Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 1/22 p. 5-8
  • Ang Hiwaga sa Likuran ng Okulto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Hiwaga sa Likuran ng Okulto
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Siyentipikong Pag-aaral ng Paranormal
  • Ito ba’y Panlilinlang Lamang?
  • Ito ba’y ang Kapangyarihan ng Isipan?
  • Paglutas sa Hiwaga
    Gumising!—1987
  • Ang Panghalina ng Okulto
    Gumising!—1987
  • “Sa Martial Arts Umikot ang Buhay Ko”
    Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay
  • Ano ang Masama sa Espiritismo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 1/22 p. 5-8

Ang Hiwaga sa Likuran ng Okulto

LIMANG daang taon na ang nakalipas ang mga taong pinaratangan ng pangkukulam ay naging tudlaan ng Inkisisyon. Isang proklamasyon ng papa noong 1484 ang nagbigay sa mga inkisitor ng opisyal na pagsuporta sa kanilang paghahanap sa mga mangkukulam. Ito ay humantong sa paglalathala ng aklat na Malleus Maleficarium (Ang Martilyo ng mga Mangkukulam), na itinuring ang pangkukulam na masahol pa sa erehiya. Bunga nito, libu-libo ang pinatay.

Sa makabagong panahon nagkaroon ng isang lubhang kakaibang saloobin sa mga pangyayari na hindi maipaliwanag ng makabagong siyensiya. Ang pagbabagong ito sa saloobin ay natunton noong 1848 nang dalawang batang babae, sina Margaret at Kate Fox, sa Estado ng New York, E.U.A., ay makarinig ng mahiwagang mga pagkatok sa kanilang maliit na bahay. Inaakala na baka ito ay isang pagsisikap na makitungo sa daigdig na espiritu, humiling sila ng isang kodigo upang magkaroon ng mauunawaang pakikipagtalastasan. Ang pakikipagtalastasan ay nagawa at sinundan ng mga mensahe.

Ang mga balita tungkol sa mga karanasan na ito ay kumalat sa malayong lugar, at kasabay nito lumaganap ang interes sa paranormal o di-gaanong karaniwang bagay o pangyayari. Ang isang resulta ay na ang espirituwalismo ay naging isang relihiyon, umaakit sa marami na naghahangad ng ilang kaugnayan sa kanilang patay na mga mahal sa buhay.

Siyentipikong Pag-aaral ng Paranormal

Isa pang resulta ng paranormal na mga karanasang ito ay ang pagtatatag ng mga samahan para sa siyentipikong pag-aaral nito. Ang pag-aaral ng paranormal ay kilala bilang parapsychology o bilang psychical research.

Sa loob ng mahabang panahon, tinanggihan ng siyensiya ang pananaliksik na ito. Subalit, noong 1882, ang Society for Psychical Research ay itinatag sa London. Ang ipinahayag na layunin nito ay “suriin nang walang pagtatangi at sa makasiyentipikong diwa yaong mga kakayahan ng tao, tunay o guniguni, na waring hindi maipaliwanag sa anumang karaniwang kilalang teoriya o palagay.”

Ang larawan ng psychical research ay sumulong sa nakalipas na mga panahon habang itinataguyod ng kilalang mga siyentipiko ang mga imbestigasyon sa paranormal. Kapuna-puna, noong Mayo 18, 1985, ipinahayag ng Edinburgh University ang pagkahirang sa isang Amerikanong sikologo, si Dr. Robert Morris, bilang Propesor ng Parapsychology. Siya ay binansagan ng Sunday Telegraph bilang propesor ng mga bagay na hindi alam. Bagaman ang ideya ng pagbibigay ng gayong katanyagan sa parapsychology ay binatikos, ganito ang sabi ng New Scientist:

“Hindi na para bang ang parapsychology ay isang bagong asignatura sa Britanong mga unibersidad. Ipinagdiwang ng Society for Psychical Research (SPR), ang nangungunang lupon sa larangang ito sa Britaniya, ang sentinaryo nito mga ilang taon na ang nakalipas, at sa tuwina ay may malakas na akademikong mga kaugnayan. Ang unang pangulo ng SPR ay si Henry Sidgwick, propesor ng moral philosophy sa University of Cambridge. Mula noon 28 sa 50 o mahigit pang mga pangulo ay mga propesor sa unibersidad, at dalawa sa kanila ang mga nagwagi ng gantimpalang Nobel. Walo sa 44 na Britanong mga unibersidad ay kasalukuyang nagsasagawa ng parapsychological na pananaliksik.”

Mangyari pa, ang parapsychology ay hindi pa pormal na kinikilala ng malalaking institusyon ng siyensiya na katulad ng pagkilala nito sa pisikal na mga siyensiya. Sa katunayan, marami ang nagsasabi na wala namang paranormal na karanasan.

Ito ba’y Panlilinlang Lamang?

Totoo, ang ibang mga karanasan na sinasabing resulta ng kapangyarihang okulto ay wala kundi panlilinlang. Isang halimbawa ay tungkol sa apat na anak na babae ng isang klerigo at ang kanilang utusang babae. Isang batang babae ang pinalalabas sa silid. Ang iba ay nananatili na kasama ng mga nag-eeksperimento. Isang bagay, gaya ng isang baraha, ang pinipili. Ang bata ay saka inaanyayahan na magbalik sa silid at sa pamamagitan ng paglilipat ng kaisipan (thought transference) ay kikilalanin ang napiling bagay. Ang wastong paglalarawan ay karaniwang ibinibigay. Gayunman, pagkaraan ng ilang taon nang subukin ng mga membro ng Society for Psychical Research, inamin ng dalawa sa mga batang babae ang pandaraya sa pamamagitan ng paggamit ng mga himaton sa paningin at tunog.

Kamakailan lamang, ang salamangkerong si James Randi ay nagsagawa ng isang stratagem o salamangka upang ipakita na kahit na ang may karanasang mga imbestigador ay maaaring malinlang. Isinaayos niya na ang dalawang may kabataang mga salamangkero ay magtrabaho na kasama ni Dr. Peter Phillips, direktor ng psychics sa Washington University, na nagsasagawa ng mga eksperimento sa larangan ng psychic. “Patuloy akong naniwala na binaluktot ni Mike Edwards [isa sa may kabataang salamangkero] ang isang susi sa aking kamay na hindi man lamang hinihipo ito,” sulat ni Phillips. Subalit siya ay maliwanag na nadaya, gaya ng sinabi niya nang malaunan. Sinasabi ng mga salamangkero na ang kanilang pambihirang kahanga-hangang mga gawa ay ginawang lahat sa pamamagitan ng salamangka o bilis ng kamay, at hindi sa pamamagitan ng paranormal na kapangyarihan.

Maliwanag, may mga halimbawa ng pandaraya. Gayunman, si Arthur J. Ellison, sa kaniyang pampanguluhang pahayag sa Society for Psychical Research noong 1982, ay nagsabi na may “ekselenteng katibayan sa mga karanasan na hindi kasuwato ng kasalukuyang siyentipikong mga huwaran na kumakatawan sa ating normal na mga karanasan sa sansinukob na ito.” Ano ang hiwaga sa likuran ng mga karanasang ito?

Ito ba’y ang Kapangyarihan ng Isipan?

Ang iba ay naniniwala na ang isipan ay may natatagong mga kapangyarihan na maaaring utusang gumawa ng pambihirang mga gawa. Subalit ang isipan ba ay may kapangyarihan na yanigin ang mga mesa, pakilusin ang isang tagaturo sa isang Ouija board, baluktutin ang mga bagay na yari sa metal, o magbigay ng puwersa o lakas na gawin ang iba pang katulad na mga bagay?

Sa isang artikulong pinamagatang “The Secret Behind the Ouija Board Mystique” (Ang Lihim sa Likuran ng Hiwaga ng Ouija Board), ang salamangkerong si Henry Gordon ay sumulat: “Bueno, may isang hindi nakikitang puwersa, subalit walang paranormal dito.

“Sa sikolohiya ito ay tinatawag na automatism,” sabi ni Gordon. “Ang automatism ay isang paggawing kilos, o reaksiyon ng kalamnan, sa isang walang-malay na kaisipan . . . Ang saykolohikal na paraang ito ang may pananagutan sa maraming iba pang tinatawag na misteryosong kababalaghan o hindi pangkaraniwang pangyayari.”

Ito ang karaniwang sinasabi. Halimbawa, may mga master o dalubhasa sa martial arts na maaaring gamitin ang tinatawag nilang ki na kapangyarihan o lakas. “Pag-aralan mong padaluyin ang iyong ‘ki’ o isipan sa pagpapako ng isip sa Isang-Punto [gawing ibaba ng sikmura] at iunat mo ang iyong braso,” turo ng Black Belt, isang magasin tungkol sa martial arts. “Ipagpalagay mo na ang tubig o ang lakas ay dumadaloy mula sa isang punto sa iyong braso at daliri.”

“Habang patuloy na sinasanay ng isa ang kaniyang ‘Ki,’” sabi ng Black Belt, “hinding-hindi siya mahihigitan ng kaniyang mga estudyante. Ang nagtatag ng Aikido [isa sa mga martial arts], si Master Morihei Uyeshiba, ay mahigit nang otsenta anyos subalit hanggang sa ngayon, wala pang nakakaharap sa kaniya. Kaya niyang ihagis ang dalawampung malalakas na lalaki na sabay-sabay. Siya ay palakas nang palakas habang siya ay tumatanda. . . . Dapat tanggapin ng isa ang ‘Ki’ bilang karagdagan sa iyong limang pandamdam.”

Subalit ang isipan ba ng tao ang talagang pinagmumulan ng gayong pambihirang lakas? Pinangyayari ba nitong isagawa ng mga tao ang maningning na mga gawa na hindi maipaliwanag ng siyensiya?

Bueno, isaalang-alang ang kaso ng nag-iingay-uri na gawain sa Enfield, London, Inglatera, na inimbestigahan para sa Society for Psychical Research. Tungkol sa uring ito ng gawain, si Brian Inglis, may-akda ng ilang mga aklat tungkol sa paranormal ay nagpapaliwanag: “Ang mahiwagang mga pagkalampag, pagkilos ng mga muwebles at pagbabasag ay karaniwan nang nagpapatuloy sa loob ng mga ilang linggo; at ito ay nagpangyari sa mga tagapagsiyasat na gawin ang lugar na iyon, hanggang sa isang punto, na isang laboratoryo na ginagamit ang maraming iba’t ibang masalimuot na mga rekorder o mga tagapagtala.”

Sa kaso sa Enfield, ang tao ay handang magpasiyasat. Gayunman, sang-ayon sa dalawang mananaliksik, ang maliwanag na sakop ay lubusang hindi nakikipagtulungan. “Para bang ito’y nasisiyahan na biguin ang pagsisikap ng mga nagmamasid,” sulat ni Inglis. “Halimbawa, ang mga tape recorder ay sinira, kung minsan isang uri ng pagkasira na hindi pa kailanman naingkuwentro ng mga maygawa nito.”

Mariing ipinakikita ng gayong mga karanasan na nasasangkot ang isang kapangyarihan o lakas na higit kaysa isipan ng tao. Kung ang gayong kapangyarihan ay mula sa isipan ng tao, bakit nanaisin nitong biguin ang mga pagsisikap ng mga nagmamasid at sirain ang kanilang mga kagamitan sa pagrirekord, lalo na yamang ang tao ay totoong handang magpasiyasat?

Totoo, ang isipan ng tao ay isang kahanga-hangang likha na tungkol dito ay marami pa tayong matututuhan. Gayunman, hindi ito maaaring panggalingan ng lakas na hampasin, angatin o buhatin, o ilipat ang mga bagay, ni ang isip man ng tao sa ganang sarili ay may kakayahan na malaman ang mga bagay-bagay nang walang tulong ng karaniwang mga pandamdam.

Kaya, sang-ayon sa siyentipikong pananaliksik, ang kababalaghan ng ESP sa iba’t ibang anyo nito ay umiiral, bagaman hindi maliwanag kung paano ito gumagana. Sa mga siyentipiko, ang hiwaga ay nananatili.

Kung gayon, mayroon bang kalutasan sa hiwaga?

[Larawan sa pahina 6]

Maaari bang pakilusin ng kapangyarihan ng isipan ang tagaturo sa isang Ouija board?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share