Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 1/8 p. 29-30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kauna-unahan para sa mga Saksi!
  • Tumatalikod na mga Katoliko
  • Mga Kiropraktiko ng Hayop
  • Pagkahaling sa Selyo
  • Positibong mga Hakbang
  • Paglalagay ng Gatas sa “Microwave Oven”
  • Babalang Pangkaligtasan
  • “Police Seals”
  • Makasaysayang Kapanganakan
  • Pagpapawalang-sala ng Pangulo
  • Pangongolekta ng Selyo—Kawili-wiling Libangan at Malaking Negosyo
    Gumising!—1995
  • Gawing Matagumpay ang Pagpapasuso sa Iyong Sanggol!
    Gumising!—1987
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1986
  • Isang Pulandit ng Gatas na Naging Isang Kutsarang Pinulbos na Gatas
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 1/8 p. 29-30

Pagmamasid sa Daigdig

Kauna-unahan para sa mga Saksi!

Sa kauna-unahang pagkakataon binigyan ng pagsang-ayon ng mga awtoridad sa bansang Aprikano ng Tanzania ang mga Saksi ni Jehova na malayang magtipong sama-sama para sa pagsambang Kristiyano. Noong Mayo at Hunyo nang nakaraang taon, isang serye ng limang pansirkitong mga asamblea ang matagumpay na naidaos sa buong bansa. Ang pinagsamang bilang ng dumalo sa mga pagtitipong ito ay 5,177 at 124 ang nabautismuhan​—ang pinakamataas na bilang ng mga nabautismuhan na kailanma’y naitala sa kasaysayan ng gawain ng mga Saksi sa Tanzania. Para sa karamihan na dumalo, ito ang kanilang kauna-unang asamblea. Ang isang asamblea ay ginanap sa pangunahing awditoryum sa campus ng University of Dar es Salaam.

Tumatalikod na mga Katoliko

Isa sa lima katao na pinalaki bilang isang Romano Katoliko ay “hindi na itinuturing ang kaniyang sarili na isang tagasunod ng pananampalatayang Katoliko,” ulat ng The New York Times. Kung ihahambing sa bilang ng mga taong nakukumberte sa Katolisismo, ang bilang ng mga tumatalikod o umaalis, gaya ng ipinakikita ng surbey, ay tatlong ulit na mas marami. Binanggit ng surbey ang pag-aasawa ng mga hindi kapananampalataya bilang pangunahing salik sa gitna niyaong mga tumalikod. Hindi kukulangin sa kalahati ng dating mga Katolikong kinapanayam ang nagsabi na sila ay nag-asawa ng mga hindi Katoliko, samantalang ang sangkapat naman ay nagsabi na sila sa kasalukuyan ay diborsiyado o nakipagdiborsiyo at ngayo’y muling nag-asawa. Ang katamtamang edad niyaong lumayo sa simbahan ay 36.

Mga Kiropraktiko ng Hayop

Dumaraming kiropraktiko ang gumagamot sa mga hayop at gayundin sa mga tao, ulat ng The Wall Street Journal. “Ilang kiropraktiko ang ngayo’y buong panahong gumagamot ng mga hayop, pati na ang ilan na mga beterenaryo.” Bagaman hindi pansansinukob na kinikilala, sinasabi ng mga kiropraktiko ng hayop na sila ay nagkaroon ng mga tagumpay kung saan nabigo ang tradisyunal na mga beterenaryo. Kabilang sa mga hayop na ginagamot ay mga kabayo, llamas, mga pusa, aso, at mga loro. Dahilan sa pagkaliliit o, kadalasa’y, malaki at matibay na mga buto, kinailangang gumawa ng bagong mga pamamaraan. “Ang ibang mga kiropraktiko ay naglalagay ng isang may sapin na 2-por-4 sa mga buto ng isang malaking hayop at pinupukpok ang tabla ng isang maso,” sabi ng Journal.

Pagkahaling sa Selyo

“Noon lamang 1985, ang mga bansa sa buong daigdig ay gumawa ng 9,141 [bagong labas na] mga selyo at 915 maliliit na pilyego ng mga selyo,” sabi ng The New York Times. “Ang pagbili ng isa lamang nito ay magkakahalaga sa isang kolektor ng mahigit na $12,000.” Ang mga selyo ay isa ngayon sa pinakakapaki-pakinabang na iniluluwas na kalakal sa gitna ng mga bansa sa Timog Pasipiko. Halimbawa, 20 porsiyento lamang ng mga selyo na ginawa sa Tonga ang karaniwang ginagamit para sa koreo. Ang pagkakakilanlang mga selyo na bilog, hugis pinya o saging, o kahugis ng bansa ay mabilis na kinukuha ng mga kolektor. “Ang Pitcairn Islands, tahanan ng halos 50 katao lamang, ay naglalabas ng bagong mga set ng selyo apat na beses isang taon at wala nang iba pang iniluluwas,” sabi ng Times. Ang Tuvalu, isang bansa ng 8,000 mamamayan, “ay naglalabas ng katamtamang isang bagong selyo isang araw.”

Positibong mga Hakbang

Ang pang-araw-araw na pahayagan sa Belgium na Le Soir ay nag-uulat na positibong mga hakbang ang isinagawa ng bagong pangulo ng Burundi upang isauli ang kalayaan sa relihiyon sa buong bansa. Sa isang 30-minutong talumpati pagkatapos ng kudeta na nag-alis sa dating pangulo, ang bagong kaluluklok na pangulo, si Major Pierre Buyoya, “ay pinagtibay ang kaniyang intensiyon na muling itatag ang kalayaan ng pagsamba, na siyang nag-alis sa maraming pagbabawal na nilayon sa mga Katoliko, gayundin sa mga Saksi ni Jehova, mga Protestante, at mga Muslim,” sabi ng Le Soir. Binatikos ni Presidente Buyoya “ang dumaraming bilang ng pangontrang mga pagbilanggo na napakatagal, ayon lamang sa sariling kagustuhan at kadalasan ay sa ilalim ng di-makataong mga kalagayan, at ang kawalan ng magkakatugmang paninindigan laban sa kriminalidad.” Sang-ayon sa patakaran ng pangulo tungkol sa karapatan ng tao, pinalaya ng bagong pamahalaan ng Burundi ang lahat ng nakabilanggong mga Saksi ni Jehova.

Paglalagay ng Gatas sa “Microwave Oven”

Sang-ayon sa aklat na The Canadian Parents’ Sourcebook, ang pag-iinit sa mga bote ng gatas ng sanggol sa isang microwave oven ay mapanganib sa sanggol. Sa isang bahagi tungkol sa “Microwave Alert,” ang mga awtor ay nagbabala na ang gawain “ay naging sanhi ng mga pagkapaso kapag ito’y di-wastong ginagawa” sapagkat “hindi pantay na iniinit [ng oven] ang gatas.” Bagaman ang bote mismo ay maaaring malamig, “ang iba’t ibang bahagi ng gatas ay magkakaroon ng iba’t ibang temperatura,” sabi ng mga awtor. Gayunding mga babala ang ibinigay tungkol sa pag-iinit ng mga garapon ng mga pagkain ng bata sa mga microwave oven. Laging subukan ang temperatura ng gatas o ng pagkain bago ipakain sa sanggol. Iminumungkahi rin nila ang pagsasabi sa mga yaya at sa iba pa tungkol sa pag-iingat na ito. At sapagkat “ang mabilis na pag-iinit ay maaaring pagmulan ng mga suliraning may kinalaman sa mga baktirya,” sila’y nagbababala laban sa pag-init ng pinalamig na gatas ng ina sa microwave oven.

Babalang Pangkaligtasan

Ang kaligtasan sa nuclear-reactor ay dapat paghusayin, sabi ni Dr. Robert Gale, isang espesyalista sa bone-marrow-transplant na gumamot sa mga biktima ng aksidente sa Chernobyl sa U.S.S.R. noong nakaraang taon. Sinasabi niya na mayroong 25-porsiyentong tsansa ng kahawig na malaking sakuna ng isang nuklear na planta na mangyayari saanmang dako sa susunod na dekada at isang 50-porsiyentong tsansa sa Estados Unidos. Ang pahayagang Aleman na Hannoversche Allgemeine ay nagsasabi na ang natipong mga estadistika ay nagpapahiwatig na “sa susunod na 50 taon tinatayang 60,000 katao sa buong daigdig ang mamamatay sa kanser bunga ng natunaw na reactor sa Unyong Sobyet . . . At 5,000 pa ang daranas ng grabeng genetikong pinsala at hanggang 1,000 ang daranas ng mga depekto sa kalusugan mula sa pagsilang bilang resulta ng Chernobyl.” Ang enerhiyang atomiko, sabi ni Dr. Gale, ay kapaki-pakinabang lamang kung wastong pangangasiwaan.

“Police Seals”

Samantalang ang kanilang mga kapanahon sa Florida at California ay sinasanay na balansihin ang mga bola sa kanilang mga ilong at gumawa ng iba pang mga kataka-takang gawa, ang ilang mga seal sa New York City ay kasalukuyang sinasanay na gawin ang gawain ng pulis. Ang mga harbor seal ay tinuturuang makuhang muli ang mga baril na inihagis sa ilog. Ang pagkuhang-muli sa itinambak na kontrabando at mga droga, pagkuha ng larawan sa ilalim ng tubig, at paghanap sa nakalubog na mga bagay ay isasaalang-alang din. Si Stanley, isang dalawang-taóng-gulang na harbor seal na marunong nang kumuhang muli ng mga baril, ay idinagdag pa sa kaniyang kasanayan ang pagkakalas ng mga seat belt sa nakalubog na mga tao. Ang gayong kakayahan ay inaasahang kapaki-pakinabang sa pagkuhang muli sa mga bangkay mula sa mga sakuna sa dagat.

Makasaysayang Kapanganakan

Noong nakaraang Oktubre 1, isang 48-anyos na taga-Timog Aprika ay nagsilang sa kaniya mismong tatlong apo. Si Pat Anthony ay kumilos bilang isang kahaliling ina para sa kaniyang 25-anyos na anak na babae, na ang matrís ay inalis tatlong taon na ang nakalipas. Inilagay sa matrís ni Gng. Anthony ang apat na itlog mula sa kaniyang anak na babae na pertilisado ng binhi mula sa kaniyang manugang sa isang laboratoryo. Ang triplets, dalawang lalaki at isang babae, ay ipinanganak na cesarean sa isang ospital sa Johannesburg. Ang kasong ito ay hindi lamang nagdaragdag ng gatong sa moral at legal na pagtatalo tungkol sa pagiging kahaliling magulang kundi ito rin ay nagiging isang relihiyosong problema. Yamang ang pamilya ay mga Romano Katoliko, at hinahatulan ng Vaticano ang gawain ng pagiging kahaliling magulang, papayagan kaya ng patakaran ng simbahan na binyagan ang mga sanggol?

Pagpapawalang-sala ng Pangulo

Ipinahayag ng isang opisyal na pangungusap na inilabas sa pahayagan mula sa Embahada ng Republika ng Rwanda sa Canada na ipinagkaloob ng pangulo ng Rwanda, si General Major Juvénal Habyarimana, ang “isang ganap na pagpapatigil ng mga sentensiya” sa lahat ng mga Saksi ni Jehova na ikinulong sa relihiyosong kadahilanan. Sang-ayon sa pangungusap ng embahada, ang aksiyong ito ay naganap noong okasyon ng ika-25 anibersaryo ng kalayaan ng Rwanda. Kasunod ng kanilang paglaya, ang mga Saksi ay pinayagang makabalik sa kanilang mga tahanan at ipagpatuloy ang kanilang sekular na trabaho. Iniulat na ang lokal na mga opisyal na hindi sumasang-ayon sa pagpapawalang-sala ng pangulo ay mahigpit na pinangaralan ng pamahalaang sentral.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share