Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 5/8 p. 3-4
  • Ang Nakamamatay na Ani ng Polusyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Nakamamatay na Ani ng Polusyon
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nakikitang Ani ng Polusyon
  • Polusyon—Sino ang Pinagmumulan Nito?
    Gumising!—1990
  • Pagtunton sa mga Sanhi ng Polusyon
    Gumising!—1988
  • Ang Polusyon ay Susugpuin—Nang Lubus-lubusan!
    Gumising!—1988
  • Oh, Kay Sarap ng Sariwang Hangin!
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 5/8 p. 3-4

Ang Nakamamatay na Ani ng Polusyon

NANG ang musikal na taong mapagpatawa na si Tom Lehrer ay umawit ng tungkol sa polusyon noong 1960’s at nagpayo sa mga dumadalaw sa Estados Unidos na huwag uminom ng tubig o lumanghap ng hangin, ito’y sinadya upang maging katawatawa.

Sa panahong ito walang tumatawa. Kung sa bagay, ang polusyon ay hindi naman talaga isang bagay na nakatatawa. Ang ating hangin ay narurumhan ng mga ibinubuga ng pag-iinit at industriya, singaw ng makina, at nahuhulog na radyoaktibong bagay; ang ating tubig ng natatapong kemikal at langis; at ang ating lupa ng pag-ulan ng asido at ng mga tambak ng nakalalasong basura. Noon ang mga pangalang Chernobyl, Love Canal, Amoco Cadiz, at Bhopal ay hindi kilala. Ngayon ang mga ito ay nagdudulot ng pangamba. Ang sibilisasyon ay naligaw, isinasapanganib ang angaw-angaw na mga tao ng kahina-hinalang mapagpipilian ng matagal na pagkakasakit o biglang kamatayan.

Ang polusyon ay lalo nang nakatatakot sapagkat kadalasan nang ito’y hindi nakikita. Ang hangin ay maaaring magtinging sariwa at dalisay gayunma’y radyoaktibo; ang pagkain at tubig ay maaaring magtinging kaaya-aya gayunma’y punô ng nakalalasong kemikal! Totoo, ang polusyon ay karaniwan nang isang di-nakikitang salarin.

Nakikitang Ani ng Polusyon

Bagaman ang polusyon ay maaaring di-nakikita, ang nakamamatay na ani nito ay nakikita. Makikita mo ito saan ka man tumingin: mga taong namamatay dahil sa kanser at mga karamdaman sa palahingahan; mga gusali at monumento na sira ang anyo; malaking bahagi ng buhay hayop at halaman na nalipol; mga ilog na naubusan ng mga isda; patay at namamatay na mga kagubatan.

Ngayon isa pang pambihirang bagay ang lumilitaw, waring taglay rin ang tatak ng polusyon. Natuklasan ng mga siyentipiko ang isang butas sa ozone layer na nakapaligid sa lupa. At ito ay lumalaki. Inaakala ng ilan na ang polusyon ng chlorofluorocarbon ang maliwanag na salik, dahil sa malawakang paggamit ng aerosol sprays. Ang pagsira kaya sa ozone layer na ito, na tumutulong upang salain ang nakapipinsalang radyasyon ng araw, ay maging sanhi ng mabilis na pagdami ng kanser sa balat? O marahil ay magpangyari ng isang bagay na mas malala pa?

Ang polusyon ay lumago sa gayong kapahapahamak na kasukat na dapat lunasan​—at madali​—upang maiwasan ang pangglobong kapahamakan. Ang higit na kabatiran tungkol sa kaselangan ng problema ay umakay sa pagtatatag ng mga pangkat sa ekolohiya at tumulong pa nga sa paglalagay sa kapangyarihan ng bagong mga partido sa pulitika. Sa Pederal na Republika ng Alemanya, halimbawa, ang may kabatiran sa ekolohiya at angkop na pinanganlang Greens ay nakakuha ng 8.3 porsiyentong boto ng madla sa pederal na eleksiyon noong Enero 1987.

Maaasahan kaya natin na ang pagkabahala ng tao ay matagumpay na maililipat sa positibong pagkilos na maaaring mag-alis sa ating planeta ng polusyon, ang di-nakikitang salarin? Personal na mapangangalagaan kaya natin ang ating mga sarili mula sa nakamamatay na mga balak nito?

[Kahon sa pahina 4]

Ang Ating Narumhang Planeta

Brazil: “Tinatawag ito ng mga taong nakatira [sa Cubatão] na ‘Ang Libis ng Kamatayan.’ . . . Ang mga punungkahoy at lupa ay walang kabuhay-buhay at, parami nang parami, ang mga batang ipinanganganak na patay o namatay. Polusyon ang umiiral.”​—Latin America Daily Post.

Tsina: “Karamihan ng mga lunsod sa hilagang-silangan ng Tsina [ay dumaranas] ng napakalaganap na polusyon sa hangin anupa’t sa dakong huli ng hapon yaon lamang matitibay na tagaroon ang makalalakad sa mga lansangan nang hindi nasusunog ang mga bagà at nagluluha ang mga mata.”​—Time.

Denmark: “Tanging ang sunud-sunod na malamig, mahanging mga tag-araw na may madalas na mga bagyong salabás ang makapagliligtas sa baybaying Danes buhat sa isang ekolohikal na kapahamakan. . .. [Sa isang lugar, dahil sa kakulangan ng oksiheno, ang mga isda at buhay sa dagat ay hindi makaliligtas.”​—Basler Zeitung.

Pederal na Republika ng Alemanya: “Isang nakalalasong halo ang natapon sa Rhine [mula sa isang nasusunog na bodega ng kemikal malapit sa Basel, Switzerland], sinisira ang 15 taóng pagbabagong-ayos sa Rhine [at pinapatay ang tone-toneladang isda]. . .. Ang aksidente sa Sandoz ay nagbunga ng malubhang ekolohikal na pinsala sa 280 kilometro ng Rhine.”​—Der Spiegel.

Unyong Sobyet: “Ang malaking sakuna ng reactor sa Chernobyl . . . ang malaking pagbabago sa kasaysayan ng modernong sibilisasyon. At isa itong kapahamakan na sa kabuuan ay makakaapekto sa atin sa loob ng mga dantaon. . .. Na 570 milyong taga-Europa, sa iba’t ibang antas, noon, ngayon, at sa hinaharap ang patuloy na malalantad pa sa karagdagang radyoaktibidad sa loob ng 300 taon na magkakaroon ng di-mailalarawang mga resulta.”​—Psychologie Heute.

Estados Unidos: “Ang mga siyentipiko . . . [ay] nagpahayag ng bagong mga pagkabahala na ang pag-ulan ng asido, karagdagan pa sa pagpatay sa mga lawa, ay sinusugpo ang paglaki ng mga kagubatan at malamang na maging isang sa kalusugan ng tao sa pamamagitan ng pagpaparumi sa iniinom na tubig.”​—Maclean’s.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share