Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 2/22 p. 3-4
  • Ang Iyo Bang Pribadong Buhay ay Naisasapanganib?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Iyo Bang Pribadong Buhay ay Naisasapanganib?
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Ano Ba ang Pribadong Buhay?
    Gumising!—1988
  • Isang Timbang na Pangmalas sa Pribadong Buhay
    Gumising!—1988
  • Bakit Hindi Ako Magkaroon ng Higit na Pribadong Buhay?
    Gumising!—1988
  • Ang Kabalintunaan ng Pribadong Buhay
    Gumising!—2003
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 2/22 p. 3-4

Ang Iyo Bang Pribadong Buhay ay Naisasapanganib?

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Hapón

ISANG kilalang komedyanteng Haponés at 11 mga tagasunod ang mahigpit na sumalakay sa isang kompaniya na naglalathala. Gumagamit ng mga pamatay ng apoy at mga payong, sila ay nakapinsala ng lima katao. Ang dahilan ng pagsalakay? Sinasabi niya na ang kaniyang pribadong buhay ay pinanghimasukan ng larawan ng magasin ng kompaniya.

Ang mga magasin na nabubuhay sa pamamagitan ng panghihimasok sa pribadong buhay ng mga tao ay nananagana sa Hapón. “Ang mga may kabataang litratista ay hindi nag-aatubiling yurakan ang pribadong buhay ng ibang tao, at pinupuri sila ng mga kawani sa patnugutan bilang ‘matatapang,’” sabi ng isang independiyenteng litratista.

Pinararami rin ng pagsagana ng mga computer ang banta sa pribadong buhay. Iniulat na ang mga ahensiya ng pamahalaan ng E.U. ay mayroong 18 hanggang 20 files (mag-kakaugnay na rekord) sa karaniwang Amerikano, at maraming tao ang lehitimong nakakakuha ng impormasyon sa gayong mga files. Gayunman, ang iba pa, na tinatawag na hackers, ay sinasabing nanghihimasok sa mga files na ito.

Inilalarawan ito ng report sa The Times ng London tungkol sa isang 22-anyos na hacker na nakapasok sa sekretong files ng computer ng Duke ng Edinburgh at nag-iwan ng mga mensahe. Isang hacker din ang nakapasok sa isang programa sa computer ng ministrong panlabas ng Israel at siningitan ng nakatatawang mga linya ang isang manuskrito sa talumpati.

Hindi lamang ang mga kilalang tao ang nakadarama ng panganib kundi maging ang pangkaraniwang mga mamamayan din. Sang-ayon sa isang surbey noong 1983 na isinagawa sa Estados Unidos, 77 porsiyento niyaong mga tinanong ang nagpahayag ng pagkabahala sa mga banta sa kanilang pribadong buhay. Ang Danes na pahayagang Berlingske Tidende ay nag-uulat: “Limampung porsiyento ng lahat ng mga Danes ang nakadarama na hindi ligtas o lubhang di-ligtas tungkol sa paraan ng paggamit sa pribado at publikong files.” At sa Hapón, kung saan ang karapatan sa pribadong buhay ay hindi gaanong iginagalang, marami ang nababahala at natatakot na ang panghihimasok sa pribadong buhay ay lulubha pa.

Totoo, ang U.S. National Academy of Sciences ay nagsasabi na ang personal na impormasyon na madaling makuha sa pamamagitan ng mga computer ay hindi kailangang makahadlang sa patuloy ng pagtatamasa ng indibiduwal na mga karapatan. Gayumpaman, maraming tao ang natatakot sa autokratikong lipunan na inilalarawan ng nobela ni George Orwell na 1984.

Subalit mayroon pang aspekto sa paksang ito bukod doon sa isa na nagsasangkot sa mga computer at sa karapatan na makontrol ang impormasyon tungkol sa sarili mismo. Inilalarawan ito ni Masao Matsumura ng Management and Coordination Agency sa Hapón bilang “ang tradisyunal na aspekto ng pribadong buhay, ang karapatan na huwag pakialaman.”

Ngayon, kahit na ang “tradisyunal na aspektong” ito ay nanganganib. Maaaring naranasan mong inasam-asam na “huwag pakialaman” gayunman ay pinanghihimasukan pa rin ng iba ang iyong pribadong buhay. Paano mo minamalas ang iyong pribadong buhay? Naniniwala ka bang dapat mo itong ingatan nang buong sigasig sa kapinsalaan ng maraming iba pang bagay? Gayunman, una muna, ating isaalang-alang kung ano nga ba ang kahulugan ng pribadong buhay.

[Larawan sa pahina 3]

Ang suliranin ng pribadong buhay ay nagiging higit na masalimuot dahil sa pagsulong sa teknolohiya ng impormasyon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share