“Isa Lamang Itong Ibon na Nagsisikap Gumawa ng Ikabubuhay”
Ito’y isang masipag na manggagawa, ipinagtatanggol ang grupo nito, nakikibahagi sa mga gawaing-bahay nito, nililimliman ang mga itlog, inaalagaan ang mga inakay, pinakakain ang mga inakay, at nagpapaalipin sa loob ng mga ilang buwan nang walang pahinga. Namumuhay ayon sa pangalan nito bilang acorn woodpecker, ito ay kumukutkot ng mga butas sa mga punongkahoy at pinupuno ito ng acorns (nuwes ng punong encina) upang tambakan ang paminggalan nito para sa taglamig. Ang isang malaking puno ng pino ay tinatayang mayroong 50,000 mga acorn na nakatago rito.
Lahat ng iyan ay mabuti, subalit nagkakaroon ng problema kapag ito’y lumilipat sa mga poste ng kuryente para sa paminggalan nito. Tinatadtad nila ito ng mga butas, ang mga poste ay humihina, ang ilan ay nangangailangan palitan, at iyan ay nagkakahalaga ng $800 hanggang $1,300 (U.S.) isang poste. At iyan ay nangangahulugan na ang angkan ng woodpecker ay nakakagalit sa iba—at gastos!
Isang wildlife manedyer sa Arizona Game and Fish Department ay mayroong mahabaging pangmalas, “Isa lamang itong ibon na nagsisikap gumawa ng ikabubuhay.” Hanggang sa ngayon, kahit na ang kompaniya ng kagamitan ay naging maawain ngunit matatag. Ang kuryente ay dapat na dumaan. Ang mga posteng yari sa metal, kongkreto, at fiberglass ay sinubok. Napakamahal. Ang mga poste ay binalot ng pinong wire mesh. Gayundin ang palagay. Isang butas-butas na polyethylene ang nasira sa mainit na araw sa timog-kanluran. Mga ahas na yari sa goma ay inilagay sa mga poste subalit ang mga ito ay hindi rin pinansin. Ang mga poste ay binombahan ng isang kemikal na sinadya upang itaboy ang mga woodpecker. Mabuti ang mga resulta sa Texas subalit hindi sapat sa Arizona.
Sa huling report, ang pakikipagbaka laban sa woodpecker ay nagpapatuloy, subalit ang acorn woodpecker ay nagpapatuloy pa ring gumawa ng ikabubuhay. At siya’y isang kapansin-pansing magandang nilikha!
[Picture Credit Line sa pahina 31]
G. C. Kelley photo