Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 8/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • AIDS
  • Day Care
  • Inaalagaang mga Perlas
  • Pagpapatubo ng Perlas—Isang Magandang Ideya!
    Gumising!—1988
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mga Black Pearl—Mga Hiyas Mula sa South Seas
    Gumising!—2005
  • Pagtulong sa mga May AIDS
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 8/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

AIDS

Ako’y sumulat bilang tugon sa inyong mga artikulo may kaugnayan sa AIDS at lalo na sa isang liham na nagkukomento na “waring ang mga Saksi ni Jehova lamang ang hindi nanganganib na magkaroon ng AIDS sapagkat sila’y hindi ‘nagtuturok’ ng mga droga, hindi sila nagsasagawa ng homoseksuwalidad o pagkasilahis man, sila’y tapat sa kani-kanilang asawa, at hindi sila tumatanggap ng pagsasalin ng dugo.” Ang AIDS ay isang sakit na nagsasapanganib sa lahat, kahit na sa mga Saksi ni Jehova. Ikinaiinis ko ang pagpapahiwatig na tanging sila lamang ang malaya sa AIDS. Maaari bang huwag na ninyong palabasin na para bang ito ay isang parusa ng Diyos, sapagkat kung gayon kailangang aminin ninyo na ang kanser ay isa ring parusa ng Diyos, na hindi totoo.

R. C., Estados Unidos

Maaaring nasa isip ng aming mambabasa ang isang artikulo mula sa “Pagmamasid sa Daigdig” (Mayo 8, 1988). Ang pangungusap ay sinabi ng isang dalubhasa sa medisina tungkol sa mga sakit na nakakahawa at inilathala sa magasing “ISTOÉ” ng Brazil. Kahawig na mga komento ay sinabi rin ng iba pang babasahin sa medisina na kinikilala ang mas mababang panganib na napapala dahil sa pagsunod sa nabanggit ng mga simulain. Mangyari pa, si R. C. ay tama sa pagsasabi na kahit na ang mga Saksi ni Jehova ay nanganganib, subalit karaniwan nang dahil sa kanilang paggawi bago naging mga Saksi, o sapagkat sila’y namumuhay na kasama ng kani-kanilang asawa na hindi sumusunod sa mga kautusan ng Bibliya. Hindi namin makita ang anumang kaugnayan nito sa kanser, na karaniwan nang hindi bunga ng paglabag sa mga simulain ng Bibliya.​—ED.

Day Care

Nais ko kayong papurihan sa inyong pagtalakay sa “Ang Pagtatalo Tungkol sa Day-Care” ng labas ng Gumising! noong Disyembre 8, 1987. Ang impormasyon ay tama at inilahad sa isang timbang na paraan. . . . Mayroong isang mahalagang aspekto ng mahusay na pangangalaga-sa-bata na hindi binanggit ng inyong artikulo​—ang kahalagahan ng magalang na kaugnayan sa pagitan ng mga magulang at ng mga tagapagbigay ng pangangalaga-sa-bata. Mientras higit na nasasangkot ang mga magulang, magiging mas mahusay ang pangangalaga. Dapat malaman ng mga nag-aalaga na sila’y pinahahalagahan ng mga magulang at hindi lamang mga bayarang lingkod. Mahalagang magkaroon ng malapit at maginhawang komunikasyon sa tagapangalaga . . . Pinaglilingkuran ninyong mabuti ang inyong mga mambabasa sa pamamagitan ng pagpatnubay sa kanilang pag-iisip tungkol sa mahalagang paksang ito.

K. M., Patnugot ng Pambansang Edukasyon

Children’s World, Estados Unidos

Inaalagaang mga Perlas

Talagang nasisiyahan akong basahin ang inyong mga magasin, at nasusumpungan ko ang mga ito na nagbibigay ng impormasyon at mahusay ang pagkakalahad. Sa kadahilanang ito, ako’y medyo nasindak sa artikulo tungkol sa inaalagaang mga perlas sa Gumising! ng Enero 22, 1988. Ang perlas ay nabubuo sa pamamagitan ng pagpasok ng isang bagay sa katawan ng isang talaba. Hindi lamang pinabibigatan ng ibang bagay ang talaba kundi ito ay inaalis mula sa nabubuhay na kinapal sa dakong huli, na sa panahong iyon ay ganap na nasasangkapan ng sarili nitong sistema nerbiyosa. Para sa akin ito ay katumbas ng kalupitan sa mga hayop.

F. G., Pederal na Republika ng Alemanya

Tinuturuan ng artikulo ang aming mga mambabasa ng isang industriya at hindi nito tinutukoy ang moralidad nito. Kinikilala namin na may personal na mga pagkasensitibo kung tungkol sa pagtrato sa anumang bagay na buháy, at hindi namin nais na pintasan ang gayong personal na mga damdamin. Gayumpaman, sinisikap naming sundin ang pangmalas ng Diyos na ipinahayag sa Bibliya, na may pagsang-ayon na bumabanggit tungkol sa mga perlas at nagpapahintulot din sa paggamit sa “bawat gumagalaw na hayop . . . na pinakapagkain” ng mga tao. (Genesis 9:3; Mateo 13:46) Sa pangwakas na pagsusuri, ang pag-aalis ng perlas ay may kaunting kaibhan sa anumang matadero kung saan ang mas masalimuot na mga hayop ay pinapatay para sa pang-araw-araw na pagkain.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share