Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 4/8 p. 3-4
  • Mga Huling Araw—Ano ang Katibayan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Huling Araw—Ano ang Katibayan?
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Digmaan, Taggutom, at Salot
  • Ang mga Mangangabayo ng Apocalipsis—Kung Paano Apektado Ka ng Kanilang Pagsakay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Apat na Mangangabayo—Sino Sila?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Apat na Mangangabayong Kumakaripas!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
  • Paglutas sa Hiwaga ng mga Mangangabayo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 4/8 p. 3-4

Mga Huling Araw​—Ano ang Katibayan?

“Walang agunyas ng mga kampana at walang sinuman ang umiyak sa anumang nawala sa kaniya sapagkat halos lahat ay umaasa ng kamatayan. . . . At ang mga tao ay nagsabi at naniwala, ‘Ito na ang katapusan ng mundo.’”​—Isang Italyanong mananalaysay na sumulat tungkol sa mga epekto ng Itim na Kamatayan noong ika-14 na siglo.

ANG taimtim na mga tao noong naunang salinlahi ay may kamaliang naniwala na sila ay nabubuhay sa mga huling araw. Sa siniping kalagayan sa itaas, ito ay ang salot bubonika na ipinalagay na tanda ng katapusan ng mundo. Sinasabi ng ilang tantiya na ito ay pumatay ng sangkatlo ng populasyon ng Europa. Subalit hindi dumating ang wakas. Hindi pa ito ang panahon upang makialam ang Diyos.

Kaya paano makatitiyak ang sinuman na ang mga Saksi ni Jehova ngayon ay tama sa paghahayag ng nalalapit na wakas ng kasalukuyang sistema ng sanlibutan at ang pagpapaabot ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos sa lupa? Sa pamamagitan lamang ng pagsusuri sa mga sinasabi nila at sa paghahambing nito sa mga hula ng Bibliya. Ano, kung gayon, ang espisipikong mga hula na bumabalangkas sa mga pangyayari na nagtatanda sa mga huling araw?

Digmaan, Taggutom, at Salot

Ang ilan sa pangunahing mga tampok ng mga hulang ito ay binuod sa bantog na pangitain ng mga mangangabayo ng Apocalipsis sa Apocalipsis 6:1-8, at ang mga ito ay:

“Isang kabayong mapula; at yaong nakasakay rito ay pinagkaloobang mag-alis ng kapayapaan sa lupa upang sila’y magpatayan sa isa’t isa.” Pakisuyong pansinin na ang nakasakay sa kabayong ito ay mag-aalis ng kapayapaan sa lupa, hindi lamang sa ilang mga bansa. Samakatuwid, sumasagisag ito sa isang panahon ng pambuong-daigdig na digmaan at pagpapatayan. Nakita na ba natin iyan sa ika-20 siglo?

“Isang kabayong maitim; at yaong nakasakay rito ay may timbangan sa kaniyang kamay.” Angkop na sumasagisag ito sa gutom, kakapusan ng pagkain, at taggutom. Ang mga kalagayan bang ito ay umiiral sa ating salinlahi?

“Isang kabayong maputla; at yaong nakasakay rito ay may pangalan na Kamatayan. At kabuntot niya ang Hades. At binigyan sila ng kapangyarihan sa ikaapat na bahagi ng lupa, upang pumatay sa pamamagitan ng mahabang tabak at ng taggutom at ng nakamamatay na salot at ng mababangis na hayop sa lupa.” Dito, ang di-napapanahong kamatayan, ito man ay dahilan sa digmaan, taggutom, salot, o mababangis na hayop, ay nagtambak ng mga biktima nito sa maagang libingan (Hades). Hindi ba’t ang sampu-sampung angaw ay nagtungo sa gayong libingan sa ating panahon?

Kasama sa mga pangitaing ito ang mga kalagayan na inihula ni Jesus, ang ilan sa mga ito ay: “Titindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian. Magkakagutom at lilindol . . . Babangon ang maraming bulaang propeta; at kanilang ililigaw ang marami, at dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pag-ibig ng marami ay lalamig.” (The Jerusalem Bible) Inihula rin niya ang isang pambuong-daigdig na gawaing pagpapatotoo, o pangangaral ng “mabuting balita ng kaharian,” bago dumating ang wakas.

Karagdagan pa, inilarawan ng Kristiyanong apostol na si Pablo ang mga ugali ng tao, sinasabi na sa mga huling araw “ang mga tao ay magiging maibigin sa salapi at sa sarili . . . walang paggalang sa mga magulang, walang utang na loob.” Sabi pa niya: “Sila’y mga taong magiging maibigin sa kalayawan kaysa Diyos, mga taong may anyo ng kabanalan, subalit tinatanggihan ang pagiging totoo nito.”​—The New English Bible.a

Tandaan natin na bagaman ang hula ni Jesus ay nagpapahiwatig ng isang sukdulan sa kasaysayan ng tao habang ang lahat ng mga pangyayaring ito ay magsasama-sama sa iisang salinlahi, hindi kinakailangan na ito ay mas marami sa bilang o sa laki kaysa alinmang naunang salinlahi, bagaman maaaring maging gayon.

Nakita mo na ba ang mga pangyayari at mga kalagayang ito sa ating ika-20 siglo, lalo na sapol noong 1914? Nakikita mo ba ito kahit ngayon sa 1988? Bilang isang paalaala, ating repasuhin ang ilan sa mahalagang mga pangyayari na nakaapekto at nakakaapekto sa sangkatauhan at sagutin natin ang katanungang, Ipinahihiwatig ba nito na ang panahon upang makialam ang Diyos sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian ay malapit na?​—Lucas 21:29-33.

[Talababa]

a Ang mga hulang ito ay detalyadong masusumpungan sa sumusunod na mga teksto sa Bibliya: Mateo 24; Lucas 21; Marcos 13; 2 Timoteo 3:1-5.

[Larawan sa pahina 4]

Ang nakasulat sa ibaba ng tipikal na bantayog na ito ng Digmaang Pandaigdig I ay kababasahan: “Sa walang-hanggang alaala ng Maluwalhating mga Patay ng Borough ng Evesham [Inglatera] na nagbuwis ng kanilang buhay alang-alang sa kanilang Bayan sa Dakilang Digmaan.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share