gayong mga palagay. Sapagkat bago pa man siya maging membro ng kongregasyong Kristiyano, naniniwala siya​—at patuloy na naniniwala​—na ang pagsisiping ng mga hindi mag-asawa ay hindi tama. (Ipinakikita ng pananaliksik na ang mga dalagang-ina mula sa mahihirap na pamilya ay mayroon ngang mga pamantayan sa moral​—bagaman hindi namumuhay ayon dito.) Higit pa riyan, wala siyang problema tungkol sa mga kaugnayan sa pamilya, ni sinisikap man niyang pikutin ang kaniyang nobyo. “Hindi ako umiibig sa kaniya,” sabi niya. Gayunman si Robin ay nagdalang-tao.

Sa katunayan, pambihira ang tin-edyer na gugustuhin ang magdalang-tao. Bakit, kung gayon, ang mga dalagang-ina? Ganito ang masakit na katotohanang konklusyon ni Jerome D. Paulker sa isang artikulo: “Ang mga anak sa pagkadalaga ay hindi dala ng tagák ni ng pagnanais na magkaroon ng isang anak sa pagkadalaga, kundi bagkus ito’y bunga ng seksuwal na pagsisiping.”​—Sinipi sa Unplanned Parenthood.

Naghahasik nang Hindi Umaani?

Ang pagdami ng mga dalagang-ina samakatuwid ay nagbibigay-diin sa karunungan ng payo ng Bibliya sa Gawa 15:29 na ‘lumayo sa pakikiapid.’ Kapuna-puna, ang talatang iyan ng Bibliya ay nagsasabi pa: “Kung maingat na lalayuan ninyo ang mga bagay na ito, kayo’y uunlad. Maging malusog nawa kayo!” Totoo, iilang kabataan ngayon ang sumusunod sa mabuting payo na ito. Ang Alan Guttmacher Institute ay nag-uulat: “Sa katamtaman, sinisimulan ng mga tin-edyer ang seksuwal na gawain sa gulang na 16. Pambihira ang kabataan na hindi pa nakakaranas ng pagtatalik sa gulang na 19.” Subalit ano ba ang masama sa pagiging “pambihira” o kakaiba? Tiyak, hindi mararanasan ng batang babaing may tibay-loob na tumanggi sa pagsisiping nang hindi kasal ang trauma ng pagiging dalagang-ina.

Gayunman, inaakala ng iba na posibleng maligtasan ang mga konsikuwensiya ng paglabag sa moral na mga pamantayan ng Diyos. Halimbawa, inirirekomenda ng Alan Guttmacher Institute ang isang programa ng “makatotohanang edukasyon sa sekso, isang pinalawak na network ng pangontrang mga serbisyo ng pagpaplano ng pamilya . . . ang pagkakaroon at madaling pagkuha ng mga serbisyo sa legal na aborsiyon.” Ngunit praktikal nga ba ang pagpapahintulot ng kaluwagan sa sekso? Totoo, maraming kabataan ang lubhang ignorante sa mga katotohanan ng buhay. Kadalasan nang hindi naipakikipag-usap ng mga magulang ang gayong napakapersonal na mga bagay sa kanilang mga anak. Gayundin ang mga programa sa edukasyon sa sekso ay napatunayang hindi sapat.

Totoo rin na ang kawalang-alam sa seksuwal na mga bagay ay malayo sa lubos na kaligayahan. Sa kaniyang mahalagang pag-aaral ng mahigit 400 nagdadalang-taong mga tin-edyer, napansin ni Frank Furstenberg, Jr., na “ang pinakamadalas mabanggit sa mga panayam ay, ‘Hindi ko akalaing mangyayari ito sa akin.’” Bakit? Kadalasang sila’y punô ng maling mga ideya. Sapagkat marami sa kanila ang nakakakilala ng mga kaibigan na hindi naman nagdalang-tao pagkatapos makipagtalik, kaya inaakala nila na magagawa rin nila ito. Binanggit din ni Furstenberg: “Marami ang nagsabi na hindi nila akalaing posible na magdalang-tao ‘kaagad.’ Inaakala ng iba na kung sila ay makikipagtalik lamang ‘paminsan-minsan’ hindi sila magbubuntis . . . Mentras mas matagal silang hindi nagdadalang-tao, lalong lumalakas ang kanilang loob.”b

Gayumpaman, hindi mahahadlangan ng edukasyon sa sekso o ng birth control ang mga lumalabag sa Salita ng Diyos sa ‘pag-aani ng kanilang inihahasik.’

Walang Garantiya

Maliwanag, kinakailangan ng mga kabataan ang tumpak na impormasyon tungkol sa pag-aanak. At pinakamabuting kunin nila ang gayong kaalaman mula sa kanilang mga magulang. Maaaring hindi madali para sa kanila na ipakipag-usap ang tungkol sa sekso, subalit ang karamihan ng mga magulang ay susubok.

Gayunman, ang basta pagkaalam ay hindi hahadlang sa isang babae sa pagiging dalagang-ina​—kung siya ay nagsasagawa ng kahandalapakan sa sekso. Halimbawa, alam ni Robin ang tungkol sa pagdadalang-tao at birth control. Gayunman wala siyang ginamit upang maiwasan ang pagdadalang-tao. Bakit? Sa isang bagay, natatakot siya​—gaya ng maraming kabataan​—na ang paggamit ng pill ay makapipinsala sa kaniyang kalusugan. Gayunman, sabi pa niya: “Kung isasagawa ko ang birth control, kailangang aminin ko sa aking sarili na hindi tama ang ginagawa ko. Hindi ko magagawa iyan. Kaya iniwaksi ko na lamang sa aking isipan kung ano ang aking ginagawa at umaasang walang mangyayari.”

Oo, kadalasang nasusumpungan ng mga babaing nagtatalik nang hindi kasal ang kanilang mga sarili na binabagabag ng kanilang mga budhi! Ipinakikita ng Bibliya, sa Roma 2:14, 15, na kahit na ang mga hindi Kristiyano ay maaaring bagabagin ng kanilang budhi kung lalabagin nila ang mga pamantayan sa moral. Sa nabanggit na pag-aaral ni Furstenberg, “halos kalahati ng mga tin-edyer ang nagsabi na napakahalaga para sa isang babae na maghintay hanggang makasal bago magkaroon ng pagtatalik sa sekso . . . Hindi maikakaila, may maliwanag na pagkakaiba sa pagitan ng mga salita at mga gawa . . . Mayroon silang isang set ng mga pamantayan subalit namumuhay naman sa ibang pamantayan.” Ang emosyonal na pagkakasalungatang ito “ay gumawang mas mahirap para sa mga babaing ito na pakitunguhan nang makatotohanan ang mga konsikuwensiya ng kanilang seksuwal na paggawi.”

Totoo, napapatahimik ng maraming kabataan ang mga sigaw ng kanilang mga budhi at gumagamit ng birth control. Subalit garantiya ba ito na ang isa ay hindi magiging dalagang-ina? Ang aklat na Kids Having Kids ay nagpapaalaala sa atin: “Ang bawat pamamaraan ay may antas ng kabiguan. . . . Kahit na kung ang walang asawang mga tin-edyer ay patuloy na gumagamit ng mga pamamaraan sa birth control . . . 500,000 pa rin ang magdadalang-tao taun-taon.” Isang 16-taóng-gulang na dalagang-ina na nagngangalang Pat ang sinipi na namimighati: “Umiinom ako [ng birth control pills] araw-araw. Talagang hindi ko nakaligtaang uminom sa bawat araw.”

‘Inaani Mo ang Iyong Inihahasik’

Sa gayon ang salitang isinulat sa Bibliya mga dalawang libong taon na ang nakalipas ay napatunayang totoo: “Huwag kayong padaya: Ang Diyos ay hindi napabibiro. Sapagkat anuman ang inihahasik ng tao, ito rin ang aanihin niya.” (Galacia 6:7) Mangyari pa, ang pakikiapid ang hinahatulan ng Salita ng Diyos​—hindi ang pagdadalang-tao. Ang pagdadalang-tao ay isa lamang sa mga paraan ng pag-ani ng isa ng di-kaaya-ayang ani ng pakikiapid.

Ang pakikiapid ay maaari ring magkaroon ng epekto na mas mapangwasak kaysa sa pagdadalang-tao. Hinahadlangan nito ang isang tao sa pagkakaroon ng isang malinis, kaaya-ayang katayuan sa harap ng Diyos. “Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos,” sabi ng Bibliya, “na kayo’y lumayo sa pakikiapid.” (1 Tesalonica 4:3) Subalit may pag-asa pa para sa mga nasilo sa imoralidad. Maaari silang magbago at lumapit sa Diyos taglay ang saloobin ng pagsisisi na gaya ni Haring David, na sumulat: “Maawa ka sa akin, Oh Diyos, ayon sa iyong kagandahang-loob. Ayon sa karamihan ng iyong mga kaawaan ay pawiin mo ang aking mga pagsalansang. Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan.”​—Awit 51:1, 2.

Ang mga panganib ng pagtatalik nang di-kasal​—sa pisikal at espirituwal na paraan​—ay malaki. Huwag kang padaya sa mga nagsasabi na ‘matatakasan mo ito nang walang parusa.’

[Mga talababa]

a Ang industrialisadong mga bansa na may pinakamaraming pagdadalang-tao ng mga tin-edyer ay ang Estados Unidos, Czechoslovakia, ang German Democratic Republic, Yugoslavia, Romania, Hungary, at Bulgaria.

b Sa isang grupo ng 544 na mga batang babae, “halos isang-ikalima ang nagdalang-tao sa loob ng anim na buwan pagkatapos na seksuwal na makipagtalik.”

[Blurb sa pahina 14]

‘Umiinom ako ng pill araw-araw. Talagang hindi ko nakalimutang uminom sa bawat araw.’​—Isang 16-taóng-gulang na dalagang-ina.

[Larawan sa pahina 13]

Maraming kabataan ang tumatangging harapin ang posibleng mga kahihinatnan ng kanilang mga paggawi

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share