Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 2/22 p. 29-31
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Pighati ng Gutom
  • “Super Baboy” ng Australia
  • Mga Kamelyo Para sa Morocco
  • Likas na Abono
  • Damong-Dagat na Pangunang Lunas
  • Di-kilalang Uri
  • Muntik-muntikan
  • Lubhang Kagila-gilalas na Paglipad
  • Mga Pagsalakay na Ginagamitan ng AIDS
  • Pagkilala ng Publiko
  • Ang mga Katoliko ay Nagpapakita ng Paghina
  • Binagong mga Bilang
  • Paglilipat-Puno
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1986
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1998
  • Ang Nauubos na Yaman ng Lupa
    Gumising!—2005
  • Talaga Bang May mga Kamelyo Noon si Abraham?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 2/22 p. 29-31

Pagmamasid sa Daigdig

Mga Pighati ng Gutom

Ipinalagay ng mga opisyal ng United Nations ang Mozambique na ikatlong pinakagutom na bansa sa Aprika. Ang lokal na produksiyon ng mga binutil noong 1986 ay tinatayang wala pang 10 porsiyento ng kung ano ang kinakailangan upang pakanin ang 13 milyong mamamayan ng bansa. Isang tagtuyot, na umiral sa nakalipas na apat na taon, ang binanggit bilang pangunahing salik sa problema. Gayunman, ang pangunahing sanhi ng gutom sa Mozambique ay ang giyera sibil na pumipinsala sa bansa sa nakalipas na sampung taon, pinuputol ang paghahatid at pati na ang mga suplay ng tubig. Sinasabi ng mga opisyal na limang milyong mga mamamayan ng bansa ang “nanganganib na magutom.”

“Super Baboy” ng Australia

Ang mga siyentipiko na taga-Australia ay nakagawa ng “mga super baboy” sa pamamagitan ng paglalagay sa mga semilya ng baboy ng DNA genetic material na aktuwal na kumukontrol sa kanilang paglaki. Bagaman normal sa laki, ang mga baboy ay lalaki ng hindi kukulanging 20 porsiyentong mas mabilis at gagawa ng higit na karne at kaunting taba. Sinasabi ng mga siyentipiko na ang genetikong pagsulong na ito ay magbibigay ng mga katangian sa mga hayop na inaalagaan ng mga magsasaka na sinisikap nilang mapalahian sa loob ng mga ilang siglo, sabi ng The Weekend Austrialian. Ang bentaha nito sa likas na pagpapalahi, sabi nito, ay na pinangyayari nito na magkaroon ng kanais-nais na mga katangian ang isang hayop nang walang “di nakikilalang junk na mga genes” na inililipat sa mga supling. Ang kanilang tagumpay sa mga baboy sa pamamagitan ng genetikong paglalahi ay nag-udyok ng pag-asa para sa hinaharap ng mga hayop na hindi tinatablan ng sakit, mga bakang gumagawa ng higit na gatas, at mga tupang may mabilis-lumagong mga balahibo. Naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga posibilidad ay walang katapusan.

Mga Kamelyo Para sa Morocco

Ang tagtuyot kamakailan sa Morocco ay halos lumipol sa mga kamelyo, pinipilit ang pamahalaan na dagdagan-muli ang kanilang umuunting mga kamelyo. Kataka-taka, napakaraming panustos ang naghihintay sa kanila sa outback ng Australia. Bakit sa Australia? Noong 1860’s, ang mga kamelyo ay dinala sa Timog Australia mula sa India sapagkat ang mga ito ay nababagay sa klima at lupain ng bansa. Bagaman maraming silbi noong maagang pagpapaunlad sa interyor ng Australia, ang “mga barko ng disyerto” na ito ay pinabayaan nang magkaroon ng mga transportasyong de motor. Sa wakas ang marami ay pinakawalan sa kaloob-loobang mga dako at dumami hanggang sa libu-libo sa tigang na mga kalagayan sa gitnang Australia. Ang The Sydney Morning Herald Magazine ay nagsasabi na ang pamahalaan ng Morocco ay may mga planong bumili ng 2,000 mga kamelyo sa bawat taon sa susunod na limang taon. Ang pagbibili ng mga kamelyo ay maglalaan ng isang pinagmumulan ng buwis para sa pamayanang Aboriginal na, sa kasalukuyan, ay halos dumidepende sa pamahalaan ng Australia.

Likas na Abono

Ang nitric acid na likha ng kidlat ay nagbibigay ng higit na ani kaysa regular na mga abono, hinuha ng mga siyentipiko sa Institute of Geology, Geophysics, and Mineral Raw Materials sa Novosibirsk, U.S.S.R. Sa isang pagsubok, ang mga mananaliksik ay nagtanim ng dalawang plot ng kamatis, isa ay ginagamitan ng abono sa normal na paraan at ang isa ay dinidiligan ng matabang na nitric acid solution na katumbas niyaong matatagpuan sa tubig-ulan. Sa paghahambing ng mga ani, ano ang nasumpungan nila? Mga 50 porsiyentong mahigit na kamatis mula sa plot na ginamitan ng nitric acid. Ang pagtatanim ng oats, trigo, at pipino sa ganitong paraan ay nagkaroon ng gayunding tagumpay. “Ang pinakamabuting mga ani,” ulat ng The Times ng London, “ay mula sa mga lupa na hindi kailanman ginamitan ng abono.”

Damong-Dagat na Pangunang Lunas

Sa loob ng daan-daang taon, ginamit ng mga marino ang mga damong-dagat sa pagtatapal o pagbibenda sa mga sugat. Ang mga katangian nito sa paggamot ay napatunayang napakabisa anupa’t tinawag ito ng marami na “gamot ng marino.” Sang-ayon sa The Weekend Australian, ang mga siyentipiko ay gumawa ngayon ng isang paraan upang gawin ang kulay kayumangging damong-dagat na mga hiblang maaaring gamitin bilang benda o tapal para sa mga hiwa at iba pang mga sugat. Sinasabi nila ang maraming mga bentaha ng pantapal na ito. Ito ay nag-aanyo ng isang protektibong gel na nagpapanatili sa sugat na mamamasá-masâ sa panahon ng paggaling. Ang pantapal ay maaaring iwan sa loob ng mahabang panahon. Sa katunayan, sa karamihan ng mga kaso kinakailangan lamang alisin ito kapag ang langib na namumuo sa sugat ay natatanggal na. Kung kinakailangan ang madalas na pagpapalit, iniiwasan ng nangangalagang gel ang anumang pinsala sa gumagaling na himaymay. Ang damong-dagat ay mabilis ding kumikilos upang kontrolin ang pagdurugo at maaaring maging isang karagdagan sa mga ospital kapag nagbibigay ng emergency na paggagamot.

Di-kilalang Uri

Isang dating di-kilalang uri ng loro na namumuhay sa kagubatan sa Ecuador ay natuklasan kamakailan ng isang ornitologo mula sa Philadelphia Academy of Natural Sciences, ulat ng The New York Times. Ang maliit, bagong tuklas na ibong ito ay halos kulay berde na may pula at asul na patse sa pakpak nito. Ang ulo nito ay kulay pula at ang buntot ay kulay murado. Hanggang sa pagkatuklas na ito, karamihan ng mga ornitologo ay naniniwala na ang lahat ng uri ng loro sa Amerikas ay natuklasan na at nauri na. Ang kahuli-hulihang tuklas tungkol sa di-kilalang uri ng loro ay noong 1914, sabi ng mga opisyal ng museo. Gayunman, wala pang pangalan na ibinigay sa lorong hindi nagsasalita.

Muntik-muntikan

Binanggit ng U.S. Federal Aviation Administration ang isang rekord ng 777 mga kaso kung saan ang mga eruplano ay halos nagbungguan sa gitnang himpapawid noong nakaraang taon. Ito ay 31.9 porsiyentong mahigit kaysa mga insidenteng iniulat noong 1984. Isang karagdagang 24 halos-bungguan ang nangyari sa lupa. Bahagi ng pagdami ay dahilan sa isang bago at mas eksaktong sistema ng pag-uulat, ang sabi ng ahensiya. Ang halos-bungguan ay binibigyang-kahulugan na mga insidente kung saan ang panganib ay umiiral sa pagitan ng mga eruplano na wala pang 500 piye (150 m) ang layo sa isa’t isa o kapag iniulat na gayon ng isang piloto. Ang pinakamalaking bahagi, 518 mga kaso, ay kinasasangkutan ng mga eruplanong militar o pribadong mga eruplano. Mayroong 35 mga kaso na kinasasangkutan ng dalawang nakaiskedyul na eruplanong pampasahero, 205 mga kaso na kinasasangkutan ng isang eruplanong pampasahero at eruplanong pribado o militar, at 19 na di-maipaliwanag na mga insidente.

Lubhang Kagila-gilalas na Paglipad

Ang mga ibong short-tailed shearwater, o mutton birds, ay masidhing mga manlalakbay. Noong 1949 ang ilan sa mga ibong ito ay pinili at tinalian. Ang isang ibon na tinaliang-muli noong Nobyembre 1985 ay unang tinalian noong 1950, ipinakikita na ito ngayon ay mahigit ng 35 taóng gulang! Ang munting ibon ay nangingitlog pa rin at nililipad pa rin ang taunang pandarayuhang paglalayag nito. Ang taunang rutang pandarayuhan ay mula sa Tasmania sa dulong timog-silangan ng Australia hanggang sa Dagat Bering, hilaga ng Hapón. Ang 35 pandarayuhang papunta’t-pabalik na paglalakbay ng ibon ay may kabuuang mahigit na 650,000 milya (1,050,000 km). Kung ihahambing ito sa isang pinakamalayong papunta’t-pabalik na paglalakbay tungo sa buwan na 505,400 milya (813,400 km), maliwanag na nahigitan ng ating kaibigang ibon ang mga astronut!

Mga Pagsalakay na Ginagamitan ng AIDS

Dalawang Australianong lalaki, ang bawat isa sa isang nabubukod na insidente, ay nasangkot sa kahawig na mga pagholdap na ginagamit ang isang ringgilya bilang kanilang sandata. Sinasabing may mga AIDS, maliwanag na pinagbabantaan ng mga lalaking ito na tuturukan ang kanilang mga biktima ng nakamamatay na dugong may dalang virus ng AIDS kung ang salapi na hinihiling nila ay hindi ibibigay. Ikinatatakot ang posibilidad ng isang mapusok na mga panghuholdap sa hinaharap na ginagamit ang AIDS na pinakasandata, isang tagapagsalita ng pulisya ang nagpaliwanag: “Sa maraming paraan ito ay mas mabisa kaysa paggamit ng isang baril yamang ang mga tao ay natatakot sa mabagal na uri ng kamatayan na dala ng virus ng AIDS.” Sabi pa niya: “Ito’y isang napakasamang paraan ng pagsamantala sa isang nakamamatay na sakit.”

Pagkilala ng Publiko

“Naiwasan ni Patrick Joseph Burke ang Federal marshals sa loob ng limang taon pagkatapos niyang makawala noong 1981, nang siya ay nasa probasyon dahilan sa pamamahagi ng cocaine,” sabi ng The New York Times. “Pagkatapos ay nagkaroon siya ng maliit na bahagi sa isang miniseries na ipinalabas sa telebisyon sa buong bansa.” Napansin ni Rosetta Anderle, isang county sheriff, ang kaniyang mukha sa screen ng TV at inihambing ito sa isang “Wanted” na paskil na ipinadala sa lahat ng mga sheriff sa Colorado. Si Mr. Burke ay natagpuan sa trabaho at inaresto sa pangunahing lansangan kung saan ginawa ang pelikula.

Ang mga Katoliko ay Nagpapakita ng Paghina

Ang Iglesya Katolika ay nagpakita ng 7.7-porsiyentong pagbaba sa bilang ng mga komberte sa E.U. mula 1983 hanggang 1985, sang-ayon sa Official Catholic Directory. Binabanggit ang mga estadistika, sinabi ni Alvin Illig, direktor ng Paulist National Catholic Evangelization Association, na ang bilang ng mga komberte sa buong bansa ay bumaba mula 95,346 noong 1983 tungo sa 87,996 noong 1985. Siya ay nagpaliwanag: “Malinaw na kami na nasa mga katungkulan ng pangunguna sa pangunahing ebanghelisasyon sa Estados Unidos ay nabigo . . . na paramihin ang praktikal na interes sa gitna naming mga Katoliko sa pag-eebanghelyo sa 80 milyong mga Amerikanong walang relihiyon.” Tungkol dito, sabi pa niya, ang mga Katoliko sa E.U. ay dapat na mahiya.”

Binagong mga Bilang

Ang ating galaksi ay 25 porsiyentong mas maliit kaysa dating inaakala, sabi ng mga siyentipiko. Gumagamit ng isang bagong pamamaraan na kinasasangkutan ng advanced geometry, tiniyak ng isang internasyonal na pangkat ng mga astronomo na ang diyametro ng Milky Way na binubuo ng 200 bilyong mga bituin ay mga 70,000 light-years. Ang ating araw at ang mga planeta nito ay inilalagay ngayon na 23,000 light-years mula sa gitna ng galaksi​—mas malapit kaysa dating inaakala.

Gayundin, ang bilis ng tunog sa hangin ay halos kalahating milya sa bawat oras na mas mabagal kaysa dating sukat. Ito ay inilalagay sa 741.5 milya por ora, o 331.45 metro por segundo, pagkatapos mahigitan ang bilis ng tunog noong 1947. Subalit sa isang pagsisikap na pahusayin pa ang mga mikropono, ibinunyag ng senior research officer na si George S. K. Wong, ng National Research Council ng Canada, ang isang kamalian sa kalkulasyon na ginawa noong 1942 na nakapasok sa siyentipikong literatura nang hindi hinahamon. Ang bagong bilang o numerong ibinigay ay 741.1 milya por ora, o 331.29 metro por segundo.

Paglilipat-Puno

“Huwag putulin ang mga puno, ilipat ang mga ito!” ang sawikain ng isang kompanyang Aleman na nagdadalubhasa sa paglilipat ng malalaking punungkahoy. Binabanggit nito na ang punungkahoy ay naglalaan ng maraming pakinabang: Dinadalisay nito ang hangin, sinasala ng mga dahon nito ang alikabok at uling, at ang isang malaking punungkahoy ay maaaring maglaan ng kinakailangang oksiheno ng 64 katao. Karagdagan pa, sinasagap nito ang ingay, naglalaan ng lilim, at inaayos ang temperatura. Ang kompanya ay nakagawa ng makinarya at mga pamamaraan upang ilipat ang mga puno mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar​—kahit na ang mga punungkahoy ay punô ng dahon kung tag-araw​—na sinasabing may 95-porsiyentong tagumpay. “Ang mga punungkahoy na hanggang sandaang taóng gulang, na may mga puno na isa hanggang dalawang metro [3.3 hanggang 6.6 piye] sa [kabilugan] at tumitimbang ng hanggang 30 tonelada, ay maaaring ilipat,” sabi ng The German Tribune. Gayunman, ang ilang uri ng mga punungkahoy ay mas mabuti ang kinalabasan kaysa sa iba, at ang angkop na mga lugar, pangangalaga, at pagtatabas ay dapat na ilaan upang masiguro na ito ay mabubuhay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share