Ang Alkohol at Ikaw
‘Joe, sa palagay ko’y marami ka nang nainom,’ sabi ng maybisita.
‘Sino, ako?’ tugon ni Joe, na malabo ang pagbigkas sa kaniyang mga salita. ‘Kaya ko ito!’
‘Marahil nga, subalit iminumungkahi ko na uminom ka muna ng isang tasang kape bago ka magmanehong pauwi.’
MABUTING payo? Tiyak na hindi! Sa katunayan, kung labis-labis ang kaniyang nainom, hindi gagawing ligtas ng isang tasang kape para si Joe ay magmanehong pauwi; ni gagawin man ito ng paglanghap ng sariwang hangin, ng isang malamig na paligo, o ng ehersisyo. Ang gayong mga bagay ay maaari lamang gumawa kay Joe na higit na gising. Subalit isang bagay lamang ang tutulong sa kaniya upang mawala ang pagkalasing—ang panahon. Upang higit itong maunawaan, makatutulong na ating tingnan kung paano pinangangasiwaan ng iyong katawan ang alkohol.
Kung Paano Gumagana ang Alkohol
Kapag ikaw ay umiinom ng isang inuming may alkohol, ang alkohol ay lubhang “sabik” na magtungo sa iyong dugo.a Di-gaya ng ibang pagkain, hindi ito kinakailangang tunawin. Mga 20 porsiyento mula sa iyong tiyan ang karakarakang nagtutungo sa iyong dugo. Ang iba pa ay napapasama kapag ito ay nagdaraan sa iyong maliit na bituka.
Ang tindi ng epekto sa iyo ng alkohol ay depende sa kung gaano karami nito ang naipon sa iyong dugo. At kung gaano kadali ito natitipon o dumarami ay depende sa ilang mga salik:
(1) Dami ng nainom na alkohol: Gaano karaming alkohol ang naiinom mo sa isang karaniwang pag-inom? Ang isang lata ba ng beer ay naglalaman ng kaunting alkohol kaysa isang tagay ng whiskey? Maaaring hindi kapani-paniwala, ang karaniwang isinisilbing beer, tintong pangmesa (table wine), at 80-proof na whiskey ay naglalaman na lahat ng magkasindaming alkohol—mahigit ng kaunti sa kalahating onsa (15 cc).b
Kaya, ang ulat ng Physiological Effects of Alcohol, na inilathala ng National Institute on Alcohol Abuse and Alcoholism, ay naghihinuha: “Kung ang pag-uusapan ay ang mga epekto ng pag-inom sa isipan at katawan ng isang indibiduwal, kung gayon, hindi gaanong mahalaga kung ang pinipili niyang inumin ay alak, beer, o ‘matapang na inumin’—ang pinakamahalaga ay ang aktuwal na dami ng alkohol na nainom.”
(2) Bilis ng pagkapahalo: Maraming salik ang maaaring makaapekto sa bilis ng pagkapahalo o absorsiyon ng alkohol sa iyong dugo. Ang pagkain ay isang salik. Yaon ay, para bang binabantuan ng pagkain sa iyong tiyan ang alkohol at pinababagal ang absorsiyon nito. Kaya’t ang isang tao na uminom ng isang basong tintong pangmesa na kasama ng hapunan ay hindi gaanong tataas ang antas ng alkohol sa kaniyang dugo kaysa kung uminom siya ng gayunding dami ng alkohol nang walang laman ang tiyan. Ang agwat o pagitan ng mga pag-inom ay maaari ring makaapekto sa absorsiyon. Ang dalawang inumin sa loob ng ilang mga minuto ay labis na nakalalasing kaysa dalawang inumin na ininom pagkalipas ng mga dalawang oras.
Ang timbang ay isa pang salik. Bakit? Dahilan sa mentras mas mabigat ang isang tao, mas maraming likido sa kaniyang katawan na hahalo sa alkohol. Halimbawa, paliwanag ng ulat ng Development of a Traffic Safety and Alcohol Program for Senior Adults:c “Ang isang taong tumitimbang ng 160 libra [73 kg] ay may mga 110 libra [50 kg] ng tubig sa kaniyang katawan na hahalo sa alkohol. Pagkatapos ng tatlong inumin sa loob ng isang oras ang kaniyang BAC [blood alcohol content o alkohol sa dugo] ay mga 0.07 porsiyento. Kung ang isang tao na tumitimbang ng 100 libra [45 kg] ay uminom ng kasindami sa gayunding panahon, ang kaniyang BAC ay magiging mga 0.11 porsiyento at [siya] ay maaaring arestuhin bilang isang nagmamaneho na lasing.”
Ang tapang ng alkohol sa inumin ay maaari ring makaapekto sa bilis ng absorsiyon. Yaon ay, mentras mas matapang ang alkohol sa inumin mas mabilis na mapahalo ang alkohol.
Kaya ang absorsiyon o pagkapahalo ng alkohol sa iyong dugo ay maaaring mapabilis o mapabagal—depende sa alinman sa mga salik na nabanggit. Gayunman, mayroon pang isang salik na tumitiyak kung gaano karaming alkohol ang naiipon sa iyong dugo.
(3) Bilis ng oksidasyon: Minsang ang alkohol ay nasa iyong dugo, ang iyong katawan ay nagsisimulang magtrabaho upang alisin ito. Isang maliit na porsiyento (sa pagitan ng 2 at 10 porsiyento) ang inilalabas nang walang pagbabago sa hininga, pawis, at ihi. Ang karamihan ng natitira ay inuoksidá, “kinukunsumo,” sa atay, kung saan ang kemikal na kayarian ng alkohol ay binabago upang maglabas ng init at enerhiya.
Gaano kabilis kinukonsumo ng iyong atay ang alkohol? Ang bilis ng oksidasyon ay maaaring iba-iba sa bawat tao, depende sa gayong mga salik na gaya ng timbang at kalusugan. Sang-ayon sa report nina Malfetti at Winter, “bilang pangkalahatang giya, ang isang 150-libra [68-kg] na tao ay maaaring oksidahín (o ‘makunsumo’) ang alkohol sa isang inumin sa loob ng isang oras.”
Paano natitipon o dumarami ang alkohol sa iyong dugo kung mabilis na kumikilos ang iyong atay upang alisin ito? Simple lang: Kapag ang bilis ng absorsiyon ay nakahihigit sa bilis ng oksidasyon, tumataas ang antas ng alkohol sa dugo. Ganito ang paglalarawan ng report ng Physiological Effects of Alcohol: “Para itong paglilimas ng tubig sa isang bangkang may butas: Kung ang alkohol ay mas mabilis na ‘tumatagas’ sa dugo kaysa ‘maililimas’ ng katawan, ang antas nito, o tapang, ay tumataas.” At habang tumataas ang antas ng alkohol sa dugo, ang tao ay lalong nalalasing.
Bagaman ang alkohol ay tila “sabik” na humalo sa dugo, ito’y nagtatagal kung tungkol sa pag-alis. Ang katawan ay “kukunsumo” ng alkohol sa itinakdang bilis ng oksidasyon nito. At hanggang sa mangyari iyon, hindi ka dapat magmaneho. Bakit? Sapagkat naaapektuhan ka ng alkohol sa ilang paraan na mahalaga para sa ligtas na pagmamaneho ng isang
[Mga talababa]
a Sa pagsasabing “alkohol,” tinutukoy namin ang mga inuming naglalaman ng ethyl alkohol, o ethanol. May iba’t ibang uri ng alkohol, gaya ng methyl (para sa kahoy) na alkohol o isopropyl (pangkuskos o rubbing) na alkohol, subalit ang mga ito ay nakalalason.
b Sa karaniwang pagsisilbi, tinutukoy namin ang 12 onsa (355 cc) ng beer na naglalaman ng 4 hanggang 5 porsiyentong alkohol; limang onsa (148 cc) ng tintong pangmesa, naglalaman ng 12 porsiyentong alkohol; at isa at kalahating onsa (44 cc) ng 80-proof na whiskey, naglalaman ng 40 porsiyentong alkohol.
c Ang report, nina James L. Malfetti, Ed.D., at Darlene J. Winter, Ph.D., ay inihanda ng Safety Research and Education Project, Teachers College, Columbia University, at itinaguyod ng AAA (American Automobile Association) Foundation for Traffic Safety.
[Larawan sa pahina 5]
Kung labis-labis ang nainom niya, gagawin bang ligtas ng kape na siya ay makapagmaneho?