Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 4/8 p. 7-9
  • Isang Pangitaing Tinanggihan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Pangitaing Tinanggihan
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Tinig na Tumututol
  • Ang Wakas ng Isang Pangitain
    Gumising!—1986
  • Kung Bakit Bumangon ang Pangangailangan sa Isang Liga
    Gumising!—1991
  • Ang Pangitain Para sa Kapayapaan
    Gumising!—1986
  • Malapit Nang Magwakas ang Mahabang Kasaysayan ng mga Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 4/8 p. 7-9

Isang Pangitaing Tinanggihan

“ANG Liga ay umiiral, subalit magiging ano kaya ito? Ito kaya ang tunay na bagay o isang impostor?” Ang katanungang iyan ay ibinangon ng Britanong Lord Robert Cecil, Tagapangulo ng Executive Committee of the League of Nations Union. Oo, bagaman maraming tao ang napaniwala na ang Liga ay maggagarantiya ng kapayapaan, ang iba ay nagpahayag ng matinding pag-aalinlangan.

Ang kilalang awtor na Ingles na si Jerome K. Jerome ay sumulat: “Ang Liga ng mga Bansa ay patay nang isilang sa daigdig. . . . Ang mga tagapagtaguyod nito . . . ay nag-anyaya sa amin sa binyag. . . . Inaasahan nila ang isang bagong Mesiyas. Para bang nahikayat nila ang kanilang mga sarili na sa kasisigaw at pagpapatirapa ng kanilang mga sarili maibabangon nila ito mula sa kamatayan.” Ang Standard ng London ay nagsabi: “Isang Liga ng mga Bansa na doo’y walang sinuman ang naniniwala, subalit pinapupurihan ng lahat, ay isang pagkukunwari, at isang napakapanganib na pagkukunwari.”

Isang Tinig na Tumututol

Sa kabilang dako, nakita natin kung paano malugod na tinanggap ng klero ang Liga. Subalit sa gitna ng relihiyosong pagkakaingay na ito pabor sa Liga, noong Mayo 1920 inilathala ng magasing Watch Tower ang isang maliwanag na pagtuligsa sa Liga, na sinasabi: “Ito ay ibinalita sa ibang bansa bilang ang dakilang tagapagpalaya sa sangkatauhan . . . Subalit walang pagsalang ito’y dapat na mabigo.”

Bakit ang Liga ay nakatalagang mabigo? Ito ba’y dahilan lamang sa pulitikal na mga kadahilanan, sapagkat ang Estados Unidos ay hindi umanib? Hindi, ang buong isyu ng Liga ng mga Bansa ay nakita ng mga Saksi ni Jehova bilang isang insidente o pangyayari lamang kung ihahambing sa mas dakilang drama​—ang pansansinukob na pagbabaka sa pagitan ng Soberanong Panginoon, si Jehova, at ang nagtatag ng pansansinukob na paghihimagsik, si Satanas. (Job, mga kabanatang 1 at 2; Juan 8:44) Sa gayon ang Liga, na itinaguyod ng mga pulitiko at pinuri ng mga klero, ay siyang huwad na lunas ni Satanas upang ilayo ang ating pansin sa tanging tunay na lunas sa mga suliranin ng sangkatauhan​—ang Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Mula sa pangmalas ng Diyos ang Liga ay tunay na isang “pagkukunwari” at isang “impostor.”​—Ihambing ang Awit 2.

Kaya ang sinipi sa Watch Tower ay nagpatuloy: “Kahit na kung tinanggap ng Estados Unidos ang Liga ng mga Bansa, at nakisali sa iba pang mga bansa sa daigdig, hindi pa rin nito magagawa ang ipinahayag na layunin, sa kadahilanan na ito ay gawang-tao, ibinalangkas ng sakim na mga tao; at sa higit pang kadahilanan ito ay salungat sa paraan ng Diyos.”

Isang mas matinding pagbatikos pa nga ang ginawa sa isang kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa Cedar Point, Ohio, noong Setyembre 10, 1922. Doon ay ipinahayag nila sa isang pangmadlang resolusyon:

“Na ang lahat ng internasyonal na mga komperensiya at lahat ng mga kasunduan na bunga nito, pati na ang kasunduan ng Liga ng mga Bansa at lahat ng katulad na mga kasunduan, ay dapat na mabigo, sapagkat gayon ang hatol ng Diyos.”

Binatikos din nila ang pagtaguyod ng klero sa Liga, sinasabi “na lalo pa nilang [ang klero] itinakwil ang Panginoon at ang Kaniyang kaharian at hindi naging tapat sa pamamagitan ng kusang pakikiisa nila sa organisasyon ni Satanas at may kapangahasang ipinahayag sa daigdig na ang Liga ng mga Bansa ang pulitikal na kapahayagan ng kaharian ng Diyos sa lupa, isang kapahayagan na ginawa nila na ganap na pagwawalang-bahala sa mga salita ni Jesus at ng mga apostol.”

Bakit gayon na lamang katindi ang paninindigan ng mga Saksi laban sa Liga sa gayong kaagang petsa? Sapagkat sila’y naghinuha mula sa kanilang pag-aaral ng Bibliya “na ang 1914 ang nagtanda sa legal na pagwawakas ng matandang daigdig at noon kinuha mismo ng matuwid na Haring si Kristo ang Kaniyang kapangyarihan bilang hari;

“Na ang Panginoong Jesu-Kristo ay naririto na ngayon, di nakikita ng tao, at nagpapatuloy sa gawain na pagtatatag ng Kaniyang kaharian, ang kaharian na itinuro Niya sa Kaniyang mga tagasunod na idalangin.”​—Mateo 6:9, 10.

Samakatuwid nakita ng mga Saksi ang Liga bilang gawang-taong kahalili ng Kaharian ng Diyos. Kung gayon, ito ay kailangang mabigo. (Jeremias 10:23; Daniel 2:44) Sa katunayan, ano ang nangyari sa Liga ni Woodrow Wilson? Para sa kasagutan, repasuhin natin ang mga pangyayari mula noong 1920 hanggang 1946.

[Mga larawan sa pahina 8]

Ang pag-asa ng daigdig ay nakasentro sa Liga ng mga Bansa sa Geneva, Switzerland

[Pinagmulan]

United Nations

U.S. National Archives

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share