Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 5/8 p. 29-30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Humihina ang Pagbabasa ng Bibliya sa Sweden
  • Ganti, Ganti, Katuwiran
  • Maarnibal na mga Alaala
  • Debate sa UN
  • Buháy na mga Nagkaloob?
  • “Birth Control” sa Tsina
  • Ang Paninigarilyo ay Pumapatay
  • Basta sa Pagiging Naroroon
  • Pinakamalaking Elebeytor ng Lantsa de Deskarga
  • Pinagtatalunang mga Paunawa
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1997
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1996
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1988
  • Ang Nauubos na Yaman ng Lupa
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 5/8 p. 29-30

Pagmamasid sa Daigdig

Humihina ang Pagbabasa ng Bibliya sa Sweden

Ang pagbabasa ng Bibliya ay lubhang humina sa Sweden, ayon sa isang ulat na pinamagatang The Swedish People and the Bible. Binanggit ng awtor, si Thorleif Pettersson, katulong na propesor ng Swedish Bible Society, na 36 na porsiyento lamang ng populasyon ang nagsasabing nagbabasa ng Bibliya, 3 porsiyento ang nagsasabi na binabasa nila ito araw-araw. Ang natitirang 64 na porsiyento ay hindi kailanman bumabasa nito. Kung ihahambing, noong 1949, mayroong 66 na porsiyentong bumabasa ng Bibliya at 34 na porsiyento ang hindi bumabasa. Sa kaniyang report, sinasabi ni Pettersson na 11 porsiyento ng populasyon ang walang Bibliya at ipinahihiwatig na iyan ay totoo sa 25 porsiyento niyaong wala pang 30 taóng gulang. Nang tanungin kung ang mga kabataan ay “magbabasa ng Bibliya pagkakaedad nila,” sabi niya, “Hindi, hinding-hindi nila babasahin ang Bibliya. Ang pagbabasa ng Bibliya ay unti-unting hihina kung magpapatuloy ang kasalukuyang pamamaraan at kung hindi magsisimulang umihip ang espirituwal na hangin.”

Ganti, Ganti, Katuwiran

Isang mananalaysay na Ehipsiyo, si Ahmed Behgat, ay naglathala ng isang aklat na nagpaparatang na “noong panahon ng Exodus ang sinaunang mga Israelita ay naglusót ng ginto mula sa Ehipto at ginamit ito sa paggawa ng ginintuang guya.” Ang pagsasaliksik ni G. Behgat sa sinaunang Ehipsiyong kaban-yaman ng makasaysayang mga dokumento ng bayan (archives) ay umakay sa kaniya na maghinuha na dapat bayaran ng Israel ang Ehipto ng $40 bilyon (U.S.) subalit nang walang patubo, ayon sa Islamikong batas. Gayunman, nang mailathala ang kaniyang mga tuklas, sang-ayon sa isang artikulo sa World Press Review, “ang radyong Voice of Israel ay humihingi ng mga bayad-pinsala para sa pag-alipin ng mga Faraon sa mga Israelita.”

Maarnibal na mga Alaala

Ang bantog-sa-daigdig na arnibal na mula sa maple ng Canada ay nanganganib na maging isang alaala na lamang kung ang epekto ng polusyon sa hangin sa ilang paraan ay hindi kaagad mapahihinto, sabi ng isang istorya sa pambansang babasahin na The Globe and Mail. “Mula noong 1978, ang mga tagagawa ng arnibal na maple sa Quebec ay nag-uulat na ang mga punungkahoy ng lahat ng gulang ay namamatay nang walang kadahilanan. Ang tanging paliwanag ng mga siyentipiko ay ang polusyon sa hangin, pati na ang pag-ulan ng asido (acid rain) at nauugnay na mga kemikal,” sabi nito. Ang mga inspeksiyon sa napinsalang mga dako ay nagpapakita na isang nakagigitlang pagtaas mula noong 1983: mula sa 29 na porsiyento ng mga punungkahoy na malubhang naapektuhan tungo sa 80 porsiyento. Sa pagsisikap na iligtas ang mga punungkahoy at ang industriya ng arnibal na maple, ang mga mananaliksik ay nananawagan na ihinto ang polusyon sa hangin na dala ng paggamit ng mga kemikal na gaya ng asupre at nitrogen oxides.

Debate sa UN

Ang mga pitsel ng tubig ang paksa ng isang mainit na tatlong-oras na debate sa United Nations, at gaya ng maraming iba pang mga isyu na kanilang tinatalakay, walang gaanong pagkakaisa. Ang isyu ay bumangon nang ang mga pitsel ng tubig at mga basong inilalaan sa bawat delegado sa 13 silid ng komite ay inalis bilang isang $100,000-isang-taon-na-pagtitipid na hakbang. Tinutulan kung bakit ang tagapangulo ng komite at yaong mga nakaupo sa podyum ay mayroon pa ring mga pitsel ng tubig. (Sapagkat hindi sila maaaring lumabas upang magtungo sa paunten ng tubig.) Ang isa pang pagtutol ay kung paanong nakagastos ng malaking halaga ang UN sa paglalaan lamang ng tubig sa mga delegado. (Sapagkat limang tao ang kinakailangan upang magtustos ng tubig makalawa sa isang araw at pakuluan ang mga baso pagkatapos magamit ang mga ito.) Habang ang pagtatalo ay nagpapatuloy, sinabi ng tagapangulo na ang sahod sa obertaym ng mga bantay at mga tagasalin nang gabing iyon ay baka katumbas ng halagang natipid sa pagpapatigil sa paghahatid ng tubig.

Buháy na mga Nagkaloob?

Kinukuwestiyon ng dumaraming doktor kung baga ang mga biktima sa aksidente “na inalisan ng mga sangkap ng katawan ng mga transplant surgeon pagkatapos ipahayag na ang mga ito ay patay na subalit ang mga puso ay tumitibok pa” ay mga patay ngang talaga, ulat ng The Sunday Times ng London. Sinasabi ng mga kritiko sa medisina ang tungkol sa “pusong tumitibok” na pagkakaloob ng sangkap ng katawan na ang mga pagsubok na ginagamit upang tiyakin ang kamatayan sa gayong mga kaso ay “pangunahin nang may depekto.” Bakit? Sapagkat, ayon sa report, ang bangkay na pinagkukunan ng mga sangkap ng katawan ay karaniwang kakikitaan ng reaksiyon sa unang paghiwa ng seruhano. “Ang mga paa ay tataas bilang isang pananggalang na pagtugon, ang mga kalamnan sa sikmura ay titigas nang husto, hinahadlangan ang operasyon. . . . Ang presyon ng dugo at tibok ng puso ay maaaring tumaas na pareho kapag nagsimula ang operasyon . . . , mga sintomas kung saan sa isang normal na operasyon ay nagpapahiwatig . . . na ang pasyente ay nakadarama ng kirot,” sabi ng Times. Nagpapahiwatig ng pagkabahala tungkol sa usapin, isang hukom ang nagsabi: “Kung para sa akin wari bang may malaking pagkakaiba sa pagitan ng tinatawag na kamatayan ng utak at kamatayan ng katawan. . . . Ang katotohanan tungkol sa bagay na ito ay na kung kailangan nila ang iyong mga sangkap ng katawan . . . inaalis nila ang ilan sa mga sangkap na ito habang ikaw ay buháy pa sa diwa na nauunawaan natin.”

“Birth Control” sa Tsina

Sa nakalipas na sampung taon ang Tsina ay kumuha ng isang mahigpit na hakbang upang bawasan ang dami ng ipinanganganak na sanggol sa bansa. Sang-ayon sa pahayagang Pranses na Le Figaro, ang patakarang isang-anak “ay mabisa subalit may ilang nakatatakot na aspekto o bahagi. . . . Ayon sa tradisyon, ang mga pamilyang Intsik ay dapat na magkaroon ng isang anak na lalaki. Kaya ang mga sanggol na babae ay kadalasan nang hindi nagugustuhan, yamang hindi matanggap ng mga mag-asawa ang nagsosolong tagapagmanang anak na babae.” Sa maraming bansa, ipakikita ng isang pag-aaral sa 1,000 mga panganganak ang humigit-kumulang magkasindaming mga anak na lalaki at babae. Gayunman, sa Tsina “sa 1,000 nakarehistrong panganganak [ang pagpaparehistro ay nagaganap apat na linggo pagkasilang,] mayroong 660 mga lalaki sa 340 mga babae.” Ano ang dahilan ng malaking diperensiya sa pagitan ng dalawang bilang? Ganito ang sabi ng Le Figaro: “Wari bang natitiyak na angaw-angaw na mga sanggol na babae ang kinikitil taun-taon.”

Ang Paninigarilyo ay Pumapatay

Ang mga sigarilyo ay pumapatay ng di kukulanging isang daang libo katao taun-taon sa United Kingdom, sabi ng Faculty of Community Medicine sa kanilang report sa Charter for Action. Isinisiwalat din ng mga estadistika na 90 porsiyento ng lahat ng mga kamatayan dahil sa kanser sa bagà sa Britaniya, pati na ang sangkatlo ng mga kamatayan mula sa lahat ng iba pang uri ng kanser, ay maaaring ipalagay na bunga ng bisyo ng paninigarilyo. Isang bagong batas ang nilalayon upang hadlangan ang pagkasugapa ng mga kabataan sa bagong itinataguyod na mga supot o lalagyan ng tabako. Sa Britaniya, ang benta ng mga produkto ng tabako sa mga wala pang 16 anyos ay umaabot ng £90 milyon ($130 milyon, U.S.) isang taon.

Basta sa Pagiging Naroroon

Lahat ng mga taga-Alaska​—mga lalaki, babae, at mga bata​—ay tumanggap ng isang tseke na nagkakahalaga ng $556.26 noong dulo ng nakaraang taon. Iyan ang bahagi nila sa $296 milyon na ibinahagi sa 531,911 permanenteng mga maninirahan ng Alaska. Ang salapi ay mula sa mga buwis sa langis mula sa pagmimina sa mga lupain ng estado. Isang porsiyento nito ay inilalagay sa isang pondo, na ngayo’y mayroon nang $7 bilyon, anupa’t ang Alaska ay walang problema kapag naubos na ang langis. Kalahati ng mga kita ng pondo ay ipinamamahagi sa mga taga-Alaska taun-taon sapol nang simulan ito noong 1982.

Pinakamalaking Elebeytor ng Lantsa de Deskarga

Itinatayo ngayon ng Belgian waterways department ang pinakamalaking elebeytor o tagapagtaas ng lantsa de deskarga ng daigdig. Sa Canal du Centre sa pagitan ng Mons at La Louvière (dalawang lunsod sa Belgium), mayroong isang 223-piye (68 m) na diperensiya sa antas ng tubig. Hanggang sa ngayon, apat na lumang hydraulic na mga elebeytor, bawat isa’y 56 piye (17 m) ang taas, ang nakakaangat ng 300-toneladang mga lantsa de deskarga. Subalit ang bagong elebeytor na ginagawa ay magiging 380 piye (116 m) ang taas, 427 piye (130 m) ang haba, at makakaya nito ang 2,000-toneladang mga kumboy. Bubuuin ito ng dalawang tangke na 368 piye (112 m) ang haba at 40 piye (12 m) ang lapad. Gaya ng paliwanag ng pahayagang Pranses na Le Monde, “ang Strepy-Thieu na elebeytor ay patotoo na ang mga taga-Belgium ay naniniwala pa rin sa transportasyon sa tubig.”

Pinagtatalunang mga Paunawa

Kung ano ang nagsimula bilang isang seryosong hakbang na pangkaligtasan ay nauwi ngayon sa isang kausuhan. Dati, ang limang-pulgadang (13 cm), hugis-diyamanteng mga paunawa, na nakakabit sa salamin ng kotse sa likuran, ay nilayon upang babalaan ang iba pang mga tsuper na mayroong bata sa loob upang sila ay maging higit na maingat. At nitong nakalipas na dalawang taon, angaw-angaw na mga paunawa na nagsasabing “Baby on Board!” o “Child on Board!” (May Nakasakay na Sanggol!) ay naipagbili sa nababahalang mga magulang sa Estados Unidos. Gayunman, sa ngayon angaw-angaw na mga parodya o nakakatawang imitasyon ang idinidispley, na nagsasabi ng mga bagay na gaya ng “Baby Driving!” (Sanggol ang Nagmamaneho!) “Nobody on Board!” (Walang Nakasakay!) at “Mother-in-Law in Trunk” (Ang Biyenang Babae ay nasa Troncal). Nais ng mga opisyal sa pangkaligtasan na alisin ang lahat ng mga paunawa, sinasabing hinaharangan nito ang pananaw ng tsuper at siyang may pananagutan sa mga aksidente.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share