Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 10/8 p. 29-30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • AIDS at ang Gatas ng Ina
  • Maaaring Mabulok na Plastik
  • Tunél ng mga Palaka
  • Robot na Pumapatay ng Tao
  • Tinapay, Alak, o . . .
  • Isang Siyentipiko ang Nagsasalita
  • Panlunas sa mga Bukol?
  • Eruplanong Bumangga sa Isda
  • Enerhiya Mula sa Alon sa Karagatan
  • “Pagkaing Papel”
  • Ang Katotohanang Pabor sa Gatas ng Ina
    Gumising!—1993
  • Isang Pulandit ng Gatas na Naging Isang Kutsarang Pinulbos na Gatas
    Gumising!—1999
  • Gawing Matagumpay ang Pagpapasuso sa Iyong Sanggol!
    Gumising!—1987
  • Ang Gatas ng Ina
    May Nagdisenyo Ba Nito?
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 10/8 p. 29-30

Pagmamasid sa Daigdig

AIDS at ang Gatas ng Ina

Kinikilala na ang virus ng AIDS ay maaaring ipasa sa isang sanggol sa pamamagitan ng gatas mula sa ina nito. Ang pagkaalam nito ay nagbangon ng ilang pagkabahala sa isang pangkat ng mga ina na walang AIDS. Bakit? Sapagkat maraming ospital ang may mga bangko ng gatas na tumatanggap ng mga donasyong gatas ng ina. Ang mga gatas na ito ay saka itinutustos sa mga ina na walang sapat na gatas o na dahil sa anumang iba pang kadahilanan ay hindi mapasuso ang kanilang sanggol. Karagdagan pa, ang gayong gatas na ipinagkaloob ay kadalasang ginagamit sa mga ospital upang pasusuhin ang mga batang ipinanganak nang kulang sa buwan. Gayunman, yamang hindi lumilitaw na may isinasagawang anumang pagsubok upang tiyakin kung ang ipinagkaloob na gatas ng ina ay maaaring naglalaman ng virus ng AIDS, maaaring di sinasadyang malantad ng mga ina ang kanilang sanggol sa virus ng AIDS kung ang gatas ay nakuha sa isang nagkaloob na may AIDS.

Maaaring Mabulok na Plastik

Ang mga plastik ay nagpaparumi sa ating mga dagat, kagubatan, at mga lunsod. Gayunman, ang mga kemikong sina Felix H. Otey at Richard F. Westhoff ay matagumpay na nakagawa kamakailan ng isang plastik na maaaring mabulok. Nagtatrabaho sa laboratoryo ng Kagawaran ng Agrikultura ng E.U. sa Peoria, Illinois, inihalo ng mga siyentipikong ito ang mga molekula ng gawgaw ng mais sa mga molekula ng plastik dahil sa lakas nito para makagawa ng isang matibay na plastik. Sinasabi nila na ang pagkalantad nito sa basâ at mainit na lupa ay bubulok sa gawgaw na nasa plastik, at bunga nito, ang maliliit na piraso ng plastik na naiwan ay kakanin sa wakas ng mga baktirya sa lupa.

Tunél ng mga Palaka

Nagkaroon ng mga kapistahan sa pagbubukas ng pinakabagong tunél ng Britaniya. Samantalang iniuulat ng mga litratista at mga peryudista ang okasyon, ang ilang pananalita ng awtor na Ingles na si Kipling ay binasa, at bahagi ng seremonya isang laso sa butas ng tunél ang ginunting ni Lord Skelmersdale, ang Under Secretary of the Environment ng Gobyerno. Kailangan niyang lumuhod upang gawin iyon, yamang ang butas ng tunél ay labinlimang centimetro lamang ang lapad. Ito’y ginawa upang ang mga palaka ay makatawid sa ilalim ng daanang Henley. Taun-taon, sa panahon ng pagpaparami, mga 18 toneladang metriko ng mga ito ang napapatay ng mga Britanong tsuper samantalang ang mga palaka ay tumatawid sa mga lansangan upang marating ang kanilang pinangingitlugang lawa kung tagsibol. Gayon na lamang katagumpay ang tunél anupa’t ang iba ay humingi ng impormasyon para sa kanilang partikular na mga suliranin tungkol sa tumatawid na mga hayop.

Robot na Pumapatay ng Tao

Biglang pinaandar ng isang robot ang isang panturno at pinatay ang isang manggagawa sa pabrika sa Hapón. Ang sanhi? Isang elektromagnetikong alon na mula sa isang kislap ng kuryente mula sa isang grua (crane). Ang pangyayaring ito noong 1982 ay ibinunyag sa isang pag-aaral kamakailan ng isang konsilyo ng Ministri ng Japanese Posts and Telecommunications tungkol sa “elektronikong ulap.” Ang mga pinagmumulan ng “elektronikong ulap,” o inaayawang elektromagnetikong alon, ay nasa lahat ng dako: sa personal na mga computer, mga laro na ikinakabit sa TV, at mga pampalakas sa mga antena ng TV, upang banggitin lamang ang ilan. Gayunman, ang inaayawang elektromagnetikong alon na iyon ay sinasabing pinagmumulan ng maling pagkilos sa pamamagitan ng panghihinasok sa sama-samang mga sirkito sa isang modernong control systems. Ang mga robot sa Hapón ay pumatay na ng sampu katao sa nakalipas na walong taon. Pinaghihinalaan na sa anim sa mga kasong iyon kasangkot ang elektromagnetikong alon.

Tinapay, Alak, o . . .

Sa taóng ito, nagulat ang ilang taga-Silangang Alemanya na dumadalo ng Eucharist (Komunyón) kung Pasko ng Pagkabuhay. Kasunod ng tradisyunal na tinapay at alak na inilalaan sa okasyong ito, ang ibang mga Simbahang Lutherano at United Church ay nagbibigay na rin ngayon ng isang mapagpipiliang inumin: katas ng ubas. Bakit ang katas? “Para sa mga alkoholiko at iba pa na ayaw uminom ng alak,” komento ng base-sa-Geneva na Ecumenical Press Service.

Isang Siyentipiko ang Nagsasalita

“Nagkakaroon ako ng higit na intelektuwal na kasiyahan sa pagtanggap na mayroong Diyos kaysa pagtanggap na ito (tayo) ay nagkataon lamang,” sabi ni Dr. Louw Alberts, sang-ayon sa Cape Times, isang pahayagan sa Timog Aprika. Si Alberts, isang physicist na siyang nakatuklas ng dambuhalang magnetostriction (mga pagbabago sa sukat dahil sa magnetismo) sa pambihirang mga metál sa lupa, ay nagpahayag din ng kaniyang palagay tungkol sa Bibliya. “Ang Bibliya ang nasusulat na salita ng Diyos, ang siyensiya ang pagbasa sa mga nilalang. Ito kapuwa ay may iisang awtor​—ang Diyos.”

Panlunas sa mga Bukol?

Hanggang mga 80 porsiyento ng mga babae sa ngayon ang may mga bukol sa suso, ulat ng Dimensions, isang magasin sa Canada. Pinakakapal ng sakit ang mga sapin sa dinadaanan ng gatas at nag-aanyo ng masasakit na cyst o bukol. Gayunman, sapol noong 1971 si Dr. William Ghent ng Queens University sa Ontario, sa pakikipagtulungan kay Dr. Bernard Eskin ng Philadelphia, Pennsylvania, ay nag-eeksperimento sa elementong iodine upang gamutin ang sakit, na mayroong di-mumunting tagumpay. Ipinakikita ng kanilang mga resulta na sa 315 mga babaing may bukol na ginamot, 75 porsiyento ng mga may bukol ang nagbalik sa normal at 2 porsiyento lamang ang hindi bumuti. Gayunman, napansin ang ilang maliliit na masamang epekto sa maliit na porsiyento ng mga babaing ginamot. Ang mabuting balita, sang-ayon kay Dr. Ghent, ay na maraming babae ang hindi na kakailanganin ang teraping ito kung sasamahan nila ng higit na iodine ang kanilang regular na pagkain. Itinataguyod ito ng bagay na ang New York City ay nag-uulat na dobleng dami ng mga babaing may bukol sa suso kung ihahambing sa Tokyo, kung saan ang mga babae ay kumakain ng mas maraming pagkaing mayaman sa iodine.

Eruplanong Bumangga sa Isda

Sandaling panahon lamang pagkatapos na ito ay lumipad mula sa Paliparan ng Juneau sa Alaska, isang Boeing 737 na jet na may sakay na 40 pasahero ang bumangga sa isang salmon sa himpapawid. Sang-ayon sa mga piloto, ang isda ay tangay-tangay ng isang agila. Nang magulat sa eruplano, inihulog ng agila ang isda, na tumama sa isang bintana sa itaas ng kinaroroonan ng mga piloto. Ang eruplano ay naantala sa loob ng isang oras sa sumunod na hinto nito upang suriin ang pinsala nito. “Nakabangga na kami ng moose (sa mga daanan ng eruplano); nakabangga na kami ng usa, at nakabangga na kami ng iba’t ibang bagay,” sabi ni Jerry Kvasnikoff, customer service manedyer ng Alaska Airlines, “ngunit hindi pa kami nakabangga ng isang isda noon.”

Enerhiya Mula sa Alon sa Karagatan

Maaari kayang maging isang mahalagang pinagmumulan ng enerhiya sa hinaharap ang mga alon sa karagatan? Gayon ang palagay ng Minister para sa mga Mineral at Enerhiya ng Australia, si Mr. Parker, at binigyan niya ng karapatan ang Wave Power International, isang bagong tatag na kompaniya, na magtayo ng isang istasyon ng kuryente sa Esperance sa Kanlurang Australia, upang gumawa ng kuryente sa pamamagitan ng mga alon. Ang malaking genereytor ay tatayo sa ibabaw ng pantay-dagat ng mga 7 metro at susukat ng humigit-kumulang 20 metro sa diyametro. Ang pagpapaandar sa genereytor, gaya ng paliwanag ng pahayagang The West Australian, ay nangangailangan ng malalaking alon sa buong panahon. Ang isang palutang sa loob ng isang kongkretong kayarian na gumagamit ng presyon ng hangin upang kontrolin ang antas ng tubig sa dagat ay iniangat upang lumikha ng puwersang pambomba. Pagkatapos ang tubig ay sinasalok tungo sa tuktok ng tore at lumilikha ng kuryente kapag ito ay bumababa. Tinatayang mga 20 porsiyento ng kuryenteng kinakailangan sa Esperance at sa nakapaligid na distrito ay matutugunan ng pamamaraang ito ng paglikha ng kuryente na walang polusyon.

“Pagkaing Papel”

“Ang aming layon ay gumawa ng lubhang masustansiya, madaling-dalhin, madaling-kaining pagkain,” ipinahayag ni Eiji Miyazaki, isang industriyalistang Haponés, nang ipinakikilala ang kaniyang nakakaing kard na binigyan niya ng isang pangalang Pranses. Sang-ayon sa lingguhang babasahing Pranses na L’Express, ang espesyalistang ito sa pagkain ay nagtagumpay sa pagsisiksik sa labing-apat na gramong bareta, halos kasinlaki ng isang credit card, ng kasindaming calories na nasa isang kompletong pagkain. Ang tuklas na ito ay kawili-wili sa mga tao na umaakyat sa bundok na nagnanais “magdala ng pinakamaraming calories sa pinakamaliit na espasyo” o sa mga tsuper ng trak na nagnanais makatipid ng panahon na kakailanganin sa pagkain sa mga kainan sa tabi ng daan. Hindi inaasahan ng L’Express na ito ay magiging mabilí sa Pransiya. Ang dahilan? Bagaman mayroong 14 na mga lasa, sinasabi ng magasing Pranses na ang lasa nito ay katulad na katulad ng pangalang Pranses na ibinigay sa produkto​—“Papier”!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share