Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 1/8 p. 29-31
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagsisiyasat Tungkol sa Pagbomba ng Kingdom Hall
  • Ang EXPO 86 ay Nagbukas
  • “Ecolohikal na Kapahamakan”
  • Propetisa Tungkol sa Katapusan ng Mundo
  • Polong Hilaga sa Pamamagitan ng Paragos na Hila ng Aso
  • Krimen Laban sa mga Bata
  • Pangunahing Dahilan ng Kamatayan sa mga Bata
  • Likas na mga Reserba ng Israel
  • Pinagmulan ng Tao
  • Itinigil ang Pagsasama-samang Lutherano
  • Hindi Agad-agad Namamatay na mga Virus ng AIDS
  • Malaking Aksidenteng Nuklear
  • Ang Pagsuporta ng Asawang Lalaki
  • Namatay ang Pinakamatandang Tao sa Daigdig
  • Mga Tagapagdala ng AIDS—Ilan ang Maaaring Mamatay?
    Gumising!—1988
  • Kung Bakit ang AIDS ay Lubhang Nakamamatay
    Gumising!—1988
  • Sino ang Nasa Panganib?
    Gumising!—1986
  • AIDS—Ang Kalunus-lunos na Pinsala Nito sa mga Bata
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 1/8 p. 29-31

Pagmamasid sa Daigdig

Pagsisiyasat Tungkol sa Pagbomba ng Kingdom Hall

Pagkaraan ng tatlong araw na paglilitis noong nakaraang Abril, ang Coroner’s Court sa Sydney, Australia, ay nagpasiya na “walang sapat na katibayan” upang iharap sa paglilitis ang pangunahing pinaghihinalaan sa Hulyo 21, 1985, na pagbomba ng isang Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova malapit sa Sydney, sang-ayon sa Daily Telegraph ng Sydney. Pinatag ng pagsabog ng bomba ang gusali, pinatay ang isang tao, at pininsala ang marami pang iba, at mahigit na isang dosena ang malubhang napinsala. (Tingnan ang Gumising! ng Marso 22, 1986.)

Sa pagsusuri ng coroner sa kamatayan ng ama ng tatlong mga bata, iniharap ng pulisya ang sirkumstansiyal na katibayan na nag-uugnay sa isang 39-anyos na bombero sa pagbomba ng Kingdom Hall, dalawang naunang mga pagbomba ng ibang mga gusali, isang pagtatangkang pagbomba ng kotse, at tatlong magkakaibang pagpatay sa nakalipas na mga taon. Sinabi ng pulisya na sa panahon ng pagbomba ng Kingdom Hall, ang pinaghihinalaan ay nasa ilalim ng pagmamatyag. Pinahintulutan ng coroner ang pambihirang kahilingan ng pulisya na ilabas ang pangalan ng pinaghihinalaan. Sinabi ng coroner na naniniwala siyang ang interes ng publiko sa gayong nakapangingilabot na krimen ay mas mahalaga kaysa sa posibleng pagkapahiya ng isang tao.

Ang EXPO 86 ay Nagbukas

“Ang pinakamaraming bilang ng internasyonal na mga kalahok na kailanman’y lumahok sa isang pantanging Pandaigdig na Pagtatanghal,” ang paglalarawan ng isang balita tungkol sa 1986 World Exposition, na nagbukas noong Mayo 2 sa Vancouver, British Columbia, sa Canada. Mahigit na 50 mga bansa ang nakarehistro, at mga 14,000 buháy na mga pagtatanghal ang bahagi ng paglibang. Ang EXPO 86 ay tumagal hanggang noong Oktubre 13, 1986.

“Ecolohikal na Kapahamakan”

Ang paglalagay ng Nile perch (isang uri ng isda) sa Lake Victoria sa Silangang Aprika mga 25 taon na ang nakalipas ay “isang eksperimental na proyekto na naging kapaha-pahamak,” sabi ng The Times ng London. Bakit? Sapagkat sa halip na magdagdag ng mapagkukunang proteina sa lawa, gaya ng orihinal na nilayon, inubos ng malalaking isda ang karamihan ng 300 iba pang mga uri ng isda sa lawa​—pati na ang isa na tumutulong upang sawatain ang nakamamatay na sakit na bilharzia. Ang hindi inaasahang resultang ito, pati na ang kahirapan sa kabuhayan na pagbili ng mas mabigat na mga kagamitan upang mahuli ang “kasinlaki ng tao” na isdang ito na maaaring tumimbang ng mga 220 libra (100 kg) o higit pa, ay nagdala ng kapahamakan sa maraming pamayanang nangingisda sa Kenya, Tanzania, at Uganda. Ngayon ang IUCN (International Union for Conservation of Nature and Natural Resources) ay nagpahayag ng pagkabalisa sa kahawig na mga plano para sa Lake Malawi at sa iba pang mga lawa sa Aprika.

Propetisa Tungkol sa Katapusan ng Mundo

Inihula ng lider ng isang maliit na sekta sa Aprika na ang katapusan ng mundo ay darating sa hatinggabi, ng Marso 23, 1986. Mga 200 mga lalaki, babae, at mga bata, na mga membro ng sekta, ay nagtipun-tipon na hubo’t hubad sa kaniyang tahanan malapit sa Dennilton, Timog Aprika, na hinihintay ang katapusan ng mundo. Ibinigay na nila ang kanilang mga pag-aari, inihagis pa nga ang mga muwebles, pananamit, at salapi sa mga lansangan. Bakit? Upang makaligtas sa galit ng naghihiganting mga anghel, sabi niya sa kanila. Subalit kinabukasan siya ay namatay sa kamay ng galit na galit na mga kapitbahay na sumibak at sumunog sa kaniya. Sa anong dahilan? Sila ay naniniwala na siya ay isang mangkukulam.

Polong Hilaga sa Pamamagitan ng Paragos na Hila ng Aso

Noong nakaraang Mayo nakompleto ng isang pangkat na binubuo ng limang lalaki at isang babae mula sa Estados Unidos at Canada ang kauna-unahang ekspedisyon tungo sa Polong Hilaga sa pamamagitan ng paragos na hila-hila ng aso (dogsled) nang hindi naglalaan ng panibagong panustos. Sa loob halos ng dalawang buwan na paglalakbay nila sa artiko, tiniis nila ang mga temperatura na 70 digris mababa sa sero Fahrenheit (-57° C.), 60 milya-isang-oras (97 km/hr) na mga hangin, at dalawang matitinding bagyo ng niyebe. “May mga panahon na halos naisip ko na ang ginagawa namin ay imposible,” sabi ni Will Steger, nangunguna sa ekspedisyon sa polo sa The New York Times. Sinimulan nila ang kanilang abentura bilang isang pangkat na binubuo ng walo na may 49 na mga aso at limang paragos na yari sa kahoy, na ang bawat isa ay may lulan na kalahating tonelada ng mga panustos. Dalawang lalaki at 28 pagod na pagod na mga aso ang nilikas ng isang sasakyang panghimpapawid bago pa marating ang tunguhin. Narating ng natitirang pangkat ang Polo na mayroong halos sampung libra (5 kg) ng pagkain sa gitna nila. “Ako ay lubhang namangha sa kapangyarihan ng pananampalataya at pagtitiis,” sabi ni Steger.

Krimen Laban sa mga Bata

“Araw-araw, sa bawat taon angaw-angaw na mga bata ang sinisira ng kriminal na mga pagkilos,” sabi ni Attorney General Edwin Meese ng Estados Unidos maaga sa taóng ito. Tinatayang 1.5 milyong mga kaso ng inabuso at pinabayaang mga bata ang iniulat noong 1983. Mula noong 1976-83, ang iniulat na seksuwal na pag-abuso sa mga bata ay dumami ng 900 porsiyento. Mahigit na isang milyong mga tin-edyer ang lumalayas sa tahanan taun-taon, kadalasan na upang takasan ang pang-aabuso o iba pang grabeng mga suliranin sa pamilya. Sa bawat 19 na segundo isang tin-edyer ang nagiging biktima. Sinabi ng Assistant Attorney General Lois Herrington na isang pangkat na inatasan ng pangulo ang itinatag upang linawin ang mga maling ideya tungkol sa mga krimen laban sa mga bata. “Halimbawa,” sabi niya, “karamihan ng mga batang nawawala ay hindi kinidnap ng isang estranghero, kundi sa halip ay lumayas o dinukot ng isang magulang.”

Pangunahing Dahilan ng Kamatayan sa mga Bata

Ang mga sakit sa palahingahan (respiratory diseases) ang numero unong sanhi ngayon ng kamatayan sa gitna ng mga batang wala pang limang taóng gulang, gaya ng ipinakikita ng mga surbey at medikal na mga datus kamakailan. Ipinakikita ng mga estadistika na ang mga impeksiyon sa palahingahan, gaya ng pulmunya, mahigpit na ubo na dala ng tigdas, at tuspirina, ay pumapatay ng tinatayang 6.5 milyong mga bata taun-taon sa buong daigdig. Ang pagtatae, dating nangungunang sanhi ng kamatayan sa mga bata, ay pumapatay ng tinatayang limang milyong mga bata sa isang taon.

Likas na mga Reserba ng Israel

Bagaman isang maliit na bansa, ang Israel ay mayroong 160 likas na mga reserba na sumasaklaw ng mga 310 milya kuwadrado (800 sq km). “Hindi pa kabilang dito ang malawak na mga lugar sa Negev na sa ganang sarili ay gaya ng isang malaking reserbang lupa,” sabi pa ng wildlife magasin na Custos. Ginagawang posible ng klima sa Israel ang pag-iral ng maraming iba’t ibang uri ng mga hayop at buhay halaman. Sa 3,000 mga uri ng halaman nito, 150 ang tumutubo lamang sa Israel. Pambihirang mga hayop, na karaniwan noong panahon ng Bibliya, ay iniingatan at makikita sa kanilang likas na kapaligiran. Kabilang dito ang wild asses, ibex, addaxes, at iba’t ibang uri ng oryx na may pagkagagandang hugis na mga sungay. Ang Eilat Coastal Reserve ay naglalaman ng kahanga-hangang batuhan ng mga korales na may iba’t ibang nabubuhay na bagay sa tubig, na makikita sa pamamagitan ng isang silid para sa pagmamasid sa ilalim ng tubig. At para naman sa mga magustuhin sa ibon, ang Hula Reserve “ay isang paraiso para sa mga nagmamasid ng mga ibon,” sabi ng Custos. “Isang pantanging toreng obserbasyon ang itinayo rito upang pagmasdan ang langkay-langkay na mga ibon na nandarayuhan sa pagitan ng Europa at Aprika.”

Pinagmulan ng Tao

Ipinakikita ng isang pag-aaral kamakailan tungkol sa mabagal na pagbabago na naganap sa DNA (ang genetikong blueprint ng buhay) ng tao na ang bawat isang nabubuhay sa ngayon ay nagmula sa iisang ninunong babae, gaya ng maliwanag na ipinakikita ng Bibliya. Iniuulat ng mga siyentipiko mula sa University of California at Berkeley na “ang mga kalkulasyon na maaaring magtunton sa lahat ng pamilya ng tao sa iisang babae ay batay sa mga pag-aaral ng DNA, o deoxyribonucleic acid, mula sa mga inunan ng 147 mga tao mula sa Estados Unidos, Europa, Aprika, Australia at Asia,” sabi ng The New York Times.

Itinigil ang Pagsasama-samang Lutherano

Ang mga plano upang pagsama-samahin ang tatlong denominasyong Lutherano sa Estados Unidos sa taóng 1988 ay itinigil. Ang gusot ay nangyari nang makita ng mga obispo ng Lutheran Church sa Amerika​—ang pinakamalaki sa tatlo​—ang mga suliraning pampilosopiya at may kaugnayan sa pagpapatakbo ng simbahan sa ipinanunukalang konstitusyon para sa bagong simbahan. Ang isang mungkahi na ikinalungkot ng mga obispo ay ang posibilidad na sa ilalim ng bagong konstitusyon sila ay tatanggap ng mas maliit na pensiyon.

Hindi Agad-agad Namamatay na mga Virus ng AIDS

Ang nakamamatay na mga virus ng AIDS ay mas matagal mamatay kaysa inaakala ng maraming tao. Ipinakikita ng isang bagong tatlong-buwan na pag-aaral na iniulat sa The Journal of the American Medical Association na ang virus na ito, na umaatake sa sistema ng imyunidad ng katawan, ay maaaring manatiling buháy hanggang 15 araw sa labas ng katawan sa isang basang kapaligiran. Kung patutuyuin, ang virus ng AIDS ay maaaring mabuhay hanggang pitong araw. Ang awtor ng pag-aaral, si Dr. Lionel Resnick, ay nagsasabi na ang basta pagdaiti sa virus​—gaya ng paghipo sa isang maruming upuan sa kasilyas​—ay waring hindi nagkakalat ng sakit. Sinasabi ng mga mananaliksik na ang karaniwang mga disimpektante at mga sabon ay madaling mapatay ang mga virus ng AIDS sa loob lamang ng ilang minuto sa labas ng katawan.

Malaking Aksidenteng Nuklear

Ang pagsabog at pagliyab noong Abril 26 sa loob ng isang nuclear reactor sa isang planta ng kuryente ng Unyong Sobyet sa Ukraine ay nagsabog ng radyoaktibong mga bagay sa paligid na dako at sa atmospera. Lumikha ito ng isang blangket ng radyoaktibidad na kumalat sa malalayong dako sa daigdig. Bagaman ang eksaktong bilang ng mga biktimang Sobyet ay hindi pa tiyak, ang Pripyat, isang kalapit lunsod na may 25,000 mamamayan, ay nilisan at naging isang bayang walang tao, ulat ng isang pahatid balitang Sobyet na Tass. Sampu-sampung libo mula sa iba pang kalapit na mga lugar ang inilikas din. “Isang pagsabog ang sumira sa gusali na kinaroroonan ng reactor at nagliyab,” sabi ng pahatid balitang Sobyet. “Pinapatay ng mga bombero ang apoy na kasintaas ng 30 metro [100 piye]. Ang kanilang mga bota ay dumikit sa bitumen na natunaw dahilan sa matinding init.” Ang radyoaktibong mga bagay mula sa nasusunog na gatong nuklear ay sumama sa mga usok at mga alikabok na ipinadpad ng hangin sa buong globo.

Ang Pagsuporta ng Asawang Lalaki

Ang pagsuporta ba ng asawang lalaki sa kaniyang asawa ay nakakaimpluwensiya sa pagtrato ng asawang babae sa kaniyang mga anak? Oo, sagot ng mga mananaliksik sa isang Haponés at tatlong Amerikanong mga unibersidad sa Journal of Marriage and the Family. Bagaman mayroong pagkakaiba sa istilo ng pamumuhay sa pagitan ng mga Haponés at mga Amerikano, iniulat nila na sa alinmang kultura “mentras mas nadarama ng ina ang pagsuporta ng kaniyang asawa, mas malamang na siya ay higit na masangkot sa sanggol kapag sila ay magkasama, at nadarama niya na hindi siya matatali sa lahat ng panahon sa sanggol.”

Namatay ang Pinakamatandang Tao sa Daigdig

Itinala ng Guinness Book of World Records si Shigechiyo Izumi ng Hapón bilang ang pinakamatandang tao sa daigdig. Sa gulang na 119, siya ay iniulat na nasa “mabuting kalusugan.” Siya ay namatay sa gulang na 120, sa panahon ng pambihirang taglamig noong nakaraang Pebrero, pagkatapos maratay sa banig dahilan sa matagal na ubo sa loob ng 80 araw. Siya ay naging atraksiyon ng mga turista at umiistima ng libu-libong mga bisita taun-taon. Mga ilang araw bago siya mamatay, kinain niya ang lahat ng uri ng pagkain, nginunguya niya ng 20 hanggang 30 beses bago lunukin, at naglalakad din siya araw-araw sa kaniyang hardin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share