Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 3/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pag-iwas sa Aksidente
  • Pagiging Magkaibigan Lang
  • Dalagang-Ina
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1986
  • Dalagang-Ina—Mangyari Kaya Ito sa Akin?
    Gumising!—1985
  • Mga Amang Tumatakas—Makatatakas Nga ba Sila?
    Gumising!—2000
  • Paano Magagawa ng mga Dalagang-Ina ang Pinakamainam sa Kanilang Kalagayan?
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 3/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pag-iwas sa Aksidente

Ako’y sumulat may kaugnayan sa inyong labas na pinamagatang “Mga Aksidente​—Maiiwasan ba ang mga Ito?” (Disyembre 8, 1985 sa Tagalog) Sa aming kompanya ng gas at koryente seryoso naming isinasaalang-alang ang kaligtasan. Sinisikap naming idiin ang kaligtasan sa labas ng trabaho gayundin sa loob ng trabaho. Nais kong humiling ng kapahintulutan na ilimbag-muli sa aming buwanang “Safety Bulletin,” ang buo o bahagi, ng mga artikulong “Mga Aksidente​—Bakit Ako Pa?” at “Mga Aksidente​—Ang Sanhi at Pag-iwas.”

E. A., Shift Supervisor, Iowa

Pagiging Magkaibigan Lang

Nais kong ipahayag ang aking taimtim na pagpapasalamat sa inyong napapanahong pagsisikap na hubugin ang isipan ng mga kabataan. Natawag ang aking pansin sa inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Maaari bang ‘Maging Magkaibigan Lang’ ang Isang Lalaki at Babae?” (Nobyembre 8, 1985 sa Tagalog) Ang paksang ito ay malaon nang nasa aking isipan. Sa tulong ng inyong napapanahong payo, itinigil ko ang paggawing ito, at aking natulungan ang karamihan sa aking mga kaibigan na magkaroon ng timbang na pangmalas sa isyung ito. Patuloy kong tatangkilikin ang inyong magasin at gagamitin ito upang tulungan ang lahat ng aking mga kaibigan at iba pa.

J. C. O., Nigeria

Katatapos ko lamang basahin ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Maaari bang ‘Maging Magkaibigan Lang’ ang Isang Lalaki at Babae?” Ang impormasyon ay napakabuti, lalo na sa mga binata’t dalaga. Ipinaalaala sa akin ng artikulong ito ang isang bagay na madalas kong makita. Ang situwasyon ay waring isang tatsulok na binubuo ng napakalapit na kaugnayan sa pagitan ng isang asawang lalaki, asawang babae, at ang matalik na kaibigan ng asawang babae. Hindi ba mapanganib din para sa asawang lalaki at sa matalik na kaibigan ng asawang babae na madalas na magkasama, kahit naroon din ang asawang babae, na gaya ng mga binata’t dalaga na naghahangad ng platonikong mga kaugnayan?

K. B., New York

Totoo, maaaring magkaroon ng panganib sa emosyonal na pagkasangkot kung saan mayroong tatsulok na kaugnayan sa matalik na kaibigan ng asawang babae o sa matalik na kaibigan ng asawang lalaki. Isa pa, maaari ring magkaroon ng panganib kapag ang dalawa ay laging malapit sa isa’t isa, sa trabaho, sa mga sosyal na okasyon, o sa mga bakasyon. Kung sa anumang kadahilanan ang isang may-asawang tao ay nagkakaroon ng isang malapit, kompidensiyal, at simpatetikong pakikipagkaibigan sa isang tao maliban sa kaniyang asawa, ito’y maaaring pagmulan ng malaking kapahamakan at dalamhati.​—ED.

Dalagang-Ina

Tungkol sa inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Dalagang-Ina​—Mangyari kaya Ito sa Akin?” (Disyembre 22, 1985 sa Tagalog), iminumungkahi ko na sana’y ginawa ninyo itong “Mga Magulang na Hindi Kasal.” Sana’y idiniin ninyo sa artikulo ang mga pagkakamaling ginagawa kapuwa ng mga tin-edyer na lalaki at babae. Sa palagay ko sana’y idiniin pa ninyo ang tungkol sa moral na pananagutan ng lalaki’t babae at binanggit nang higit ang problema ng mga saloobin ng lalaki sa pagtatalik ng hindi mag-asawa, na umaakay rin sa pagdadalang-tao ng mga tin-edyer.

L. K. N., Inglatera

Sumasang-ayon kami na ang pananagutan ng mga kabataang lalaki at ang moral na mga kahihinatnan sa kanila ay kailangan na idiin din. Ang artikulong tinututulan ay pantanging itinutuon sa mga kabataang babae na walang asawa, bagaman ang huling tatlong parapo ay nakatuon sa mga kabataang lalaki at babae. Magkakaroon ng iba pang mga artikulo sa “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . ” na may kaugnayan sa iba’t ibang aspekto ng suliraning ito, na maglalakip rin ng espisipikong payo sa mga kabataang lalaki.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share