Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 5/8 p. 8-10
  • Ang Polusyon ay Susugpuin—Nang Lubus-lubusan!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Polusyon ay Susugpuin—Nang Lubus-lubusan!
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Susugpuin sa Wakas ang Malupit na Salarin!
  • Ang Nakamamatay na Ani ng Polusyon
    Gumising!—1988
  • Polusyon—Sino ang Pinagmumulan Nito?
    Gumising!—1990
  • Pagkasumpong ng Tamang Solusyon
    Gumising!—1996
  • Pagtunton sa mga Sanhi ng Polusyon
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 5/8 p. 8-10

Ang Polusyon ay Susugpuin​—Nang Lubus-lubusan!

“HINDI maiiwasan ang konklusyon na ang kapaligiran ay lubhang di-ligtas kaysa karaniwang ipinalalagay.” Kung ang mga salitang ito ay totoo noong 1970 nang isulat ito ng awtor ng pinakamabiling aklat na si G. R. Taylor, gaano pa nga katotoo ito sa ngayon! Ang mga tsansa na maaaring alisin ng mga tao ang mga hadlang na nakaharang sa daan ng permanenteng lunas sa polusyon ay lumiliit. Ang maliwanag na katotohanan ay na kailangan ng tao ang tulong ng Diyos.

Nang likhain ng Diyos ang mga tao, tinagubilinan niya sila na pangalagaan ang lupa. (Genesis 1:28; 2:15) Sa halip, dahil sa kamangmangan at dahil sa pagmamataas, dinumhan nila ito. Subalit ang Maylikha ay nangako na “ipapahamak yaong nagpapahamak sa lupa.” Minsang ang kusang mga tagapagparumi sa lupa ay maipahamak na ng pamahalaan ng Kaharian ng Diyos, maaalis na ang mga sanhi ng polusyon.​—Apocalipsis 11:18.

Inilalarawan kung paano ito gagawin, ang Isaias 11:9 ay nagsasabi: “Sila’y hindi mananakit o lilikha ng anumang pinsala sa aking buong banal na bundok; sapagkat ang lupa ay mapúpunô nga ng kaalaman tungkol kay Jehova.” Walang alinlangang tuturuan ng Maylikha ang mga tao ng lahat ng bagay na kailangan nitong malaman tungkol sa lupa at sa kapaligiran nito upang kumilos bilang maibiging mga tagapangalaga nito, na iiwasang gawan ito ng anumang pinsala o ng anumang kapahamakan.

Isasauli ng Diyos ang mga tao sa kasakdalan, ang kalagayan nang lalangin niya ang unang mga tao. Ang sakdal na mga kaisipan, na punô ng tumpak na kaalaman at nasusupil ng sakdal na paghatol, ay hindi madaling mahulog sa pagkakamali ng tao. Ang kawalang-ingat at iba pang mga kahinaan ng laman na gaya ng nalalaman natin ay aalisin. Dahil sa proteksiyon ng Diyos wala nang kakatuwang mga aksidente. Kahit na ang mga elemento ay pananatilihin sa ganap na pagsupil.​—Ihambing ang Marcos 4:39.

Ikikintal din ng “kaalaman tungkol kay Jehova” sa mga tao ang maibiging pagkabahala sa iba at paggalang at pagpapahalaga sa mga nilikha ng Diyos na pipigil sa mga indibiduwal sa pagnanais na magparumi. Sa katunayan, gumagawa na ito ng ganitong uri ng mga tao, mga taong hinubad na “ang matandang pagkatao pati na ang mga gawain nito,” at na nagsisikap mamuhay ayon sa mga simulaing Kristiyano. “Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili,” halimbawa. O, “Sa inyong pamumuhay ay mangilag kayo sa pag-ibig sa salapi.” Isa pa: “Patuloy na hanapin ng bawat isa, hindi ang kaniyang sariling kapakinabangan, kundi yaong sa kaniyang kapuwa.”​—Colosas 3:9, 10; Marcos 12:31; Hebreo 13:5; 1 Corinto 10:24.

Susugpuin sa Wakas ang Malupit na Salarin!

Hanggang sa ngayon ay wala pang binabanggit tungkol sa punong promotor ng polusyon. Siya ay isang di-nakikitang salarin, ang mahigpit na Kaaway ng Diyos, ang Diyablo. (Juan 8:44; Hebreo 2:14) Ang masamang kaisipan ni Satanas ay sanáy sa pag-iisip ng mga paraan upang pasamain ang Diyos at ipahamak ang nilikha ng Diyos. Ang marumi at salaulang lupa ay hindi nagbibigay ng karangalan sa Maylikha, na nagdisenyo nito upang maging maningning sa kalinisan at kagandahan; ni ang mga tao man na nilikha sa larawan ng Diyos na hinahayaang iligaw sila ng Diyablo sa paggawa ng kaniyang utos. (Efeso 2:2) Habang umiiral pa si Satanas, ang pakikipagbaka laban sa polusyon ay magpapatuloy. Subalit hintay muna!

Ang pangako ng Diyos ay: “At nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit . . . At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diyablo at Satanas, at iginapos siya nang isang libong taon . . . upang hindi sila makapandaya pa sa mga bansa hanggang sa matapos ang sanlibong taon.” (Apocalipsis 20:1-3) Ang anghel na iyon ay ang Panginoong Jesu-Kristo, na siyang gagapos kay Satanas sa gayo’y aalisin ang impluwensiya ni Satanas sa sansinukob sa loob ng sanlibong taon, sa gayon ay aalisin ang pangunahing hadlang sa isang daigdig na walang polusyon.

Sa panahon ng Sanlibong Taong Paghahari ni Kristo, ang planetang Lupa ay magkakaroon ng sapat na panahon upang makabawi sa mga pagsalakay ng polusyon. Madaling mapapawalang-saysay ng Kaharian ng Diyos ang pinsalang nagawa na. Samantala, dahil sa nakamamatay na ani ng polusyon, makabubuting ingatan natin ang ating mga sarili sa mga pagsalakay nito sa pinakamabuting paraan na magagawa natin. Mangyari pa, ang mga paraan sa paggawa nito ay natatakdaan, at hindi praktikal na sundin ang balintunang payo ni Tom Lehrer: ‘Huwag kang uminom ng tubig at huwag kang lalanghap ng hangin.’ Subalit maaaring sundin ang iba pang mga hakbang. (Tingnan ang kahon sa pahina 9.)

Samantalang sinusunod ang gayong mga hakbang, dapat nating tandaan na ang pinakamabuting proteksiyon laban sa mga pagsalakay ng polusyon ay ang maglagak tayo ng tiwala sa Kaharian ng Diyos. Ito lamang ang permanenteng lulutas sa problema. Noong nakaraang taon ang mga Saksi ni Jehova ay nagdaos ng mahigit tatlong milyong lingguhang mga pag-aaral sa Bibliya sa mga taong nagnanais matuto ng mga kahilingan ng Diyos para mabuhay sa kaniyang bagong sanlibutan na walang polusyon. Nais mo bang samantalahin ang paglilingkod na ito, na iniaalok nang walang bayad?

Anong laking kagalakan na malaman na ang ating pakikipagbaka laban sa polusyon​—ang malupit na salarin​—ay malapit nang matapos! Gayundin ang ating pagpupunyaging batahin ang nakamamatay na ani ng polusyon. Ang polusyon at ang punong promotor nito, si Satanas na Diyablo, kapuwa mga salarin, ay susugpuin na sa wakas​—nang lubus-lubusan!

[Kahon sa pahina 9]

Personal na Pangangalaga Laban sa Polusyon

◼ Ingatan ang iyong panlahat na kalusugan, magkaroon ng sapat na ehersisyo at pahinga sa regular na saligan

◼ Iwasan ang paninigarilyo, pag-abuso sa alak at mga droga, o iba pang bisyo na nagpapahina sa depensibong mga mekanismo ng katawan

◼ Iwasan ang labis-labis na pagbibilad sa araw

◼ Gumamit ng water filter kung ang panganib tungkol sa maruming tubig ay umiiral sa inyong lugar

◼ Iwasan hangga’t maaari ang mga pagkaing may kemikal na mga additive

◼ Iwasan ang hindi kinakailangang medikasyon, yamang halos lahat ng gamot ay may masamang epekto

◼ Makipagtulungan sa legal na mga regulasyon na idinisenyo upang sugpuin ang polusyon

[Larawan sa pahina 10]

Walang anumang panlilinlang tungkol sa kagandahan ng bagong sanlibutan ng Diyos na walang polusyon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share