Mga Mata sa Himpapawid
ANG pagbangga ng mga ibon sa komersiyal na mga eruplano ay hindi lamang magastos sa mga airline (sistema ng transportasyon sa himpapawid) kundi mapanganib din naman. Sa pagsisikap na bawasan ang bilang ng gayong mga bungguan sa himpapawid, ang All-Nippon Airways ng Hapón ay nakatuklas ng isang bagong paraan upang itaboy ang mga ibon na lumilipad nang malapit sa kanilang mga eruplano. Papaano?
Sa pamamagitan ng pagpipinta ng nakasisindak-tuminging mga mata sa mga makina (engine intakes) ng eruplanong jet nito, sabi ng magasing International Wildlife. Ipinaliliwanag ng artikulo na pinintahan ng airline ng mga mata ang 26 sa malalaking-katawan na mga eruplano nito at hindi pinintahan ang natitirang mga eruplano. Sa pagtatapos ng isang-taóng eksperimento, isang katamtamang bilang na isang ibon lamang ang bumangga sa bawat makina na pinintahan ng nakasisindak-tuminging mga mata. Kung ihahambing, isang katamtamang bilang na siyam na mga ibon ang tumama sa makina ng walang pintang mga jet.
Ang pinsala sa loob ng isang-taóng yugto ng pagsubok ay tinatayang $720,000, bumaba mula sa $910,000. Dahilan sa tagumpay ng eksperimento, binabalak ng All-Nippon Airways na pintahan ng mga mata ang lahat ng malalaking-katawang mga eruplano nito.