Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 1/22 p. 21
  • Isang Manloloob na May Itinatangi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Manloloob na May Itinatangi
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Sinusunod Nila ang Kanilang Relihiyosong Pagsasanay’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Paano Ko Mapasusulong ang Aking mga Panalangin?
    Gumising!—2008
  • Trangka
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Bahagi 4—Mga Saksi Hanggang sa Kadulu-duluhang Bahagi ng Lupa
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 1/22 p. 21

Isang Manloloob na May Itinatangi

Sinuman ay maaaring maging biktima ng mga manloloob o mga magnanakaw. Karaniwan nang hindi sila nagtatangi, kaya maaaring masumpungan ng sinuman ang kaniyang sarili na nawawalan ng kaniyang pitaka, ng kaniyang radyo sa kotse, ng kaniyang bisikleta, o anumang mahalagang pag-aari. Maliwanag, ito ay kumakapit din sa mga Saksi ni Jehova. Subalit paminsan-minsan sumusulpot ang isang magnanakaw na may konsiyensiya, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na karanasan mula sa Santo Domingo, Dominican Republic.

“Isang araw ng taglagas, mga madaling-araw, ang aking misis ay bumangon at, gaya ng nakaugalian niya, ay nagtungo at binuksan ang pintuan sa likod, upang masumpungan lamang na may sumira sa kandado ng silid sa likuran. Bagaman mayroon kaming ilang mahalagang mga bagay roon, walang nawala. Subalit sa aming pagtataka may nag-iwan ng kalatas sa pinto: ‘Sa mga nakatira sa magandang tahanang ito, ipagpatawad ninyo ang pagkakasira ko sa kandado. Ako ay isang manloloob at naparito ako upang tangayin ang lahat ng naririto, subalit nalaman ko na Kristiyanong mga Saksi ni Jehova ang naririto, at sa kadahilanang iyan ay hindi ko ginawa ito. Pinagnakawan ko ang iba, subalit iginalang ko kayo.’”

Paano nalaman ng manloloob na ang mga ito ay mga Saksi? Sapagkat sa silid sa likuran ay mayroon silang mga literatura sa Bibliya at mga magasing (Bantayan at Gumising!). Bagaman ang mga kapitbahay ay pinagnakawan nang gabing iyon, ang mga Saksi ay hindi.

Ang mga Saksi ni Jehova ay napapasailalim din ng ‘panahon at di-inaasahang mga pangyayari’ gaya ng sino pa man. Gayunman, sa maraming pagkakataon, nakabubuti na makilala bilang isa sa mga Saksi ni Jehova.​—Eclesiastes 9:11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share