Abutin ang mga Bituin
ANG pagkaliliit na dilaw, dambuhalang pula, mainit na bituing bughaw,ay pawang nagbabadya ng mga tanawin sa kalangitan. Subalit, bukod sa kanilang liwanag, karamihan sa atin ay nahihirapang kilalanin ang anumang pagkakaiba sa pagitan ng isang bituin sa iba pang bituin. Ano ba ang nakikita ng mga astronomo na hindi natin nakikita?
Kahit na ang isang katamtamang-laki na teleskopyo ay bahagyang nagsisiwalat ng kulay nila. Gayumpaman, naroroon ang kulay. Gaya ng sinasabi ng Bibliya mga dalawang libong taon na ang nakalipas, “ang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian” at, siempre pa, sa kulay.—1 Corinto 15:41.
Kaya bakit hindi natin makita ang iba’t ibang kulay ng mga bituin? Bagaman ang ating mga mata ay sanay na sa dilim pagkaraan ng ilang minuto, ito ay nangangailangan ng isang tiyak na minimum na tindi ng liwanag upang makakita ng kulay, at ang liwanag buhat sa bituin ay hindi gayon katindi. Kaya, bagaman nakakakita tao ng mga bagay sa malayo, mahirap pa rin nating madistinggi ang kanilang kulay.
Nalulutas ng astronomo ang problemang ito sa paggamit ng sensitibong photographic plates kasama ng malakas na mga teleskopyo. Ang time-lapse na kuha sa kanan ay maliwanag na nagpapakita sa iba’t ibang kulay ng ilang bituin sa Timugang Hating-globo habang ang mga ito ay gumagalaw sa langit sa gabi. Anong gandang patotoo sa gawang-kamay ng Diyos!—Awit 8:3.
[Picture Credit Line sa pahina 31]
David Malin, Anglo-Australian Telescope Board