Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 1/22 p. 8-10
  • Paglutas sa Hiwaga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paglutas sa Hiwaga
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Patay ba ang May Pananagutan?
  • Nalutas ang Hiwaga
  • Mag-ingat sa Okulto!
  • Ano ang Masama sa Espiritismo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Sino Talaga ang Nasa Likod ng Okultismo?
    Gumising!—2011
  • May Masama Ba sa Okultismo?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Espiritismo
    Gumising!—2014
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 1/22 p. 8-10

Paglutas sa Hiwaga

NA ANG mga kapangyarihan na higit sa karaniwan ay nagpangyari sa mga tao na magsagawa ng pambihirang mga gawa ay kilalang-kilala. Ganito ang sabi ni Brian Inglis: “Ang kababalaghang paranormal ay mas malapit ngayon sa pormal na pagkakilala kaysa noong mga edad medya​—nang ang mga ito ay itinuturing na natural, kahit na hindi gaanong nahuhulaan, gaya ng anumang iba pang puwersa ng kalikasan.”

Ano ang pinagmumulan ng pambihirang mga kapangyarihang ito? Bueno, sa loob ng libu-libong taon, karamihan sa pamilya ng tao ay naniniwala na ang mga kaluluwa ng mga patay ay nabubuhay sa daigdig ng espiritu. At karaniwang pinaniniwalaan na ang mga espiritu o mga kaluluwang ito ng mga patay ang may pananagutan sa mga kababalaghang paranormal. Subalit sila nga ba ang may pananagutan?

Ang mga Patay ba ang May Pananagutan?

Kung ang mga patay ay walang-malay​—talagang patay​—kung gayon imposible na sila ang maging mahiwagang puwersa sa likuran ng okulto. Bueno, kung gayon, ano ba ang kalagayan ng mga patay?

Inilalarawan ang paglikha sa tao, ang Kasulatan ay nagsasabi: “Ang tao ay naging kaluluwang buháy.” (Genesis 2:7, King James Version) Pansinin na walang anumang pahiwatig dito na ang tao ay binigyan ng isang kaluluwa bilang isang sangkap ng kaniyang pagkatao. Bagkus, maliwanag na ang kaluluwa ay ang tao mismo. Kaya, ano ang nangyayari kapag ang tao ay namamatay?

Tungkol kay Jesu-Kristo, inihula ng Bibliya: “Kaniyang ibinuhos ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan.” (Isaias 53:12, KJ) At tungkol sa sangkatauhan sa pangkalahatan, ang Kasulatan ay nagsasabi: “Ang kaluluwa na nagkakasala, ay mamamatay.” (Ezekiel 18:4, 20, KJ) Lahat ng mga kaluluwa ng tao ay namamatay sapagkat silang lahat ay nagmana ng kasalanan mula sa unang tao, si Adan, na naging makasalanan sa pamamagitan ng pagsuway sa Diyos. At ang Bibliya ay nagsasabi: “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” (Roma 5:12; 6:23, KJ) Kaya sa kamatayan, ang kaluluwa, ang taong nagtataglay-pandamdam, ay namamatay.a

Samakatuwid, posible ba para sa mga patay na makipagtalastasan sa mga nabubuhay? Ang Bibliya ay nagsasabi: “Hinihinga [ng tao] ang kaniyang huling hininga, siya’y nagbabalik sa alabok; at sa oras ding iyon lahat ng kaniyang pag-iisip ay natatapos.” Sinasabi rin ng Bibliya: “Ang patay ay hindi pumupuri sa PANGINOON, ni sinumang nabababa sa katahimikan; ngunit kami, ang nabubuhay, aming pupurihin ang PANGINOON.”​—Awit 146:4; 115:17, The New English Bible.

Yamang hindi maaaring purihin ng mga patay ang Diyos sapagkat ang kanilang ‘pag-iisip ay natapos na,’ tiyak na hindi sila maaaring makipagtalastasan sa mga nabubuhay ni sila man ang may pananagutan sa anumang kababalaghang paranormal. Kung gayon sino ang may pananagutan?

Nalutas ang Hiwaga

Ang mga tao ay hindi siyang pinakamataas na anyo ng buhay. Isinisiwalat ng Bibliya na matagal nang panahon bago nilikha ng Diyos ang lalaki at babae, nilalang niya ang napakaraming espiritung mga anak, hindi nakikitang mga anghel. (Job 38:4, 7) Nang malaunan, isa sa mga ito ang sumalansang sa Diyos, sinisiraang-puri pa nga siya, sa gayon siya ay naging Satanas (mananalansang) at Diyablo (maninirang-puri). Di-nagtagal, nakisama ang iba pang espiritung mga nilikha kay Satanas na Diyablo sa kaniyang paghihimagsik, nagtatatag ng isang organisasyon ng mapaghimagsik na mga anghel, o mga demonyo. Ang mga demonyo bang ito ang may pananagutan sa mga kababalaghang paranormal ng okultismo?

Oo, sila nga! Noong mga kaarawan bago ang Baha ang espiritung “mga anak ng tunay na Diyos” na ito ay nagkatawang-tao at nanirahan sa lupa. (Genesis 6:1, 2; Judas 6) Subalit mula nang magbalik sila sa espiritung dako, ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga tao ay limitado sa pagpapangyari ng mga kababalaghang paranormal na naging pangkaraniwan sa buong kasaysayan ng sangkatauhan.

Ang mga demonyo ay partikular na nakipagtalastasan sa nabubuhay na mga kamag-anak at mga kaibigan ng mga namatay, pinapangyayari na ang mga taong ito ay maniwala sa kasinungalingan na ang mga patay ay nabubuhay pa sa daigdig ng espiritu. Ang gayahin ang mga patay ay hindi problema sa mga demonyo, yamang naoobserbahan nila ang mga tao samantalang ang mga ito ay nabubuhay. Kaya, ultimong ang kaliit-liitang detalye sa buhay ng isang tao, pati na ang tunog ng boses at paraan ng pananalita, kung gayon ay maaaring wastong gayahin.

Ngunit, maitatanong mo, kumusta naman ang matapat na mga anghel? Marahil ay nakikipagtalastasan din sila sa mga tao ngayon. Totoo na ginamit ng Diyos ang mga anghel upang makipagtalastasan sa mga tao noong sinaunang mga panahon. Gayunman, ngayon taglay natin ang kompletong Bibliya bilang tuwiran at sapat na pakikipagtalastasan ng Diyos sa atin na mga tao. (2 Timoteo 3:16, 17) Dito ay espisipikong ipinagbabawal ng Diyos na Jehova sa mga tao na makipagtalastasan sa mga espiritu.

Sa pamamagitan ng kaniyang propetang si Isaias, sinabi ng Diyos: “Subalit sasabihin sa inyo ng mga tao na sumangguni sa mga manghuhula at mga medium, na nagsisihuni at nagsisibulong. Kanilang sasabihin, ‘Tutal, ang mga tao ay dapat sumangguni sa mga espiritu at sa mga patay alang-alang sa mga buhay.’ Ganito ang iyong isasagot, ‘Makinig kayo sa itinuturo sa inyo ng PANGINOON! Huwag kayong makinig sa mga medium​—ipapahamak lang kayo ng mga iyan.’”​—Isaias 8:19, 20, Today’s English Version.

Hindi kataka-taka na ang Diyos ay nagbigay ng detalyadong tagubilin sa bansang Israel tungkol sa pag-iwas sa mga gawaing okulto. Sa pagpasok sa Lupang Pangako, binabalaan niya sila na huwag makikisangkot sa “karumal-dumal na mga kaugalian” ng mga Canaaneo. (Levitico 18:3, 30) Ang mga detalye ng mga kaugalian o mga gawaing ito ay itinatala sa Deuteronomio 18:10, 11. Kabilang dito ang panghuhula, pagsasagawa ng salamangka, engkantador, panggagaway, pagsangguni sa propesyonal na mga manghuhula ng mga pangyayari, at pagsangguni sa mga patay.

Mag-ingat sa Okulto!

Sa unang tingin, ang “karumal-dumal na mga kaugalian” na iyon ay maaaring magtinging hindi nakapipinsala. Subalit nagkukubli roon ang panganib. Papaano? Sapagkat ang mga gawaing iyon ay maaaring umakay sa pagkasangkot sa mga demonyo. Ang kasamaan ng mga Canaaneo at ang kanilang pagkahaling sa sekso at karahasan ang patotoo nito.

Mayroon ding kahawig na panganib sa ngayon sa pagtataguyod ng interes sa paranormal. Maaari itong maging isang pain na hahantong sa pagkasilo sa mga puwersa ng demonyo. Hindi mo na kailangang tumingin pa sa malayo upang makasumpong ng mga report tungkol sa sekso at karahasan na nauugnay sa mga gawaing okulto sa ating panahon. Samakatuwid, para sa iyong pinakamabuting kapakanan na sundin ang babala.

Ang utos ng Diyos sa Israel noong una ay nagtatampok ng isa pang mahalagang dahilan upang iwasan ang okulto. “Sapagkat ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumal-dumal kay Jehova.” (Deuteronomio 18:12) Ang kinasihang Kristiyanong mga manunulat ng Bibliya ay sumasang-ayon sa saligang katotohanang ito. Itinatala ni apostol Pablo ang “pagsasagawa ng espiritismo” bilang isa sa “mga gawa ng [makasalanang] laman.” (Galacia 5:19, 20) At isinulat ni apostol Juan ang babala ng Diyos na ang bahagi ng “mga nagsasagawa ng espiritismo . . . ay sa dagat-dagatang nagniningas sa apoy at asupre. Ito’y nangangahulugan ng ikalawang kamatayan.”​—Apocalipsis 21:8.

Baka isipin ng ibang tao na wala namang panganib sa paglalaro ng anumang bagay na para bang hindi nakasásamâ na gaya ng Ouija board. Gayunman, nasumpungan ng isang pangkat ng mga tsuper ng bus sa Inglatera na naglaro nito sa panahon ng pamamahinga na ang kanilang saloobin sa isa’t isa ay nagbago. Ang ilan ay naging di-karaniwang agresibo. Naapektuhan pa nga ng saloobing ito ang kanilang pagmamaneho. Iniulat nila ang pagkadama ng isang matinding simbuyo na banggain ang kasalubong na mga sasakyan nang walang kadahilanan.

At nariyan din ang isang kabataang babae na nag-eksperimento sa isang Ouija board at nagkaroon siya ng pagkahaling sa nakalipas. Naniniwala siya na siya’y umiibig sa isang lalaki na namatay mga 300 taon na ang nakalipas. Patuloy niyang sinikap na makipag-ugnayan sa kaniya. Ang kaniyang pagkahaling sa wakas ay umakay sa kaniya na magpakamatay sa pamamagitan ng pagpapasagasa sa isang riles ng tren. Nasumpungan ng mga pulis na nag-iimbestiga sa kaso ang mga talaarawan na nagpapahiwatig na nais niyang mamatay upang makasama niya ang kaniyang minamahal.

Kaya kahit na kung inaakala mo na hindi ka naman labis na nahahalina sa okulto, mag-ingat ka! Sundin ang payo ng Kasulatan: “Palaging talasan ang inyong pakiramdam, maging mapagbantay.” Tandaan kung sino ang nasa likuran ng okulto. “Ang inyong kalaban, ang Diyablo, ay gagala-gala na gaya ng leong umuungal, humahanap ng masisila [na sinuman].” (1 Pedro 5:8) Huwag hayaan na ang “sinuman” na iyon ay maging ikaw!

Na ang Diyablo at ang kaniyang mga demonyo ay talagang umiiral, at na talagang maaari nilang impluwensiyahan ang buhay ng isang tao, ay inilalarawan ng sumusunod na artikulo.

[Talababa]

a Para sa isang detalyadong pagtalakay, pakisuyong kumuha ng aklat na Ganito na Lamang ba ang Buhay?, na nakaanunsiyo sa pahina 31 ng magasing ito.

[Blurb sa pahina 10]

Naniniwala siya na siya’y umiibig sa isang lalaki na namatay mga 300 taon na ang nakalipas

[Larawan sa pahina 9]

Sila ba ay nakikipagtalastasan sa mga patay?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share